CHAPTER 4

10.5K 347 223
                                    

Diane's POV:

"H-ha?" Tugon ko, nais klaruhin ang kanyang sinabi. Kumunot ang kanyang noo sa akin.

"I didn't say anything." Naguguluhan nyang saad. Naitampal ko ang aking kamay sa aking noo, nagulat siya roon.

"Hey! Don't do that! You're hurting yourself." Saway niya na hindi ko pinansin.

"Hindi ka nagsalita?" Paglilinaw ko pa rin. Taka lamang niya akong tiningnan, tila isa akong alien. Bumuntong hininga ako sa pagkakadismaya. Sabi ko na nga ba’t gawa-gawa lamang iyon ng aking isipan. Masyado na ba akong baliw sakanya at kung ano-ano nang ini-imagine ko?

"Ano bang narinig mo?" Kuryuso nyang tanong. Umiling ako, ayokong sabihin. Baka ay pagtawanan niya pa ako sa pagiging feelingera ko. Maaaring tama si Mika, masyado akong ilusyunada.

"Come on, I'm curious." Kumbinse niya pa sakin. Napanguso ako.

"Akala ko...s-sinabi mong g-girlfriend mo na ako." Hindi ako tumingin sakanya. Nakakahiya! Bakit ko ba kasi naisip 'yon? Bawal pa naman akong magka boyfriend. T-tsaka, hindi nag gigirlfriend si Enzo, kaya imposible rin talaga.

Wala akong narinig sakanya matapos kong aminin iyon. Dahan-dahan ko syang muling nilingon. Titig na titig lamang siya sa akin. Sobrang seryoso, parang binabasa ako.

"We're still too young...for that kind of relationship, you know?" Panimula niya. Agaran akong nilamon ng hiya. Siguro ay iniisip nyang tulad ng ibang babae rito sa school ay gustong-gusto ko na rin ng ganoon, ang magka-boyfriend.

"O-oo. S-sabi rin ng parents ko, huwag daw muna kasi b-bata pa ako, b-bata pa tayo." Pag segunda ko sakanyang sinabi. Mabawasan man lang ang kahiya-hiyang nasabi ko.

Nakita ko ang pag ngisi niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kung ano sa aking kamay. Nakita ko ang kanyang kamay na nilalaro-laro iyon. Nagtataka at nagugulat akong napatingin pa lalo roon.

Iyong narinig ko ay hindi totoo p-pero noong pinagsalikop niya ang mga kamay namin... t-totoo pala?!

Kung ganoon, anong ibig-sabihin nito? Hawak niya ang kamay ko at tingin ko ay mga magjowa lang ang gumagawa nito!

Pero baka...

Wala na akong ibang maisip na dahilan pa kung bakit ganito na lamang ang paghawak niya sa aking kamay. Nais ko pa sanang magtanong, ngunit huwag na lang. Hayaan ko na lang dahil gusto ko naman, baka sagutin niya pa ako ng ikalulumbay ko lang.

Ilang minuto kaming naging ganon. Magkatabing naka-upo habang hawak niya ang kamay ko. Sa tuwing sinusubukan kong damhin ang kamay niya, hinahaplos naman niya ang mga daliri ko. Nanatili na lamang akong tahimik at pinipigilan ang pagngiti.

Pakiramdam ko ay nanalo ako. Dahil simula rin ng araw na iyon. Napansin kong may nag iba.

Papunta kami ni Leo sa isang mesa upang doon pumwesto at kumain ng aming tanghalian nang makasalubong ko ang titig ni Enzo. Saka ko lamang napansin na nasa malapit na mesa lang pala kami ng mesa nila.

Tinaasan ako nito ng kilay at may kaonting ngiti ang sumilip sakanyang labi. Awtomatiko akong napangiti ngunit nag iwas din ng tingin. Hindi sanay na ngitian niya at tingnan.

"Hoy! Kami dyan!" Singhal ng isang babae. Nilingon ko iyon. Kay Leo ito inis na nakatingin. Paupo na si Leo nang matigil. Tumikwas ang kilay nito bago hinarap ang babae.

"Paupo na ako! Kami nauna rito." Sagot naman ng aking kaibigan.

"That's our table, lagi kaming dito umuupo!" Hindi pa rin nagpapigil ang babae, at naupo na, nagsisunuran naman ang mga kasama niya. Parang bubuga naman ng apoy si Leo sa galit. Mabilis ko na itong hinila palayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Obsessed Husband (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now