Prologue

555 19 3
                                    

Prologue

APOLLO

"I'm here, babe." I whispered then took a deep breath. Napatingin ako sa langit saka sa pintuan ng simbahan.

I saw my parents waiting for me to go inside together with my girlfriend's dad. I tried to step forward but it seems like my feet were glued on the ground.

I can't move. I don't want to move.

"Apollo, anak." Napatingin ako sa likod ko nang lumapit ang mama ng mahal ko. Hinawakan nito ang mga kamay ko saka ngumiti ng pilit. "Oras na." She told me.

Wala sa sarili akong tumango at napatingin sa paligid ko. They're all waiting for me to make a move, to make a step forward and to push what's in front of me.

"Akala ko, sasaya ako ngayong araw na ito." I whispered again but this time, my tears fell in instant.

Narinig ko na rin ang hikbi ng mama ng mahal ko. Pati na rin ang iyak ng mga kapatid ko.

"Apollo anak. Magpakatatag ka." Bilin nila sa'akin. "Ayaw ni Aimee na nasasaktan ka." They said.

Tumango lang ulit ako, baka kasi hindi ko makontrol ang sarili ko kapag nagsalita pa ako. I began to step forward. And every time I make, it's like someone's stabbing me right through my chest.

It's heavy, really heavy.

'Babe, naglalakad na tayo sa altar.' I said in my mind. Sa halip na mga palakpak at ngiti ang sumasalubong sa'amin, iyak at lungkot ang naramdaman ko sa bawat taong nadadaanan ko.

It's the day that I have to let my love go. I have to let her be in God's arms, because she suffered too much here. It feels like I'm dreaming and I badly want to wake up.

I just can't understand. Why did she end up in here? Mahal ko naman siya. Mahal naman namin ang isa't-isa. Bakit bigla siyang nawala?

"Apollo..." Yinakap ako ni Ate Lily pagkarating ko sa kanila. Yinakap ko lang ito ng mahigpit.

"Ate. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala na si Aimee, kasama niya ang baby namin. Iniwan nila akong mag-isa." I told her but she just hugged me tighter.

"Nandito kami..."

"Masaya lang kami last month. Nagpa-plano para sa pagdating ng baby namin. We're happy. I just don't know why..."

"Sshh..." She tapped my shoulders. I tried not to be weak in front of them for two weeks but I can't control my emotions now. Kailangan ko na siyang pakawalan para makapagpahinga na ito nang tuluyan.

"Magpakatatag ka, Apollo. Alam ko na ganoon rin ang gusto ni Aimee. She'll watch you from above now." Ate Vea told me.

Pinakawalan ko si Ate Lily at tinignan ang dalawang kabaong na nasa harapan. Ang babaeng mahal ko at ang baby namin. They'll leave me for real. Pagkatapos ng araw na ito, hindi ko na sila makikita.

I let myself drown from our memories until the program ended.

Pagkatapos ng burol, hindi muna ako umuwi at binigyan ng pagkakataon ang sarili kong makasama pa ang mag-ina ko. I sat in front of their grave when her mom stood beside me.

"Apollo anak..."

"Tita, magpapainbestiga pa rin ako sa nangyari. I can't let this slide and I want to find that reckless driver. Si Aimee ang nawala. Mahal ko ang nawala. Buntis pa siya, tita. She's pregnant with---"

"Apollo hijo, alam kong nahihirapan ka pa. Lalo din naman sa'amin pero alam nating hindi ito ang gusto ng anak ko. She always wants us to be happy. Alam mong ayaw na ayaw niya na nakikita tayong nasasaktan." Tinapik nito ang balikat ko.

Apollo's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon