KABANATA 1

3 0 0
                                    

MALAKAS NA PAGTUNOG NG ALARM CLOCK at sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ang gumising kay Rez mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pinatay niya muna ang alarm clock bago natatamad na bumangon at pinagbuksan ng pintuan ang kung sino mang kumakatok sa labas.

"REZ!"

Nagulat siya sa pagtawag na iyon sa pangalan niya sa mismong mukha pa niya pagkatapos niyang buksan ang pinto. Talagang nanlaki ang kanyang naniningkit na mga mata dahil sa puyat at nawala na parang bula ang kanyang antok. Natauhan lang siya ng marinig niya ang sumunod na pagtawa ng matalik niyang kaibigan na si Meilyn.

"Gising ka na?" Nakakalokong tanong pa nito. "Good."

"Buang ka gudman!" Asik niya dito gamit ang salitang waray-waray na ang ibig sabihin ay 'baliw ka talaga'.

"Hoy, grabe. Hindi naman masiyado." Pagkontra nito na agad naintindihan ang kanyang sinabi.

Nakakaintindi kahit papaano ng salitang waray-waray ang kaibigan dahil sa pagtuturo niya dito noon. Samantalang siya naman ay natutunan ang salitang iyon mula sa kanyang yumaong lola Rosa na purong waray at talagang lumaki at nagkaisip sa Samar. Sanay siyang gamitin ang salitang iyon dahil sa tuwing magkasama sila noon ng kanyang pinakamamahal na Lola, kahit noong maliit pa siya, ay iyon ang kanilang ginagamit sa pag-uusap. Pero simula ng mamatay ang kanyang Lola tuluyan ng ipinagbawal ng mga magulang ang pagsasalita ng waray-waray sa loob ng kanilang tahanan. Ikinahihiya kasi ng mga ito ang pagkakaroon nila ng lahing waray. Kabaliktaran naman siya dahil ipinagmamalaki pa niya iyon. Ngayong wala na siya sa poder ng kanyang mga magulang malaya na siyang magsalita ng kahit anong wikang naisin niya, katulad ng salitang waray-waray na isa sa wikang kinamulatan niya.

"Ano bang kailangan mo at ang aga-aga mo namang mambulabog? Hindi pa naman bayaran ng upa, a." Nakasimangot na tanong niya sa kaibigan pagkatapos niya itong papasukin. Dumeretso ito sa maliit na sala ng bahay bago humarap at pinamaywangan siya.

"Buang ka din. Ako ba ang landlady mo? Si Mama 'yon uy."

"Malay ko ba kung inutusan ka ni Tita." Kibit-balikat niyang sinabi.

"Hoy, isumbong kaya kita kay Mama. Hindi ka niya kailanman siningil ng upa, ha. Ikaw lang itong mapilit na magbigay buwan-buwan kahit hindi naman kailangan."

Natawa siya sa sinabi nito. "Binibiro ka lang, eh."

Totoo iyon. Simula ng tumira siya sa Rooftop House ng pag-aaring three-storey building ng pamilya nina Meilyn hindi siya kailanman inobliga ng mga ito na magbayad ng upa. Hindi naman daw kasi iyon kailangan ngunit siya ang kusa at nagpupumilit na magbayad. Nahihiya na kasi siya sa pamilya ng matalik na kaibigan. Ang mga ito na kasi ang masasabi niyang buong-pusong kumupkop sa kanya at tumulong sa kanya ng walang hinihinging kapalit simula ng magdesisyong siyang umalis sa poder ng mga magulang at lumayo sa kanyang pamilya.

Maliit lang ang Rooftop House na tinitirhan ni Rez pero sapat na sa kanya dahil nag-iisa lang naman siya, idagdag pang maganda at maayos talaga ito. Pagpasok sa pintuan ng bahay sala agad ang sasalubong at kaharap niyon ang terasa na salamin ang nagsisilbing pinto. Sa kaliwang bahagi naman ng bahay makikita ang kusina at ang island counter---kung saan siya kumakain, ang naghihiwalay nito sa sala. Sa kanang bahagi naman ng bahay makikita ang dalawang pintuan. Ang kanan kung saan bukas ang pintuan ay ang kanyang kwarto habang ang katabing nakasarang pintuan naman ang banyo. Kompleto rin ang gamit sa bahay pero hindi siya ang bumili niyon. Bago pa siya lumipat dito noon fully furnished na talaga ang Rooftop House. Pagtira nalang talaga ang ginawa niya. Bukod sa mga personal niyang gamit, lahat ng gamit na makikita sa loob ng bahay ay binili at hinanda ni Meilyn at ng mga magulang nito para sa kanyang pagtira. Ganoon kabuti ang mga ito sa kanya na minsan napagkakamalan na siya ng mga nakatira sa Apartment Building na tunay na kapamilya nina Meilyn at iyon naman talaga ang turing ng mga ito sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THIS LOVE, FOR YOUWhere stories live. Discover now