Facts

103 7 0
                                    

"Embrace and feel the pain. Only you will know when you're ready to step forward. You can have revenge, it's all up to you. But the universe will always try to humble you by giving you challenges and paying back through the actions you've done. May we all have the courage to go on every single day despite of the silent battles we are facing."

Laban lang, pahinga lang pero walang sukuan. Makikita mo rin ang rason kung bakit hindi ka pwedeng tumigil ngayon.

-Mariel

—---

Since I can't upload this to the other site, dito na lang ako gagawa. 😄

1. Unang-una, I decided to quit being a writer before pandemic. Parang nawalan na ako ng ganang magsulat at ang nasa isip ko na lang noon ay okay naman ako kahit titigil na ako. Lol. I still have my life outside of this world. Pero, hindi ko rin talaga mapigilan ang sarili kong gumawa ng plots at gawin ang mga ginagawa ko as a writer like observing everyone around me and making a scenario out of the scene. So I browse my account again and some editor contacted me. That's when I decided to continue and as a challenge, I joined another platform that'll require another level of writing.

2. Pangalawa, nasimulan ko na itong story ni Apollo years ago at ngayong taon ko lang siya natapos at nakakuha ng motivation para ituloy. I have all the scenarios in my head and such pero ayun nga, nawalan na ako ng gana. I am just glad na natapos ko na rin siya since huling part na siya ng second gen. Lol.

3. Originally, pure romance with heavy drama ang peg ni Apollo dahil unang plano ko, ilalabas ko dito ung mga hinanakit ko sa totoong buhay ko (char) pero dahil ambisosya ang writer niyo, ginawa kong action-romance. Opo, action-romance. 🤧 60 chapters action romance! First time kong magsulat ng may halong fight scene (except sa kama ha🤪) at grabe, kulang na lang magmakaawa ako sa sarili ko hanggang matapos ko ang buong libro. Lol.

4. Kinuha ko pala ang pangalan ni Apollo sa kapatid ng friend ko. Dati, kung nabasa niyo sa blazing desire si Fhax. Isang character lang siya doon. Ginawa ko ngang bida dahil...why not? 😂 So feeling ko, bagay naman siya maging agent. Hindi ung puro business man. Para naman maiba.

5. Sa unang scene ng books, pasaway talaga si Elie kasi gusto ko ng magulong bida. Hindi sinabi na gusto niya pala magseryoso at madali pa lang mafall si ate ghorl. 😂 So ayun. I think nabigyan ko naman ng katarungan ang changes ng mga characters from beginning to end.

6. Struggle din ang unang part nito dahil sa tagal kong hindi nagsulat, parang naamag na ang utak ko. Lol. I used google to translate my words as well as to look for the better description I had in mind. Sumabay din ang apat na araw na seminar ko sa work kaya unang-una pa lang, nagtatanong na ulit ako kung itutuloy ko pa ba ulit. Hahaha. Pero dahil kaibigan ko ang gumawa ng cover at feeling ko, malulungkot siya kapag hindi ko nakitang updated and book, I forced myself to write again.

7. Nalukungkot din akong bumalik kasi sa tagal kong nawala dito, parang nagstart ulit ako sa zero. Nawala ung mga dating readers ng series pero dahil desidido naman na ako, itinuloy ko pa rin ang pagsusulat. Mahal ko din naman ang ginagawa ko at alam ko, may mga darating ulit na readers at maaappreciate ung mga gawa ko. Hehe.

8. Dahil din gusto ko ng sakit ng ulo, ang topic ko sa book ay ang poison pill. Hindi ko din alam kung bakit iyon ang napili ng utak ko pero parang gusto ko lang ng turok turok ganoon. Hahahaha. Hindi ko pa kaya ung high level ng murder cases at ginawa ko itong warm up (ano daw?) para kahit madami akong faults at unjustified (LOL. Inamin?😂) mas light lang ung problema.

9. IT po ang tinapos ko kaya google po lahat ng medical churvaness at minsan nagtatanong na rin ako sa totoong tao. Hahahaha. Gabi kasi ako nagsusulat at ayoko naman minsan maging istorbo.

10. Feeling ko din minsan, para sa'akin talaga ang pagsusulat dahil...wala lang. Dito ko kasi linalagay ung mga taong hindi ko bet. Hahahaha. Charot lang.

11. Ang tanging alam ko lang ay ang action, mauuna sa maliit na butas na lalaki dahil sa mga imbestigation na magaganap. Period. Hahahaha. Pero wrong. I also need to check about the proper words and scenes pala. Ung mga names ng mga certain na bagay-bagay. Lalo na sa fight scene. Parang...dang, kaartehan lang ang alam ko, paano ba ako gagawa ng fight scene? 🤧

12. Masaya naman gumawa ng action-romance kaya ang gusto ko ulit gawin next ay comedy. HAAHAAHAHA. kidding aside, at least sa ganoong paraan naman ay medyo na-practice ulit ang utak ko kahit na gabi-gabi yata ako lumalaklak ng boigesic dahil sumasakit ang ulo ko dito. Hahahaha. (Biogesic, beke nemen!)

13. Two months kong routine ay bahay work lang kaya sa mga nakakabasa nito ngayon, baka gusto niyong bigyan ng chance ang book ko. Hindi ako nakawalwal ng two months at inialay ang oras at kaluluwa ko para matapos ang libro na may happy ending. Hahahaha.

14. Puro kasi seryoso ang mga male lead ko dati so I asked myself why not make Apollo a bubbly one but ended up being cold because of the pain of his past ganern.

15. Sa totoo lang, nakulangan ako sa heavy scenes. Gusto ko mas heavy pa. Pero dahil pagod ako buong araw sa work, minsan kasi nawawala ako sa emotions.

16. Hindi ko na masyadong in-expose ang kapatid niya dito kasi mostly sa crime at office naman ang scenes nila. Si Nadine lang ang medyo umepal para may malditang sisita kay Elie. Ha!

17. I asked everyone around me about my plot and what feeling do I need to get. Makakamove on ka pa ba kung mamamatay asawat anak mo? So I really made Apollo as bad as I can to justify that. Who cares about the change? Masakit naman ang nangyari sa kanya.

18. To make it more intense. Siyempre, nagisip tayo ng konti. With that plot. I also want another plot revolving so I out Peanut to the scene. Just maximized her role at the end. Lol.

19. Feeling expert tayo so naglagay din ako ng maraming supporting characters like their colleagues and damn, it went out just fine because I just made a perfect twist from that. Lol. Malapit ko ng matapos nang maisip ko iyon. Palakpak please. 😂

20. Lastly, hindi pa ba kayo natetempt na basahin ang last part ng series? Like...I out so much effort and I isolated myself (char) to finish it. Tinalikuran ko ang mga dating gawain ko sa buhay at lalo na ang alak tas hindi kayo maeenganyo na basahin ang boom? Like really? Hahahahaha. Kidding. It would be nice seeing you all there. Namimiss ko na din magbasa ng mga comments lalo na ang makipagkulitan.

I'm planning to make the 3rd gen guys. I'm working on it. Dahil mahal ko kayo at balewala ang sakit ng ulo ko, babalik na ako sa pagsusualt. Haha. Why not? May pambili pa naman ako ng biogesic at chicken wings. 😂

You can add me on my accounts.
Fb: Mariel Louise WP
Tiktok: its_mariel1804
ig: its_mariellouise
Twitter: its_MarielLouise

Ano pa ba? Gcash? Hahaha

Salamat ng marami! 💕🤗

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Apollo's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon