PANGATLO

16 1 0
                                    

FLASHBACK,

Napatingin ako sa salamin ng pinasuot na naman sa akin ni nanay ang puting bestida na ibinili niya sa akin. Nasa walong gulang pa lamang ako at hindi ko masyadong naiintindihan ang mga ginagawa niya noon.

"Oh, maganda ka talaga, Maribel! Kaya maraming mas magbibigay sa atin ng mga ani nito," bulong ni nanay na hindi nakatakas sa aking paningin. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nagbibilang ng mga pera na nakolekta niya.

"Nay, bakit ba kailangan kong magsuot nito? Kung sinu-sino ang humahawak sa akin," nakalabing reklamo ko. Naging masama ang tingin niya sa akin saka agresibong lumapit sa akin.

"Hindi ba ang sinabi ko sa'yo ay huwag mo akong tatanungin, pasalamat ka nga na sikat ka at nakakakain araw-araw! utang na loob mo 'yon sa akin," gigil na sabi niya sa akin na ikinabasa ng akint mga mata.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang kanyang ginagawa. Nagtataka na ako na ang dami niyang pera parati na binibilang.

"Nagtatanong lang naman po ako, nay," pabulong na sabi ko. Kumuha siya ng sigarilyo saka sinindihan iyon.

"Huwag ka na lang magtanong, ang mahalaga ay maayos ang buhay natin ngayon," nakangising sabi niya ng humithit siya ng sigarilyo saka ibinuga ang usok niyon.

Hindi na lamang ako umimik dahil kahit anong pilit kong malaman ay hindi ko pa rin alam kung ano nga ba talaga ang nangyayari.

"Sumunod ka sa ating, ama, Maribel," anya ni nanay ng makita ko siyang iniwan ako sa namumuno ng baryo namin. Nakaramdam ako ng kaba dahil kahit maamo ang mukha nito ay natatakot pa rin ako.

"Nay, natatakot ako, ayaw ko!" Umiiyak na sabi ko at nagpumilit na humawak sa kanya.

Anim na taon ako ng mapadpad kami ng aking mga kapatid at ni nanay sa isang malayong baryo.  Hindi ito masyadong daanan ng mga tao dahil masyado itong tago na parte ng gubat. Mabilis naman kaming tinanggap nila nanay ngunit kailangan namin sumamba kay ama.

Kailangan din namin sambahin ang leader ng aming baryo upang gantimpalaan kami nito. Hindi ko alam kung bakit tanging mga babae lamang ang pinipili ng aming pinuno, isa raw yong parte ng ritual upang mabigyan daw kami ng gantimpala ng ama.

"Nay!" sigaw ko sa kanya sabay humawak lalo sa kanyang bestida. Nakita ko naman na walang emosyon ang aking mga kapatid na nakatingin sa akin.

"Ano ka bang bata ka? Huwag kang pasaway sa ating pinuno! Kung anong gusto niya ay gagawin mo! Maliwanag ba?" galit na turan ni nanay sa akin. Natakot ako sa kanyang mga mata dahil pakiramdam ko ay ibang tao ito.

"Maribel," tawag sa akin ni ate Rosa. Lumapit siya sa akin saka bumuntong hininga.

"Sundin mo si nanay, hindi ka gagalawin ni pinuno dahil hindi ka pa naman humahantong sa labing-lima," bulong ni ate Rosa sa akin.

Tuluyang lumuha ang aking mga mata dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gagawin.

"Magtiwala ka kay ate Maribel, itatakas kita rito!" Bulong ni ate sa akin saka ako tumango. Nakita ko naman si nanay na nakabusangot na naman sa akin. Nakita ko ang pinuno na parang mukha itong diyos.

Bughaw ang kanyang mga mata at maganda ang hubog ng kanyang mukha. Ginto ang kanyang kulot na buhok at medyo may kalakihan ang kanyang katawan. Ngumiti ito sa akin kaya napilitan akong ngumiti.

"Huwag kang mag-alala, Maribel, magtiwala ka sa akin hindi kita sasaktan," malumanay na sabi ng aming pinuno. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni ate Rosa. Nakita ko na hinawakan niya ako ng may panginginig.

"Sumama ka na Maribel, magtiwala ka kay ate Rosa, naiintindihan mo ba?" Bulong sa akin ni ate Rosa saka ako tumango.

Alam ko na hindi ako hahayaan ni ate na mapahamak. Lumayo na siya sa akin at saka naglakad ang pinuno papalapit sa akin. Naamoy ko ang kanyang pabango na parang nakakapang-akit sa aking ilong.

"Halika na, Maribel," malumanay ang kanyang boses at mukha siyang katiwa-tiwala. Humawak ako sa kamay niya saka ko nakita ang naiiyak na mata ni ate Rosa ngunit umiwas siya ng tingin.

"Isasama kita sa aking palasyo, Maribel, magugustuhan mo roon. Mabibigyan ka ng gantimpala ni ama sa oras na sundin mo ang gusto ko," nakangiting sabi niya sa akin na ikinatango ng aking ulo.

Gusto ko ng pagpapala kay ama, parati kong naririnig sa mga kababaihan kung paano sila pinagpapala ni ama. Nagkakaroon sila ng bagong damit o kaya masarap na pagkain.

Naglakad kami papasok sa palasyo ng aming pinuno at nanglaki ang mga mata ko ng makita ko ang makintab na lugaw. Masyadong makintab din ang sahig na parang mga salamin.

Nagtanguan ang mga lalaking nakakita sa amin ngunit hindi ako nakaramdam ng komportable ng tingnan nila. Bakit pakiramdam ko ay daig ko pa ang isang hain na kailangan isakripisyo sa isang pekeng diyos?

"Kailangan maging mabait ka rito, Maribel, ibibigay ko sa'yo ang lahat-lahat ng gusto mo," nakangiting sabi ng aming pinuno. Tumango naman ako at mas hinawakan lalo ang kamay niyang napakakinis.

"Opo, pinuno, susundin ko po ang lahat," nakangiting sabi ko sa kanya saka ito ngumiti sa akin. Umupo ito upang magpantay kami saka hinaplos ang aking buhok.

"Kailangan kong sumunod sa ritual, papalakihin mo na kita saka kita uutusan, naiintindihan mo ba?" malumanay na sabi niya sa akin. Inihatid niya ako sa tapat ng magiging kwarto ko. Kulang pula ang mga pinto ng kwarto kaya pakiramdam ko ay natatakot na ako.

Naglakad kami sa pinakadulong kwarto at huminto kami. Nakita ko ang number 13 na nakalagay sa itaas ng pinto.

"Dito ang magiging kwarto mo dahil espesyal ka," nakangiting sabi sa akin ng pinuno. Tumango naman ako at nakaramdam ng saya dahil espesyal akong tao.

"Salamat po pinuno," nakangiting sabi ko. Ngumiti siya sa akin saka binuksan ang pinto. Daig ko pa ang isang prinsesa dahil sa kwarto ko.

"Kapag sumakto ng alas dose, hindi ka pwedeng lumabas kahit ano ang marinig mo ha," nakangiting sabi ng pinuno. Tumango naman ako at nakaramdam ng takot sa kanyang sinabi.

"Bakit po? Ano po ba ang nangyayari?" Tanong ko agad. Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha ngunit agad din nawala ng makita niya ang takot sa aking mukha.

"Nakikipagpulong kami kay ama at dahil masyado ka pang bata ay hindi mo pwedeng makita 'yon," nakangiting wika niya sa akin. Nilapit niya ang mukha sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

"Makakapasok ka rin doon, kaya hindi mo naman kailangan magmadali," dagdag niya sa akin saka seryosong tumingin sa akin.

Tumango lamang ako saka ako humiga sa aking higaan dahil sa pagod. Lumapit siya sa akin at saka pinadapa ako ng higa.

"Mamasahiin kita para makatulog ka agad," malambing na sabi ng pinuno sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Hindi po ba ay ikaw ang dapat kong pagsilbihan?" tanong ko sa kanya.

"Espesyal ka, Maribel. Sa pagtungtong mo ng katorse ay mapagsisilbihan mo ako, sa ayaw mo man o sa gusto," bulong sa akin ng pinuno habang papikit na ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng antok ng masahiin niya at masuyong haplusin ang aking hita.

"Magugustuhan mo ang lahat Maribel, ikaw ang magiging alay para kay ama," bulong ni pinuno na hindi ko na masyadong maintindihan.

The ForesightWhere stories live. Discover now