04 : Hood

90 5 0
                                    


Kinabukasan ay buong araw akong nasa bahay. Hindi ako pumunta sa bahay ng isa sa mga pinsan ko at hindi na rin kami pumunta sa mall. Nagbabad lang ako sa tv at nang sumapit ang tanghali ay pumunta ako sa aming garden para mapanood ang sunset mula rito kasama si mommy at daddy.

Sa sumunod na araw ay naging abala rin kaming mga Student Council officers sa pag-oobserba sa mga aktibidad. Alas-otso nang nagbukas ang mga booths at kasama ko ang mga pinsan ko at iilan nilang mga kaibigan. Ang sabi ni Jeremiah sa akin ay mamayang alas-tres ang kanilang "concert" at dapat daw ay manood kami.

"Horror booth tayo mamaya?" Ngumiti si Gwen sa akin.

"Oo naman." Wika ko.

Sinubukan namin ang mga booths (lalo na ang horror booth kung saan naka-tatlong balik pa kami) at nang mag-alas-onse ay kumain ng tanghalian. Hindi namin kasabay ang Third of Thirds dahil siguro ay busy sila para sa paghahanda para mamaya. Wala naman silang masyadong gagawin bukod sa pagtugtog ng iilang kanta pero pinagkaabalahan pa rin nila ito dahil panigurado ay makatutulong din ito sa pagiging banda nila.

Nang pumatak ang alas-dos y media ay napagpasyahan na namin nina Celyne na tumungo sa stage na aangkinin ng banda nina Jeremiah. Kaming apat na lang na magpipinsan ang magkakasama dahil ang iba ay umuwi ng maaga o 'di kaya'y sumama sa iba.

Marami na ang tao pagdating namin doon. Masyadong crowded sa mismong harap ng stage kaya doon namin napag-pasyahan na pumwesto sa bleachers. Buti ay inilagay nila ito rito ngayon, ah.

Unang lumabas mula sa backstage ang pinsan kong malapad na ang ngisi. Mas lumakas ang tilian ng mga babaeng seniors nang ang apat na miyembro na ang nakapwesto. Syempre, bukod sa galing nila sa pagtugtog ay hindi ko maipagkakailang gwapo silang apat.

"Hi, girls." Humagikhik si Jette sa microphone na nakapwesto sa may drum set. Nakakabinging tilian ang bumalot sa tenga ko. Maging sina Celyne at nagtilian na rin, ako lang ang hindi. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero hindi ko lang talaga gusto ang pagtili. I mean, maingay na nga, dadagdag pa ba ako?

Binati pa kami ng buong banda at feel na feel talaga nila ang pagiging center of attention. I cannot deny that they look really hot. Kahit ang vocalist nila ay napupuri ko na sa kagwapuhang taglay nito. Like I said, dahil sa kagwapuhan niya ay hindi ko naiiwasang puriin siya kahit na ayaw ko sa kanya.

Sinimulan na nilang tugtugin ang kantang pinagpraktisan nila noong nandoon kami kina Ashton. It actually sounds good. Ayaw ko lang talagang sabihin sa harapan nila dahil ayaw kong malunod sa pang-aasar.

May konting pagsayaw pa si Jeremiah, Carlisle at Ashton. Habang busy sa pagtili ang mga pinsan ko ay nagtagpo ang mga mata namin ni Ashton. Damn, why does he have to look at me like that? He smirked. Shit, Montecarlo. Mas inaayawan kita kapag nakikita kitang ngumingiti ng nakakaloko.

Umiling na lamang ako at inirapan siya. Gosh, if he only knew how I hate his fucking guts! Imbes na panoorin ang pagtugtog nila ay pinanood ko na lang ang bawat taong narito. Tinitigan kong maigi ang babaeng katabi ko na sinisigaw ang pangalan ni Ashton. Why are you shouting the asshole's name?

Nang napansin niya ang titig ko ay tinignan niya ako. "Bakit?"

"Nothing." Umiling ako at ngumiti.

"Sigurado ka?" Tanong niya pa. Siguro ay nairita siya sa titig ko?

Tumango ako at ngumiti pa. Hinawi ko ang wavy kong buhok at inilagay iyon sa kaliwang balikat ko. Tumikhim ako at pumangalumbaba. I'm bored. Kahit na nagdiriwang ang mga tao ngayon dahil sa pagkanta ng banda ng kanilang sariling kanta ay nabo-bored pa rin ako. It's not that I loathe boy bands. I'm just not in the mood. Ayokong tignan ang banda para makitang baka nakatuon ang pansin ng vocalist nila sa akin.

Alam niyang ayaw ko na tinititigan niya ako. Kaya ngayon ay iniinis niya ako sa pamamagitan ng pagtitig niya sa akin.

"Hoy." Pinitik ni Sabrina ang noo ko nang napatulala ako sa kanilang tatlo ni Celyne at Gwen.

"Yeah?" Tinaas ko ang dalawa kong kilay.

"I know you're bored." Ngumisi siya.

"Very, very bored." Tumango-tango pa ako.

Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy na sa pagtili para sa banda. I really don't know why people, especially girls, shout for a band or something.

Nang natapos na ang pagtugtog ng Third of Thirds ay humupa na ang ingay na bumabalot sa tenga ko kanina pa. Tumayo na kaming magpipinsan para salubungin sina Jeremiah sa likod ng stage. Sa pagkakaalam ko, aalis na kaming magpipinsan pagkatapos ng pagtugtog nina Jem.

"Kuya!" Tawag ni Gwen sa kapatid niyang bumubungisngis sa isang babaeng matangkad na kinakausap.

Nag-congrats naman sina Sabrina kina Jette dahil naging maganda raw ang takbo ng pagtugtog nila.

"What?" Nakasimangot na bumaling si Jeremiah kay Gwen.

"Congrats!" Bahagya pang tumawa si Gwen. Mahilig din kasi sa musika ang isang 'to. Gusto niya nga sanang sumali sa banda nina Jeremiah ngunit hindi pumayag ang kanyang kuya. Aniya'y "no girls allowed" daw at baka may mang-tsansing pa raw kay Gwen sa mga gigs nila.

"Tss." Umirap si Jeremiah at muling bumungisngis sa kausap niya. Napailing ako. Sa kapatid niya ay masungit siya? Tapos kapag sa iba ay tila ito ang nakasama niya buong buhay niya?

"San Veda was bored, though." Rinig kong sambit ni Ashton, kausap sina Sabrina.

"San Veda? Which San Veda?" Nakisingit na rin si Gwen at pinabayaan ang kuya niya.

"Maddison Loraine San Veda." Ani Ashton kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano na naman?" I hissed.

"Woah, easy!" Tawa ni Jette.

"You were bored during our performance, right?" Matabang ngunit nakangising saad ni Ashton. Ang galing talaga ng hinayupak. Nagagawa niya pang ngumisi kahit na alam kong iritado na siya sa presensya ko, lalo na sa akin.

"Obviously." Humalukipkip ako at umirap.

"Bakit ka naman na-bore, Mads? Ang saya kaya." Nag-pout si Carlisle.

Pinilit ko na lang ang sarili kong ngitian si Carlisle. Masaya naman talaga, Carlisle. Nakakabwisit lang ang isa ninyong kasama.

Nanahimik na lang ako at hinayaan si Gwen'g ikwento kung paano kami umulit-ulit sa horror booth. Habang nagku-kwento siya ay bigla siyang inakbayan ng kanyang kuya, dahilan kung bakit halos masubsob siya sa sahig.

"Kuya Jem!" Iritado niyang tinignan ang kapatid.

"Oh, ano?" Tawa ni Jeremiah. "Nilalambing na nga kita, eh. Bad timing ka kasi kanina. Pumuporma ako."

Hindi ko mapigilang mapangiti. God, I wish I had a sibling.

Umirap na lamang si Gwen at tumigil sa pagku-kwento. Nag-aya na si Celyne na umalis kaya iyon ang ginawa namin. Anila ay pupunta kami ngayon sa mall. Tumanggi ako kasi ngayon ay sisimulan ko na ang pagsusulat ng report para sa foundation week ngunit pinilit lamang ako ng mga pinsan ko.

"May mamaya pa naman. It's not that we'll stay in the mall until midnight, you know." Wika ni Ashton.

"I don't-" pinutol niya agad iyon.

"You can even do it tomorrow." He rolled his eyes.

Ngumiwi na lang ako at hindi na siya pinansin hanggang sa makarating na kami sa aming mga kotse. Syempre ay magkasama si Gwen at Jeremiah. Nang nakita ko ang BMW ni Ashton ay naalala ko bigla ang profile picture niya. Why the fuck would I remember it?

Narinig ko ang sunud-sunod na kalabog ng mga pintuan ngunit hindi pa rin ako pumasok sa kotse ko. Tinitigan ko ang hood ng BMW niya. 'Yong profile picture niya. 'Yong nakaupo pa siya roon at mukhang modelo. Ang feelingero lang talaga ng mokong. Akala mo naman na modelo talaga siya. Well, the truth is he's just an ordinary high school student! Nothing more. Hindi ko lang alam kung bakit kahit ganon ay may gana siyang magyabang.

Halos mapatalon ako nang bumusina ito ng pagkalakas-lakas. Gosh! Nasa harapan ko pa lang naman ito!

Dahil sa pagkakabigla ay diretso akong pumasok sa kotse ko at pinaharurot agad ito. What was I thinking?

What were you thinking, Maddison Loraine?

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon