Keith's POV
Bumili ako ng fresh milk na nasa bote. Pagkabayad ko ay naglakad na ako ng may nakabunggo sa akin. Hays iyan tuloy nabitawan ko at nabasag. Bakit ba kasi may tumatakbo rito sa loob ng Cafeteria eh hindu naman ito playground o field.
"Excuse me." sabi ko. Napatingin ako sa nakabunggo sa akin. Ayun nilampasan lang ako, aba walang modo, ayun patungo siya sa food counter.
"Hilton" basa ko sa naka imprinta na nasa likod ng Jersey niya.
"Miss, ako na nito baka masugatan ka pa." sabi ng janitor sa akin.
"Thanks po." sabi ko at bumalik nalang sa table ko at tubig nalang ang iinumin ko. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng tinignan ko siya dahil dumaan lang naman siya sa may gilid ng table ko at nakangiti pa siyang naglakad patungo sa table niya at nakipag-apir sa mga kasama niya na naka jersey rin. Ang tables niya ay iyong table na nasa distance sa regular na table rito sa Cafeteria and iba rin ang kulay ng upuan at table nila.
"Hmmmp!" nag i-snob lang ako at tinapos ko na ang pagkain ko. Tsaka na ako naglakad palabas ng Cateferia kasi ayaw ko pumangit dahil sa lalaki na walang modo na iyon.
----
Drake's POV
"Pwede ba mag seryoso ka naman Hilton." inis na sabi ni Hawkins sa akin sabay nakapameywang. Medyo na offend ako haha joke.
"Seryoso naman ako ah." sabi ko at binatukan naman ako ni Lou na katabi ko.
"Asan diyan ang seryoso mo ha?"
"Umayos ka nga! Porket wala pa si Captain at si Scherzinger rito ganyan ka." Sabi ni Chen habang inis rin na nakatingin sa akin.
"Seryoso nga kasi ako." pagpumilit ko. Wala pa kasi sina Captain at si Scherzinger pero ito kami nag practice ng kami-kami lang muna tapos itong mga ito itinigil ang practice dahil hindi raw ako nagseseryoso.
"Wag kasi ang kalokohan ko ang tignan niyo." sabi ko sabay ngiti sa kanila.
"Kaya nga eh, puro kalokohan lang ang nakikita namin saiyo."
Napanganga ako. "Ouch naman Chua." Ayun napailing naman ang gago sa akin.
"Wala ka namang seryoso ah feeling mo naman." sabi ni Stanford at ayun sobrang tawa nina Lawrence, Samson at Anderson, mga ugok.
"Wow! Makatawa ah. Eh ano kayo?"
"Hilton, basta kasi sa kalokohan. Number 1 ka eh." sabi ni Marco sa akin na nakangiti.
"Oo nga your the first honor." sabi ni Anderson.
"Pahumble na ako, sige na ako na ang second honor." sabi ni Samson na natatawa.
"Sige na nga ako na ang third honor." sabi ni Lawrence. Tumawa naman ang mga Lions at ang iba ay napailing. Binato ko naman ang bola sa kanilang dalawa.
"Gago!" sabi ko.
"What's the noise?" tanong ni Scherzinger. Andito na pala sina Captain. Kailan lang? Hehe.
"We're having a short practice habang wala kayo but this Hilton here, ain't gonna be serious." Sumbong ni Hawkins.
"Halaka Hilton." panakot ng dalawa sa akin. Nag action naman ako na susuntukin ko sila. Para kaming mga bata nito.
"Hilton." tawag ni Captain sa akin.
"Yes Captain." Feel ko mapa-punish ako nito.
"Ngayon na andito ako. Magseseryoso kana ba?" Seryosong tanong niya sa akin.
Sumimangot naman ako. "Captain naman, kailan ba ako hindi nagseryoso?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Oo nga naman Hilton. Kailan nga ba?" asar na tanong ni Arellano na nag action pa na parang nag iisip, ganun rin ang iba. Sinamaan ko naman sila ng tingin at ayun tumawa lang ang mga gago.
"Hilton." tawag ulit ni Captain sa akin. Napastand straight ako haha.
"Magseseryoso na Captain." Nakangiting sabi ko sabay salute sa kanya. He stared at me for a while then tap my shoulder.
"Same team but this time ako ang referee. Hilton, Anderson, jump ball " sabi ni Captain. Tumango na kami at pumunta na sa gitna ng court at pumosisyon.
Natapos ang practice namin at andito kami ngayon sa locker room namin. Nakabihis na ako at nag announce naman si Captain na next week ay whole week kaming pahinga lang, ayos! dahil by next week ay Championship day na namin.
"GE MGA BRAD, GIRL HUNTING LANG AKO." sigaw ko. Biro ko lang naman hahah.
"Mangbibiktima ka na naman ba?" sigaw na tanong nila nung palabas na ako.
Biktima? Grabe naman sila, ako ang biktima dito kung alam lang nila. Naglalakad ako ng may makita akong babae sa may field na palapit sa akin. Kaya hindi ko alam kung babalewalain ko ba o ano, hahah joke.
"Hey Drake" akit na pagkasabi niya sa pangalan ko. Huminto naman ako and I smiled at her. Kung maka Hey Drake, parang close kami haha sabi ko sa sarili ko.
"Oh baby, stop there, amoy pawis pa ako galing sa practice." sabi ko, kahit ang totoo ayaw ko lang na may lumalapit sa akin. Huminto naman siya at nag pout, she is cute but not beautiful.
"Baby Drake you look so fresh naman kahit pawis ka." hahakbang sana siya ng nag step backward ako.
"Baby ang kulit mo ayaw ko sa babaeng makukulit." sabi ko. Huminto siya and nag smile sa akin.
"Alright tatandaan ko yan Baby."
I look at her from head down to her shoes haha. Napakaganda sa Lex University ay walang uniform attire kaya pwedeng pwede lang kahit anong susuotin pero grabe naman ang mga babae dito. Nakapalda pero ang ikli, tch, nakablouse pero halos kita ang cleavage. Saan ang dignidad nila? I mean ng University?
"Baby, are you imagining things?" malanding tanong niya while nakangiting nakatingin sa akin kasi nakatingin ako sa may dibdib niya. Yes, may kalakihan rin but hindi ko bet iyan eh haha. Nakapamulsa ako habang nakatingin sa kanya and I smile at her.
"Imagining what baby?" pang akit ko ring tanong. Of course I know how to play. She bite her lower lip. Grabe, nasa public kaya kami and nasa University but mang akit, para kaming nasa pick up place.
"Here Baby." lumapit siya ng konti para lang eh lahad sa akin ang isang maliit na papel.
"Call me" she mouthed.
"Oh Baby, you're the one whose imagining things" I teasely smile and bite my lower lip too.
"Call me, alright, I'll be waiting for you." sabi niya sabay nag flying kiss tsaka umalis na. Nang makalayo na siya ay pinunit ko ang papel at tinapon ito.
Nakarating na ako sa parking area. Ngumiti lang ako sa isang babaeng kumindat sa akin. Are they friendly or what? Haha. Alam kong gwapo ako at habulin rin ng mga babae pero hard to get ako noh.
"Hi Drake" sabay kaway ng babae na kasama nung isang babae.
"Hi there, Baby." akit kong pagbati sa kanila. Baby tawag ko sa kanila kasi I don't care naman kung anong names nila. Sumakay na ako sa kotse ko tsaka umalis na. Wala bang matinong babae rito sa Lex?