PANIMULA

7 1 0
                                    

"REZ LUMABAS NA ANG RESULT NG LET NIYO!"

Mabilis pa sa alas kwatrong napalabas ng kwarto si Renz ng marinig ang sinabing iyon ng nakatatandang kapatid na lalaki, si Ren. Kanina pa niya iyon hinihintay. Sa wakas may resulta na! Dumeretso siya sa sala ng kanilang bahay kung saan alam niyang naroroon ang kapatid. Ngunit natigilan siya sa tuluyang paglapit ng masalubong niya ang masamang tingin sa kanya ng mga magulang na hindi niya inaasahang kasama pala ng kapatid. Akala niya'y may lakad ngayong araw ang mga ito. Kinakabahang tumingin siya sa kapatid. Nais itanong kung bakit ganoon nalang kasama ang tingin sa kanya ng mga magulang nila. Nakita na rin ba ng mga ito ang resulta? Hindi ba siya nakapasa?

Bumuntong-hininga ang kanyang kapatid bago ito na ang nagdesisyong lumapit sa kanya at inabot ang tablet na hawak nito kung saan makikita sa screen ang listahan ng mga pangalang nakapasa sa LET. Agad niyang hinanap ang kanyang pangalan ngunit hindi niya ito makita. Nag-angat ulit siya ng tingin sa kapatid. Sinalubong rin siya nito ng malungkot na tingin at pag-iling. Tila sinasabing hindi nga talaga siya nakapasa. Ngunit imposible iyon! Inilaan niya ang buong oras niya sa mga nakaraang buwan sa pagrereview at paghahanda para sa exam. Imposibleng hindi siya nakapasa!

Sinubukan niyang i-refresh ang website ng PRC pagkatapos ay hinanap niya ulit ang pangalan niya pero wala pa rin. Paulit-ulit niya iyong ginawa, hindi na nga niya mabilang, ngunit talagang hindi niya makita ang kanyang pangalan.

"Imposible. Imposibleng hindi ako nakapasa." Nagsimulang mangilid ang kanyang mga luha habang patuloy na nire-refresh ang website ng PRC, umaasang may magbago at biglang makita ang pangalan niya sa mahabang listahan ng mga nakapasa.

"That's enough, Rez." Pigil sa kanya ng kapatid. "Ayos lang iyan. Hindi ka man nakapasa ngayon pwede ka namang mag-take ng exam ulit." Kinuha na nito ang tablet sa kanya bago siya mahinang tinapik sa balikat, inaalo siya.

"Anong nangyari? Bakit hindi ka nakapasa?" Narinig niyang tanong ng kanyang ina. Lumapit ito sa kanya at marahas siyang ipinaharap dito.

Mabilis siyang napayuko, hindi niya kayang salubungin ang nanlilisik na ngayon nitong mga mata. Tuluyang nalaglag ang nangingilid niyang mga luha. "So-sorry po, Ma, Pa." Garalgal ang boses na sabi niya.

"Hindi mataas ang expectation namin sayo dahil alam namin higit kanino man na imposibleng maging topnocher ka sa LET. Alam namin kung hanggang saan lang ang kakayahan mo." Salita naman ng kanyang ama. "Pero ang hindi manlang makapasa? Sobra naman ata iyan, Rez. Gaano ba kahina iyang kukote mo? Simpleng pagpasa sa LET hindi mo pa magawa?!" Ikinagulat niya at dumagdag sa kaba niya ang bahagyang pagtaas ng boses nito. Alam niyang galit na ang ama at ipinagpapasalamat niyang nagagawa pa rin nitong kontrolin ang sariling pagbuhatan siya ng kamay.

"Pa." Tawag dito ng kanyang kapatid, nananaway.

"I'm sorry. I'm really sorry, Papa, Mama." Gustuhin man niyang depensahan ang sarili, sabihin sa mga itong ginawa niya naman lahat ng makakaya niya ngunit natatakot siyang mas lalong samain sa mga ito. Kaya't ang paulit-ulit na paghiningi nalang ng tawad ang pinili niyang sambitin, umaasang tatanggapin ng mga magulang iyon.

"My god... kung alam ko lang na magiging ganyan ka kabobo ipinalaglag na sana kita noong nasa sinapupunan palang kita. Puro disappointments nalang ang ibinibigay mo sa amin ng Papa mo. Puro kahihiyan nalang ang dinadala mo sa pamilyang ito. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako nagkaroon ng anak na katulad mo. Nagsisisi akong binuhay pa kita!" Asik naman ng ina sa kanya, napapahilot pa ito sa sariling sintido.

Parang patalim na itinarak sa kanyang dibdib ang mga salita narinig. Iyon na ata ang pinakamasakit na mga salitang maririnig ng isang anak mula sa kanyang mga magulang. Sobrang sakit niyon at talagang nakakasama ng loob dahilan para kumawala ang kanina pang pinipigilang hikbi at nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya naman ginusto ang nangyari. Ginawa niya naman ang lahat ng makakaya niya para kahit papaano ay makapasa manlang ngunit sadyang hindi pa rin iyon sapat. Hindi niya alam kung saan pa ba siya nagkulang.

THIS LOVE, FOR YOUWhere stories live. Discover now