Chapter 1

529 55 16
                                    

MUNTIK nang bumagsak ang panga ko sa tanawin na bumungad sa akin. Nagsi-kalat ang mga bote ng alak at amoy ang singaw nito. Napatingin ako roon sa mga take out deliveries na nakakalat sa sink at mga damit niyang nakasampay kung saan-saan.

"Ganito ba nagagawa ng broken?!" Sa isip-isip ko na ay sinisisi ko na kung sino man 'yung Tate na nang-iwan sa lalaking 'to.

"Isa ka pa!" Itinulak ko 'yung mabigat niyang katawan patungo sa couch saka ako napahawak sa tuhod ko at pinunasan ang pawis. Ang bigat niya! "Nadamay pa ako sa break up niyong dalawa!"

He groans sabay kuha sa throw pillow at niyakap ito. His brows furrowed at medyo nakaawang ang mapupula nitong labi.

Nakatulog siya sa kalasingan habang nakayakap sa akin kanina kaya kulang na lang ay kaladkarin ko siya papasok sa unit niya. I weigh 106 pounds with the height of 5'6. Anong laban ko sa higanteng lalaking ito na tinadtad ng muscles sa katawan? I'm estimating he's 6'2.

"May charge 'tong pag-alalay ko sa'yo, ha! 50 pesos bawat step!" I huffed.

Binalikan ko ang duffel bag sa labas at ipinasok ito. Akala ko mabilisang linis lang ang gagawin pero habang patagal nang patagal ang pagtitig ko sa mga kalat ay nanlumo ako.

I gathered my long and wavy dark brown hair and put it in a knot on top of my head. Hindi ko na alintana kung maayos ba ito o magulo.

Sinimulan ko ng damputin ang mga kalat at nilagay ito sa trash bag. Habang pinupulot ko ang mga ito ay unti-unting humupa ang inis ko at napalitan ito ng awa. We always have that lowest point of our life where emotions takes over our mind sa puntong hindi natin napapansin ang ating kapaligiran.

Naalala ko ang sarili ko noon pagkatapos ng insidente. Nakakulong ako sa kwarto at walang ganang umalis sa aking kama. I felt empty and useless. Hindi ko napapansin na pakalat na nang pakalat ang aking kwarto. Kung saan-saan nakaiwan ang mga damit ko at ang mga gamit ko sa lamesa ay magulo. Ultimo pagligo ay tinatamaran ko.

Sometimes we just have to break the cycle and no one but ourselves can do that. Sa huli, sarili rin natin ang tutulong sa atin.

That's why I understand him. We have different ways of coping with pain and this is his.

Kaso naaawa ako sa atay niya sa 'di maubos-ubos na pagdampot ko ng bote ng alak. Sunod kong itinapon 'yung mga paper bags ng take out foods at iba pang mga containers.

Siguro mga isang oras ako naglinis. Lahat na yata ay ginawa ko na. Nagkuskos ako ng lababo. Naghugas ako ng plato. Ginamit ko 'yung vacuum niya at nilinis ang fur carpet at pinagpag ko ang mga alikabok sa bawat sulok ng kanyang condo.

Ngayon ko lang napansin kung gaano kalawak ang kanyang condo ngayong natanggal na ang mga kalat. Mas lumabas ang ganda nito at hindi ko maiwasang mamangha sa hitsura ng paligid.

White, black at gray ang color palette ng interior design at 'yung mga furniture ay mukhang galing pang ibang bansa. He has a high ceiling decorated with a simple round disc-type chandelier. Sa gitna ay may pabilog na glass coffee table at mukhang multi-functional pa. Sa gilid ay may malaking smart TV at sa tabi nito ay may pekeng halaman.

May tatlong couch dito sa living room at may half-moon shaped hammock na nakaharap sa glass wall. Since it's already night, I can see the city lights from here. The orange, blue, green, yellow, and red are like little dots from where I'm standing.

Sa kabilang dulo ay ang kanyang kusina na ngayon ay malinis na and just on the right side is his granite counter with stools at sa taas nito ay may tatlong pendant lamp. Limang kwarto ang napansin ko rito habang naglilinis ngunit 'di ko na sinamang linisan 'yon.

Kiss and Don't TellWhere stories live. Discover now