Drake's POV
Kanina pa siyang umaga na andito sa bahay. Inaalagaan niya lang ako. Balak kasi sana ni Anderson na uminom kaming dalawa ngayong gabi kaso may sakit ako kaya tinext ko siya kaso lang kay Keith ko pala na send. Tinext ko naman siya kaninang lunch na may sakit ako and ang sabi lang ng gago ay biogesic lang katapat niyan bro. Gago!
Nakatingin siya ngayon sa mga magazine na andito sa loob ng kuwarto ko.
"Hey" napatingin siya sa akin. Lumapit siya sa akin habang hawak ang isang magazine.
"Nagluluto pa ng panghapunan si--"
Tumango ako. "Mukhang enjoy na enjoy ka sa kakatingin sa mga magazine diyaan ah." sabi ko. Napangiti naman siya at umupo sa kama ko.
"Nililibang ko lang ang sarili ko while natutulog ka. And yeah, naeenjoy ko nga, ang gaganda kasi ng mga beaches and resort oh." sabay pakita niya sa akin.
"Wanna go there someday?" tanong ko sa kanya.
"Dito?" sabay turo sa picture na nasa magazine.
"Yeah, there."
Ngumiti naman siya at tinignan ang magazine sabay ngiti. "Ang yaman siguro ng tao na ito."
"Bakit naman?"
"Itong mga pictures ng beaches and resorts na nasa magazine ay pag aari ni--." tinignan niya ito ulit. "Ni, Damian Hilton." sabi niya. Kumunot naman ang noo niya at tumingin sa akin.
"Hilton ang surname mo diba?" tumango naman ako. "Kilala mo ba itong Damian Hilton na ito?" tumango ako ulit.
"Kuya mo?" umiling naman ako.
"I'm an only child." sabi ko. Tumango siya.
"Dad mo?" umiling ako. "So, Uncle mo?"
"Only child rin si Dad." sabi ko.
"So, Lolo mo?" tumango ako. Na shock siya.
"Wait lang" sabi niya at kinuha ang ibang magazine.
"What are you doing?" takang tanong ko.
"Baka may picture iyong lolo mo rito." sabi niya habang tumingin-tingin sa bawat pages ng magazine. Napangiti naman ako na inabot ang isang picture frame na nasa kabilang side table ko.
"Here." sabay bigay sa kanya ng picture frame. Napatigil siya sa ginagawa niya at kinuha ang picture frame na inaboh ko.
"That's my grandfather, father ng Mom ko." sabi ko. Takang tinignan niya ako.
"My mother's name is Annie Hilton." sabi ko sabay pakita sa kanya ng isang picture frame kung saan ang picture namin ni Mom nung bata pa ako.
"Siya iyong babae na nakita ko nung papasok ako rito." sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
"You saw her?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Oo pero hindi niya ako nakita. May sumu--"
"May sumundo sa kanyang binatang lalaki." dugtong kong sabi. Tumango naman siya sabay yuko.
"Nice, nakita mo pala ang kaharutan ng Mom ko, sorry about that."
Ngumiti lang siya ng bahagya sa akin. "Kaya kita hindi dinadala rito dahil ayaw ko na makikita mo ang kaharutan ng Mom ko."
"Kaharutan talaga? Inlove lang ang Mom mo?"
Umiling ako. "No, it's not love, it's lust."
"Drake!"