Chapter 2

388 47 5
                                    

"HOW is he, Doc?"

Nandito ako ngayon sa hospital para bisitahin ang kapatid ko. Nakamulat ang kanyang mga mata at kanina ko pa siya kinakausap kahit na alam kong hindi siya sasagot pabalik.

"After checking up on him, we noticed that his condition has progressed and he's now in a minimally conscious state. He was showing possible signs of consciousness but his neurological functioning was insufficient for him to communicate his needs. He also attempted to mouth words but not on a consistent basis. If this keeps up, he can gradually recover, Ms. Zamora."

Bumusilak ang tuwa sa aking dibdib na nayakap ko nang wala sa sarili ang Doctor. Hindi dahil sa gwapo siya, natutuwa lang talaga ako.

"Talaga po, Dr. Jensen?" mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Yes. I hope he doesn't fluctuate back to being in a persistent vegetative state. Your brother is a fighter." He smiled, showing his deep set of dimples.

Nagpasalamat ako muli bago nilapitan si Noah. 

"Kuya, can you hear me?"

I saw how his eyes shifted subtly to the direction of my voice. Para na akong maiiyak sa tuwa. Finally! After two years!

Noah has been in a coma for three weeks before he was in a vegetative state then after months, he was declared in a persistent vegetative state and that went on for a year and a half.

Nanginginig kong hinawakan ang kanyang kamay at ipinatong dito ang aking noo habang inaalala ang sinabi sa akin ng Doctor. There is hope.

"Kuya, sabi ng Doctor may pag-asa raw na gumaling ka . . ." masaya kong balita. I look at him. He tried to open his mouth but he failed. Humigpit ang hawak ko sa kanya.

"I'm sorry. Kung pupwede lang ibalik ang panahon, dapat sana ako ang nakaratay diyan ngayon. Sana 'di ka naghihirap."

I felt him move his fingers but it was too subtle.

Dating marangya ang aming pamilya. Dati kaming may mga katulong at driver. Malago rin noon ang business ni Papa habang sa Mama naman ay may sariling business din na itinayo niya mula sa kanyang personal savings. Isang business tycoon ang ama ni Mama ngunit itinakwil niya si Mama dahil ayaw nito para kay Papa.

Lumipas ang dalawang taon at unti-unti naming isinangla ang iba naming gamit upang pantustos sa pagpapagamot kay Noah. Noong una, masipag pa si Papa sa pagtratrabaho ngunit noong nalulong siya sa alak at droga ay tila nakakalimutan na niya ang kapatid ko.

At dahil doon ay iniwan siya ni Mama. Nagpapadala na lang siya minsan ng bayad para sa gastusin dito sa hospital ngunit simula nung umalis si Mama, parang mas lalong nawalan ng buhay si Papa.

Gusto kong sumama kay Mama ngunit alam kong sinisisi niya rin ako sa nangyari sa kapatid ko kaya ayaw niya.

Noong gabi ng insidente, nakatamo si Noah ng trauma galing sa head injury. Nabagsakan ang kanyang ulo habang pinipilit niya akong isalba mula sa nasusunog na gusali. Kung hindi lang sana ako nagpumilit na balikan 'yung naiwan kong charm bracelet, sana 'di siya nagprisinta na balikan 'yon. Sana hindi siya nakaratay ngayon sa hospital.

"Hindi kita isusuko," I murmured against his hands. "Kaya lumaban ka lang, ha? 'Wag kang mapapagod dahil gano'n din ako. Hindi ako mapapagod para sa'yo. Pangako . . ." 

Batang pasaway ako noon at may mga nagagawa ako na labag sa mga bilin ng aking magulang at sa tuwing may nalalabag ako ay siya ang umaako sa mga kasalanan ko. Gano'n siya kabait. He was selfless.

At kahit hindi sa akin sabihin ni Papa, Noah is his favorite child. Lahat binibili niya ang mga gusto ni Noah. Lagi siyang may pasalubong sa kanya tuwing may work siya sa ibang lugar. Mayroon din naman sa akin ngunit mas marami kay Noah. Noon pa man, pansin ko ang hindi pantay na pagtrato niya sa amin. 

Kiss and Don't TellHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin