CHAPTER 21

824 39 4
                                    

Kleone Shaun Luane's POV

PAGKATAPOS kong matulala dahil sa ginawa at sinabi sakin ng babaeng sadista ay agad din akong nag tungo sa infirmary para humingi ng pang lunas sa ilong kong nasiko nung sadistang babae,hindi tuloy ako maka hatching dahil nakirot yung loob nyeta buti nalang at purong mga lobo ang mga kasama dito at hindi bampira kung hindi ay malamang nalapa na 'ko dito ng wala sa oras.



Pagka tapos malapatan ng lunas ang aking ilong na sa palagay ko ay muntik ng bumaliko, although may kaunti pa ding dugo ang tumutulo tulo sa kanang bahagi ng ilong ko kaya naman ay nang hingi ako ng tissue at isinalpak ko sa ilong ko.




Pagkatapos no'n eh umalis na din agad ako at pumunta sa classroom namin at naabutan ko doon sila Sky at Levi na papalabas,sila nalang ang nandito sa classroom kaya naman nagtaka ako kung bakit,at na saan yung iba




"Ohh, Luane nandito kana pala!"magiliw na bati sakin ni Sky ng makita niya kong palapit sa kanila kaya naman tinanguan ko siya at saka nag tanong




"Teka,hahaha bakit ganiyan mukha mo"natatawang tanong ni Levi pagka kita dun sa may tissue na may dugo na kaunti.




"Haha what the blimmin' h*ck dude hahaha sinapak ka ba namumula ilong mo"aniya naman ni Sky sakin at nag duet pa silang nag tawanan,nyeta din 'tong mga 'to eh imbis na maawa sakin,tinawanan lang.




"Tsss mga loko kayo,teka bakit kayo lang nandito na saan yung iba?"takang tanong ko





"Ah,hindi mo ba alam.Nasa Gymnasium lahat ng estudyante ngayon dahil may ia- announce si Dean kasama ang mga Supreme Student"aniya ni Levi



"Ahh,kaya pala"



"Tara na,ayaw pa naman ng mga Supreme ang mga late dumating tuwing may ganitong pagtitipon"bored na sabi sakin ni Sky




"Ah sige mauna na kayo at susunod na lang ako ilalagay ko lang 'tong mga gamit sa loob"aniya ko




"Sige bilisan mo at baka pag initan ka na naman ng mga Supreme lalo na ang mga kapatid mong masama ang timpla ng dugo sayo haha"nang aasar na sabi ni Levi sakin kaya tinawanan ko nalang din dahil totoo naman.




Pagka alis nila eh pumasok na din ako agad sa loob at ponaglalagay ko yung mga dala ko kasama na doon ang sandwich na pinagawa ko sa head chef kanina.Pagka tapos ko ay umalis na din naman ako at dumeretso sa Gymnasium at naglakad,pero napa tigil din agad dahil may nakalimutan ako at yun ay ang daan papunta doon,yawa saan ba daanan papunta don shetee!




Lumakad ako sa may right wing at buti nalang tama ako pano ko nasabi?syempre may may nakasulat eh hehe,buti nalang at magaling tumama ang instinct ng mga gwapo haysss.Napq iling nalang ako at napatuloy na lumakad papuntang Gymnasium.





Actually hindi pa talaga ako nakakapag libot dito dahil wala din naman akong time pa at ngayon pa lang ako makakatapak sa loob ng Gymnasium nila at hindi ko sure kung kagaya din ba ng mga Gymnasium sa iba't ibang school kagaya ng sa U.S.Hindi ko napapansin na nasa bungad na pala ako ng Gymnasium kaya naman eh pumasok na 'ko at wari ko ay nagsisimula na dahil narinig kong bumati na sila pero ayoko silang batiin ng magandang umaga dahil tinatamad akong bumati kung kagaya naman nila ang babatiin so wag nalang.






Nang sa palagay ko ay tapos na ang batian session nila ay sunod ko naman na narinig na nag salita ang aking butihing kapatid kaya naman ay umeksena na ako,well ayoko talaga ng atensiyon pero sa ngayon ay mang iinis muna ako




The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now