PROLOGUE

2.6K 73 4
                                    

Hell is her code name siya ay pinaka mahusay na Assasin sa kanilang lumaki siya na walang kinikilalang ina at ama sa mundo ng mga mortal ngunit nang siya ay tumungtong sa edad na pito ay may naka kita sa kaniyang isang lalaki na siyang kumopkop sa kaniya,akala niya mararanasan niya ang simpleng buhay ngunit taliwas ang nangyari imbis na mga barbie o lutu-lutuan ang kaniyang hinahawakan at nilalaruan ay baril,katana at shuriken ang kaniya ginagawang laruan dahil murang edad niya na pito ay iminulat agad siya ng umampon sa kaniya sa mga kriminal na gawain

Nang tumuntong na siya sa edad na 10 ay doon na siya ginawaran ng mga misyong pumatay hanggang sa nagtuloy tuloy at hanggang sa hinirang siya maging pinuno ng mga Assassin ngunit ang lahat nang iyon ay tila nawala sa kaniya dahil sa pangyayaring hindi niya inaasahan na mangyayari siya ay namatay na hindi alam ang dahilan ngunit wala siyang sama ng loob sa taong gumawa noon sa kaniya bagkus masaya pa siya dahil makakapag pahinga na din siya.

Kleone Shaun Luane Helverist siya ang bunsong prinsipe ng mga Helverist na uri ng mga lobo na hindi tanggap ng kaniya mga kaibigan at mga kapatid dahil sa pagiging pusong babae nito at kawalan ng kapangyarihan dahil doon ay palagi na siyang binu-bully pinapahiya at kinakawawa tanging ang Ina lamang niya't ama ang may pake alam sa kaniya,ngunit isang araw dumating ang araw na halos ikalumo ng kapwa nila dahil siya ay nahulog sa rooftop ng eskwelahan na siyang naging sanhi ng kaniyang kasawian ngunit masaya siya dahil sa wakas ay matatapos na din ang paglaban niya sa lahat

Hindi na siya makakaranas ng paghihirapan at hindi na rin niya kailangan ng atensiyon nila kaya sobrang saya niya dahil mawawala na siya kaya naman hindi siya nag sisi na nangyari iyon sa kaniya

Ngunit tila iba ang kapalaran ng isa sa kanila dahil ito ay muling mabubuhay ngunit sa ibang katauhan niya at sobrang saya niya dahil yung dating hiling niya ay natupad na at iyon ay ang maging isang...


LALAKI!!










***

Her POV

Kakatapos lang ng misyon ko at ngayon ay papunta na ako ng HQ namin  para ibalita ang nangyari sa aking misyon pinadala kasi ako sa isang misyon kung saan sinalungat ko ang transaksiyon ng mga drug Lord sa piyer at nakuha din namin ang mga bagong labas na mga baril at isama na rin pati ang mga ginto na sinubok pa nilang itago at itakbo pero sorry sila dahil mautak ata ako

*Beep* *Beep*  tunog ng scanner pagkatapos kong itapat ang aking ID kaya naman pumasok na ako at binati ako ng aming mga tauhan dito

"Eyy bro saan si Tanda?"tanong ko kay Dos isa sa kasamahan ko dito

"Andun sa office niya at kanina kapa din niya ina antay"sabi niya napakunot naman ang aking noon pero binaliwala kona lang din at dumeretso na ako sa office niya at wala nang katok katok

"Ey tanda musta?"tanong ko sa kaniya pagka pasok ko sabay upo sa sofa niya nakatutok siya sa may bintana lumipat sakin ang tingin niya at pansin ko doon at lungkot na hindi ko malaman kung bakit

Nangati yung paa ko kaya naman yumuko muna ako at kinamot haha pasensya na makati lang talaga

Ngunit hindi ko inaasahan na pag tunghay ko ay siya ring kita ko ng mga nakatutok sa aking mga pulang tuldok na alam kong laser na mula sa baril kaya naman napataas ako ng dalawa kong kamay sabay baling kay Tanda na may hawak na ding baril

"O-oyy tanda anong ibig sabihin nito?"takang sabi ko sa kaniya kita ko na naman ang lungkot sa dalawa niyang mata

"Hell alam mong napakahalaga mo sa akin at ikaw ang isa sa pinaka magaling kong tauhan ngunit patawarin mo ako dahil kailangan ko itong gawin" aniya sa akin sabay tutok ng baril sa aking ulo hindi nakatakas sa aking paningin ang luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata

"Ikinalulungkot ko dahil ito na ata ang huling buhay ko hindi man lang tayo nakapag bonding na dalawa ngunit gusto ko lang sabihin na maraming salamat sa pagkupkop sa akin at kung ano man ang rason mo ay naiintindihan ko at pinapatawad na kita tanda mami miss kita"aniya ko sa kaniya sabay yakap ng mahigpit pagka bitaw ko ay yumuko ako at pumikit at hinintay na lamang ang sunod niyang gagawin

"Patawad hanggang sa muli nating pagkikita"aniya sabay kalabit ng gatilyo at siya ring pag patak ng huling luha ko

*Bang*

****

His POV

Bakit ganun gusto ko lang naman na mahalin katulad ng iba ngunit bakit parang hirap silang ibigay yun sa akin

"Baklaaaaa!"

"Hoy inutil na bakla!"

"Baklang walang silbe!"

"Baklang lalamya-lamya!"

Iilan lang yan sa mga naririnig ko habang tumatakbo patungo sa rooftop ng paaralang ito ang masakit pa doon ay mula sa kapwa ko royalties na tinuring kong ng kaibigan at kapatid ang mga tuksong iyon

Ginaganiyan nila ako dahil lamang sa mahina ako at walang kapangyarihang mapalabas.Tumigil ako nang marating kona ang rooftop siyang pag dating ko ay siya ring pag dating ng royalties at nang mga kapatid ko

"Tsk kung ako sayo tatalon na ako dyan dahil mahina ka naman"lalong nadagdagan ang bigat sa dibdib ko nang marinig ko yon mismo sa kapatid ko

"Sige na tumalon kana dyan para mawala na ang desperado't mahinang binabae"sabi din ni Samantha na kaibigan ko ngunit tinraydor lamang ako

Sumampa ako sa may railings ng rooftop dahil gusto ko silang takutin at gusto ko ding malaman kung may pake ba sila sa akin kahit kaunti

"Tumalon kan—"dina na natuloy ni Aiden ang sasabihin niya ng pinutol ko iyon

"Bakit hindi niyo ako magawang pahalagahan kahit saglit lang?"tanong ko sa kanila at tumingin isa isa sa kanila at malungkot silang nginitian,seryoso naman nila akong tinignan

"Gusto ko lang din naman na mahalin ako bakit hindi niyo maibigay yon?"patuloy kopa saka muling humarap sa ibaba ng  rooftop at kita ko doon ang mga estudyante na nakiki chismis

"Dahil isa kang mahinang nilalan—"naptulo ang sasabihin ni kuya ng mag salita akong muli

"Nang dahil lamang doon hindi niyo ko magawang ituring bilang kapatid niyo?"sabi ko sa kanila sabay tawa

"Alam niyo ba na kung sa inyo mangyari ang nangyayari sa akin ay tatanggapin kopa din kayo? Dahil para sa akin hindi mahalaga kung may kapangyarihan ka o wala kung malakas ka man o mahina dahil ang tanging mahalaga sa akin ay ang pagmamahal na maipaparandam at maipaparanas niyo sa akin"aniya ko sa kanila sa pag kakataong ito ay humarap ulit ako sa kanila nakita kong wala pa din silang pake alam kaya ito na siguro wala nang magbabago

"Tsk wag kang mag drama tumalon ka nalang"sabi ni Klyde

"Oo nga at tyaka gusto ko lang ipaalam sayo na wala kaming kapatid na bakla"sabi ni kuya Deone na siyang ikinadurog ng puso ko

Hahakbang na sana ako pababa ngunit nagsala ang tungtong ko dahilan para mahulog ako doon.Nakita ko na nanlaki ang mga mata nila at nataranta at aabutin pa sana ni Klyde ang kamay ko ngunit dumulas lamang ito hanggang sa bumulusok na ako pababa at sa huling sandali ay binigyan ko sila ng matamis na ngiti.











Warning:this story is not yet edited so bear with me for the typos and wrong grammar and enjoyy!!

The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now