Chapter 3

137 11 0
                                    

AN: Hello guys. I hope you are all safe. I just want to announce that this book will be available in Dreame for FREE. Mas may matino kasi akong plot dito compared to my other on-going books. I'll update this every day starting tomorrow. I hope you can still support me kahit nasa ibang bahay na ako. Hehe. Inuulit ko po, doon na ako magdadaily update at wala pong bayad itong book doon. Salamat ng marami!


-----------------------


CHAPTER 3

Elie's POV

"Ano ba naman itong sasakyan mo, Eliana Marie!" Inis na bulyaw ni Cassy sa'akin at lumabas ng sasakyan. Mahina naman akong napamura at napasuntok sa manubela.

Balak ko kasing mag-grocery para naman may ambag ako kay Cassy. I insisted to use my car but here we are, stuck in the middle of the road.

"Ayos pa naman kasi kanina---"

"Oo nga, maayos pa kanina. Paano na lang kung may hinahabol kang kriminal? Edi natakasan ka na? Kung nasa mataas na bahagi ka, patay ka na?" Sarkastiko nitong tanong kaya napatingin ulit ako sa sasakyan ko at napahinga ng malalim.

"Magkano ba ang sinasahod mo doon at hindi man lang makabili ng bagong sasakyan mo?" Pang-iinsulto pa nito kaya sinamaan ko na siya ng tingin.

"Nagkataon lang na ngayon siya nagkasira. Ayos pa naman iyan eh. Tignan mo nga, nakarating pa ako sa'yo." I reasoned out but she just walks towards me and gave me a slap on my shoulders. "Ano ba!" I hissed.

"Paano tayo ngayon niyan? Wala akong matawagan sa restaurant dahil lumabas lahat ng delivery boy namin. Nag-close rin ako kasi ang akala ko mabilis lang tayo. Wala pa namang mga kabahayan dito." She looked around so I did the same.

Oo nga. Papunta pa lang kasi ito sa resort at walang masyadong tao.

"I can call someone if you want---"

Pareho kaming napatingin sa likod nang may biglang bumusina. Nakahinga rin ako nang maluwag nang makita ko si Cassy na ngumiti kahit na hindi pa nagpapakita kung sino ang driver. Maybe she knows that angel who's about to---kakilala ba talaga ito ni Cassy? Bakit hindi ko kilala? Bigla itong bumaba at lumapit sa amin. He looks older than us but whatever.

He looks so hot. I said in my mind.

"Sir Nathan." Bati ni Cassy sa kanya.

Sir?

"Mukhang may problema yata kayo?" He asked then glances at me.

He's just wearing a shirt and a cargo pants. I can smell his perfume from here, amoy pang-mayaman. Wala siyang anumang suot na alahas maliban sa kanyang relo. He also talks like a businessman. Mabait siya tignan pero may pagkastrikto.

"Ah, kaibigan ko po sir." Rinig kong sabi ni Cassy sa kanya. "She's currently living with me and we decided to shop when her car stopped here. Akala niya siguro gagana pa ang sasakyan niya." Bumalik ang tingin ko kay Cassy at sinimangutan ito saka ngumiti ng peke kay Sir Nathan.

"If you have numbers who---"

"Mukhang nasiraan kayo, Cassy?" Biglang may nagsalita ulit kaya tumingin ako rito. Napatingin naman siya sa'akin na ikinalaki ng mga mata ko.

Wait. Nakita ko 'to sa bahay ng dakilang si Apollo a?

"Oh, so you're Cassy's friend." She smiled at me.

Humawak naman si Sir Nathan sa bewang nito at hindi nakaligtas sa'akin ang suot nilang singsing.

Ay. Sayang may asawa na siya.

"You knew her, sweetheart?"

"We met in Apollo's house few days ago. Kaibigan pala siya ni Cassy." Nakangiti pa din nitong sagot.

Apollo's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon