Hanggang sa Muli

94 3 0
                                    


Mahal kong Lea,

Sa huling sandali ako'y iyong halikan
Mga kamay ko'y muling hawakan
Mahigpit na yakap sa'kin ay iwan
Nais ibulong ang aking mararamdaman
Mahal kita, yan ay iyong tandaan.

Ibig marinig mga salitang 'mahal din kita'
Ngunit tila walang tinig, bibig ay ayaw bumuka.
Sa istoryang tayong dalawa ang bida
Ililipat ko na sa susunod na pahina
Ipagpapatuloy pa ba, kung wala ka na sa susunod na kabanata?

Hirap bigkasin salitang paalam
Sadyang masakit, sa puso ko'y ramdam
Nais umiyak habang iyong nakikita
Umaasang ikaw ang pupunas sa mga luha
Muling sasambatin, mahal kita hanggang sa muling pagkikita.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi mga mahal! Kumusta kayo? I hope ya'll are doing good. This is not a story but this is Ria's letter for Lea when she decided to part ways. And no, this all fictional and just a part of my imagination. Everything mentioned here is not real. Keep safe to you all.

MágoaWhere stories live. Discover now