08 : For sure

77 5 0
                                    


Sa mga huling araw ng pasukan ay wala kaming ibang ginawa sa klase kundi ang habulin ang mga requirements. Well, para sa mga hindi pa tapos. Kaming mga tapos na ay tumulong na lamang sa mga hindi pa nakakatapos.

Inabot ko kay Sir Tolentino ang clearance ng aking mga kaklase upang mapirmahan na ang mga ito. Kasama ko si Gwen ngayon sa faculty room at ilang minuto na lang as dismissal time na.

"Ikaw ang class president?" Tiningnan ako ni Sir Tolentino sa likod ng kanyang mga salamin.
"Hindi po, Sir." Umiling ako. "May pinagawa po kasi si Ma'am Pineda sa president kaya ako po ang nagpunta rito."

Tumango si Sir at tiningnan muna ang mga clearance bago muling ibinaling ang tingin sa akin, "Kunin mo ang mga ito bukas ng umaga."

Pagkatapos niya iyong sabihin ay nagpaalam na kami ni Gwen para makabalik sa aming classroom. Malapit-lapit lang ang classroom namin sa faculty room kaya hindi gaanong nakakapagod. Pero kapag nag-grade 10 na kami, lalayo ang aming classroom dahil sa kabilang building pa ito. Dumarami na rin ang population sa school namin kaya kailangan ng karagdagang buildings.

Nang i-dismiss kami ng aming adviser ay nagsialisan na. Bumaba kami ni Gwen patungo sa canteen para maghintay sa kanyang Kuya at pinsan namin. Actually, marami kaming magpipinsan pero kami-kami lang nina Celyne ang halos magkasing-edad. Ang mga iba pa naming pinsan ay bata pa, at kung hindi naman bata ay may mga pamilya na.

Nang dumating ang mga hinihintay namin ay nanatili muna kami sa school ng isang oras at nag-uwian na. Sa susunod na linggo na ang recognition namin at mas lalong umiinit ang panahon dahil sa papalapit na bakasyon. Sa susunod na pasukan ay ga-graduate na sina Jeremiah. Hindi ko alam kung lilipat ba siya ng Maynila para doon magkolehiyo, o kaya ay pupunta sa abroad para makasabay ang kuya ni Celyne.

Nang dumating na ang panghuling linggo ng Marso ay katulad ng aking inaasahan, dumating na sina Torrance kasama ang kanyang mga kapatid at kanilang tita. Ngayon ay mas matangkad na sa akin si Torrance. I'm not really used to it. Noong pag-alis nila ay mas matangkad ako, ngayon ay hindi na.

"Ang ganda ng buhok mo!" Ngumisi siya at inikot ang dulo ng aking buhok sa kanyang mga daliri.

Nakangiti ako habang tinititigan siya. Mas kumintab ang kanyang pagiging kayumanggi. Her cute nose defines her face more. Habang nagkakaroon kami ng tila isang reunion ay napansin kong may isa pang lumabas mula sa kanilang van. And there he was. The boy I've been fantasizing during my childhood (and maybe upto now).

Tumigil ang kanyang tingin sa akin. Napansin ni Torrance ang pagtitig ko sa kung sinong nasa likod niya.

She pouted her lips, "May kukunin lang ako sa bahay. I'll leave you two here."

Aangal sana ako pero mabilis na lumakad ang bruhilda patungo sa kanilang bahay.

Bumuntong-hininga si Grae at nag-iwas ng tingin sa akin. Nag-tiim bagang ito at muling tumingin sa akin. Oh, spare me that beautiful face! Gusto kong tumalon sa kanya at yumakap pero nahihiya ako.

"Uhm..." Binuka ko ang aking bibig para magsalita. "K-kamusta ka na?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago magsalita, "Fine..." huminto siya ng ilang saglit. "You? May bago ka na bang na-nagugustuhan?"

Natigilan ako sa kanyang tanong. Don't tell me it's still a big deal for him? Well, nothing really happened between us. But I'm sure he's real curious lalo na at nagtanong siya. Ganoon naman kasi. Kapag nalaman ng isang tao na may gusto ka sa kanya, iisipin niya kung siya pa rin ba ang gusto mo sa paglipas ng mga panahon.

"Wala naman." Nag-iwas ako ng tingin. Damn Grae. He still has that same intense gaze. And I fell for those intimidating eyes.

"Oh, okay." Sumilay ang isang masayang ngiti sa kanyang labi.

Totoo na ba ito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon