Chapter 27

3.2K 138 10
                                    


EVERYTHING


From M-SPC:

Good day, Attorney Davies! Our company invites you to visit here tomorrow for an actual interview with the CEO, Mr. Maddieson James Montejo. Thank you.

Basa ko sa isang mensahe na pinadala sa aking E-mail. Nandon din ang kanilang company location and their contact number.

I chuckled lowly. Kahapon lang pumunta doon si Morgan, tapos ngayon ay nagpadala na agad sila sakin ng message? That's suspicious.

"Indeed a good day, Rebecca..." I grinned bago ako tumayo sa inuupuan.

Because of that news ay magana akong bumaba at dumiretso sa dining. If yesterday, Morgan was with me because Nix left, now it's the other way around... Phoenix is ​​with me today because I ordered Morgan to pick up my motorcycle.

Twenty-four hours ring bumyahe ang motorcycle ko na 'yon. Ayaw pa ngang ipasunod ni Daddy sakin dito, at sinabi bumili nalang daw ako pero agad ko 'tong tinanggihan.

Why would I buy a new one when I already have one? Gastos lang.

"Kuya, samahan mo ako, please..." Bungad ko sabay upo sa high chair.

He raised a brow at me. Itinigil niya ang paghahalo doon para lang maharap ako.

"Where?" Tanong niya.

I tapped my fingers on the table. May dala naman akong mga damit pero tingin ko ay kulang ang gagamitin kong formal attire para sa pangaraw-araw na pasok. Well, hindi ko pa din naman alam kung matatanggap ako, pero mas okay na din 'yong ready.

I also want to buy new heels. And maybe try a spa and new nail polish and hair style? 'Yon lang naman.

"Sa mall lang..."

"Don't tell me na kulang pa ang mga gamit na dinala mo?" Humalukipkip siya at tumayo ng diretso sa aking harap, I looked up at him.

Napakurap ako. He looks more arrogant older brother for me. Halatang-halata ang agwat namin, at halata rin kung gaano siya dapat irespeto bilang nakakatandang kapatid ko.

I suddenly felt guilty when I remembered how I had treated him then, when I didn't even know who he really was. I even cursed him... and often say bad words.

You're really a brat, Rebecca.

"I just feel like it's kulang." Buntong hininga ko.

"Sure, as if I have other choice?" Napailing siya.

Kaya ang ending ay nandito ako sa front seat ng Raptor ni Nix, since I don't know how to drive a car and I have no plans to learn it. Bukod kasi sa wala akong tiyaga ay mahirap din kasing isingit kapag traffic, unlike motorcycles.

We got to the mall in no time. Bumaba agad ako pagkaparada ng kotse at sumunod naman agad siya. As usual there are a lot of people kaya si Nix ay todo bantay sakin at sa paligid.

"We should have brought more bodyguards..." Aniya sa aking tabi.

Ngayon lang pumasok sa isip ko ang bagay na 'yon. Pero sino naman ang isasama namin kung kaming tatlo lang ang magkakasamang umuwi dito sa pinas?

"Wala naman siguro 'yan, kuya..." Nasabi ko nalang.

"We can't tell, Rebecca. Alam mo namang hindi pa din tayo puwedeng mapanatag." Aniya pa.

I know that naman. But what can I do? Hindi naman ako pwedeng magpadalos-dalos nalang. Ni hindi pa nga ako sigurado kung siya na talaga ang...

I shook my head. Ahh, never mind. That shouldn't be what I'm thinking right now. Pero hindi ko din 'yon pwedeng ipagsawalang-bahala nalang. But then, all I want right now is to have my peace... And Maddieson.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now