PAKSA

48 1 0
                                    

"Class don't forget to submit your entry for this year's manunulat fest"

Rinig kong sigaw ng teacher namin before siya lumabas ng classroom. Dali dali namang nag sitayuan ang mga kaklase ko pag labas niya dahil lunch break ang kasunod. Tiningnan ko ang wrist watch ko bago tumayo. 30 mins yan nalang ang natitirang oras ko para kumain.

Kung makikipag siksikan pa ako sa cafeteria aabutin ang ng 15 mins, 10 mins na pag hahanap ng upuan, another 15 mins ulit sa pagkain. Mamaya nalang ako kakain sa vacant time tutal di pa naman ako masyadong gutom.

Umupo ako ulit sa upuan ko ang nag simulang mag labas ng papel at ballpen. Mag susulat nalang ulit ako.

Bago ko pa man matapos ang nasimulan kong tula ay pumasok ang isang kaklase ko. Halatang tinakbo yung thirdfloor. Hingal na hingal eh.

"June pinapatawag ka ni Prof. Salas" hingal na bigkas pa niya. Agad naman akong tumayo at inayos ang gamit ko. Tiningnan ko ulit ang wrist watch ko. 5 mins before time.

"Wag ka mag alala excused ka sa susunod na klase kung ma lelate ka" dugtong niya pa. Agad naman akong lumabas dala ang mga gamit ko.

Umakyat ako ng 5th floor sa main building. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan bago mag desisyon na pihitin ang door knob. "Prof, pinapatawag niyo daw po ako?" Bigkas ko ng sumilip ako sa pinto. "Oh June ikaw pala. Halika pumasok ka muna" aya niya sakin.

"Siguro alam mo naman na mayroon tayong Manunulat fest ngayong taon?" Bungad niya ng makaupo ako. "Opo, bakit po?" Tanong ko naman. "Well, nakita ko kasing wala pang nag papasa na mga Archi students ng mga entry nila for this year. If hindi pa sasali ang Archi department this year ay ma didisqualified tayo at di makasali sa sports fest next month."

Wala namang kaso sakin kung di makakasali ang department. Pero naalala ko maraming athletes ang nasa department namin kesa sa ibang course. "Ano po ang balak niyong gawin kung ganon?" Tanong ko dito dahil ramdam ko na ang gutom ko.

"Balak kong ikaw ang sumali ngayong taon." Saad niyang naka ngiti. Nagulat naman ako dahil bakit ako?
"Ho? Bakit po? Di naman ako marunong mag sulat prof" saad ko pa. Wala akong panahon sa mga ganito.

"Nakita ko ang nga akda mo. Ang galing mong magsulat June kaya ikaw ang napili ko." Ha? Di ko naman pinopost or ipinagkakalat ang mga naisulat ko.

"San niyo po nakita? Di ko naman po ipinagkakalat yung sulat ko." Tanong ko pa. Pinihit niya naman ang drawer sa mesa niya at inilapag ang bagay na matagal ko nang hinahanap. Yawa naka'y prof yan?

Dali dali ko namang kinuha ito. "Prof, Pasensya na po pero hindi talaga ako marunong mag sulat. Kita niyo naman po na hindi tugma ang mga tula. Hindi din ho masayaang kahihinatnan ng mga kwento."

"Kung yan ang ikinakabahala mo wag kang mag alala may mga tulang malaya hindi kinakailangang maging tugma. May mga kwentong pwede pa ibahin ng panahon para magwakas ng masaya." Nakangiting wika niya pa.

"Gustuhin ko man po ay wala akong inspirasyon para lumikha." Saad ko habang inaayos ang mga gamit ko upang umalis na sana. "Nakita ko ang dulo ng kwaderno mo." Sandali naman akong natigilan. Nakita niya kaya?

"Nakita ko pero hindi ko ipagkakalat sa iba. Sino siya? Bakit hindi siya ang gawin mong inspirasyon?" Buntong hininga ko namang hinarap si Prof. Salas at sinagot "Sa totoo lang po. Siya ho ang laman ng kwarderno. Sakanya ho na sentro ang ikot ng mundo ko. Pero tinigil ko na ngayon." Akmang hahakbang na ako papalayo ng mag salita ulit siya.

"So all along babae ang paksa ng mga tula mo?"
Ngumiti siya na tila namamangha. Agad naman akong tumango. "Kahit yung mga kwento? Yung mga tula? Yung mga akda mong hindi maitugma?"

"Opo"

"Ang ganda ng paksa mo kung tutuusin pwede ka na maging pintor dahil naipinta mo ng maayos ang mga katagang binitawan mo sa tuwing isusulat mo ito. Pero bat mo tinigil kung ganon?" Tanong niya pa na tila naguguluhan.

Kahit ako din naman maguguluhan. Sinong manunulat ba ang titigil sa pag sulat kung ang kanilang paksa ang magandang dilag na hindi mo sukat maipinta sa sobrang perpekto niya.

Agad namab akong ngumiti at nag paalam. Pero bago yun bumitaw ako ng sagot sa kanyang katanungan.
"Dahil hindi ko pa nabubuksan ang ang kwaderno at naisawsaw ang pluma sa tinta ay tinapos na ho niya ang akda."

Dali dali akong tumalikod palabas ng opisina niya.

Ang sakit namang ikwento ka sa sarili mo Thea. Ang sakit isipin na bago ko pa masimulan ang kwento nating dalawa itinigil mo na sa pamamagitan ng amnesia.

Sana sa araw na bumalik ang iyong ala ala matingnan mo pa ako ng diretso sa mata.

~~~~~~~~

AN
Its been a while mga mahal.
I miss writing Mágoa to be honest.
Bukod sa busy sa acads and life nawalan talaga ako ng inspo to write this book kasi isang taon na ata tayong tag tuyo. Buti nalang I found someone who gave me ideas and inspiration to write again. I might not write everyday but I'll try to update every week or every other week. No promises tho😉

MágoaWhere stories live. Discover now