UL-11

3.8K 179 3
                                    

Alexandria

"You looked gloomy. Nakaka'relax naman ang ambiance rito pero bakit mukha kang problematic?" Pabirong sabi ng taong nasa likuran ko.

Agad akong napalingon rito at hindi ko inaasahan na lalapit ito sa akin ngayon. Simula kasi noong nangyari sa parking lot ay hindi na ako ginagambala ng mga kaibigan nya, though minsan nahuhuli kong nakatitig sa akin ang babaeng 'to.

"Ikaw pala, Allison."

Ngumiti muna ito sa akin bago umupo sa buhanginan, katabi ko. Dito ko kasi naisipang tumambay sa dalampasigan. The sound of the sea and the breeze of the cold wind makes me calm somehow.

It calms my raging nerves, relax my troubled mind, and lessen the pain that I feel right now. I know I became over-dramatic, but who cares anyway? Lahat naman tayo dumadaan sa ganitong stage lalo na kapag nakakaramdam tayo ng sakit dulot ng taong mahal natin.

Actually, the reason why I acted like this ay dahil kay Kelsey. That Damien guy called her earlier at mukhang may masaya silang pinag'uusapan. The way Kelsey smiled while talking to that guy over the phone makes me feel sad---very sad.

Hindi ko pa sya nakitang ngumingiti ng ganon inside even outside the campus. I think that piece of shit makes her happy. Wait--scratch that! Damien makes her happy and I can't do anything about it.

I felt a sting in my heart hearing her laugh. Masarap sa tainga pero masakit sa pakiramdam dahil alam kong hindi ko sya mapapasaya ng ganon. Hindi ko sya napapatawa at mapapatawa ng ganon. Simply because, I'm not him. I'm not Damien Cortez, the guy whom she like.

Yeah, I assume na may gusto sya rito. The way she laughed, the way she smiled, and the way she talked to that guy---hindi non maipagkakaila ang saya sa kanyang mukha at boses. So before I cry my heart out, mas pinili ko na lang lumabas sa kwarto namin at maglakad rito sa dalampasigan.

Akala ko---no, let me rephrase it. Umaasa ako na may ibig sabihin ang halik nyang iyon. But I guess I am so damn wrong. Nakalimutan kong hobby nya nga palang e'bully ako at paglaruan. How foolish I am para makalimutan yun?

I smiled bitterly. Maybe I should endure this pain dahil pinili ng pihikan kong puso na mahalin ang amazonang yun. Pinili ng puso kong tumibok sa taong araw-araw akong pinipeste. Sa taong malabong maging akin.

"You're spacing out." Rinig kong sabi nitong katabi ko na nagpabalik sa ulirat ko.

"Huh?" All I could say. Pansin kong napa'iling ito.

"Kanina pa ako nagsasalita rito pero mukhang wala ka sa sarili mo. You keep on sighing and clenching your fist." Allison said.

"I'm sorry" I apologize.

"It's okay. Naiinitindihan ko. Um, I know we're not close at kaibigan ko pa ang naging dahilan kung bakit nadala ka sa clinic noon. But you know, you can tell me what's bothering you. Baka lang naman makatulong ako." Nahihiya ngunit nakangiting sabi nito. She even emphasizing word noon. Akala nya siguro galit ako sa kanya dahil sa ginawa ng mga kaibigan nya sa akin.

"I appreciate your concern, but it's too personal. I'm sorry." I sincerely apologize. Alam ko naman kasing gusto lang nyang tumulong.

Unfortunately, walang makakatulong sa akin pagdating sa bagay na ito.

Natawa ito sa sinabi ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukha namang hindi ito na'offend sa binitiwan kong salita.

"Anyway, um--I'm sorry nga pala sa mga ginawa namin noon sayo. Lalo na ang ginawa ni Kyle. I know he's beyond the line already. So yeah, I hope mapatawad mo pa kami."

Unconditional Love (Barkada Series #1) √Where stories live. Discover now