CHAPTER 27

1.1K 43 16
                                    

"Grabe ang sarap naman nito Pareng Luane!"rinig kong sabi ni Sky habang kumakain nung niluto kong ulam para sa kanila malas lang nila dahil kakaunti ang kanin na dinala nila,kasya lang naman sa kanila pero tag iisang sandok lang sila.Kakatapos lang ng training namin which is yung warm up at exercises na ginawa namin nung una at ngayon eh nagpapahinga na at nakain na din kasi lunch na ngayon.


"Oo nga,bobo kasi nitong si Coby kakaunti ang dinalang kanin bitin tuloy!"reklamo naman ni Anishka na binatukan ng huli



"Ikaw makapag reklamo ka parang may dinala ka ah!"singhal ni Coby kay Anishka na sinimangutan lang nito,totoo naman kasi eh si Coby at Nikko lang ang nagdala ng kanin kaya kakaunti talaga



"Sus,ang sabihin mo akala mo hindi masarap ang luto ni Luane kaya hindi talaga nag dala ng madami,ikaw pa maubusan ng Arroz sa inyo eh isa kayo sa supplier ng Arroz sa pamilihan"aniya naman ni Dianne na sinang ayunan nila,nagulat naman ako dun kasi ngayon ko lang nalaman yun.



Nagtatanim pa sila ng bigas eh yung mga pagkain naman nila hindi naman kinakaninan.Hmm siguro para sa mga mamamayan ang bigas,gusto kong makikain sa mga pagkain ng lower class kuno nila dito baka may pagkaka iba yung pagkain ng royal family sa mga middle and lower class diba palagi naman ganun,tss.



"Oh siya tama na ang bangayan bilisan niyo nang kumain dahil may isa pa tayong gagawin"aniya ko sa kanila kaya naman nagpatuloy na ulit silang kumain,habang masayang nagku kwentuhan ng mga kalokohan nila noon hanggang ngayon.



(Minutes later)




Tapos na din silang kumain at nililinis nalang yung mga pinag kaininan nila,at kaniya kaniya ng mundo,syempre pinag pahinga ko muna sila saglit kawawa naman ang mga 'to baka sumakit pa ang tiyan at masisi pa 'ko.




"So last na ba nating practice 'to pareng Luane?"tanong ni Tasha sakin kaya napatingin ako sa kaniya na naka upo habang hinihimas ang toyan niyang may umbok dahil sa kabusugan,sino ba naman hindi mabubusog ng ganiyan eh halos silang dalawa ni Coby ang pinaka maraming nakain na kanin inagawan na nilang dalawa yung iba na hindi pa nakakabulos.




"Ouu,kaya wag na kayong pa anga anga kung gusto niyo agad matapos natin 'to,saka pag natapos naman na natin 'to eh pwede na kayong mag ready para sa darating na anibersayo nina Mom"aniya ko sa kanila na ikinasaya nila.



"Yes!hay sa wakas mapapahinga kona din ang aking katawan"dinig kong komento ni Levi na sinang ayunan ni Skyler na reklamador kasama ang isa pang reklamador na si Anishka.




"Sos,lamya mo ngang kumilos walang ka energy energy tapos napapagod,ibang klase talaga kayo"sabat naman ni Snow sa mga 'to na tinawanan nila,tama naman kasi itong tatlo ay napaka lamya sa practice,partida at puro exercises lang naman yung ginagawa namin.Napa iling nalang ako dahil puro barahan nalang ginagawa nila palagi kapag ganto,as di mawawala at laging tampulan nila eh kung hindi si Coby si Skyler naman.




"Oh siya,magsimula na tayo,madali lang naman ang gagawin natin"ankya ko sa kaniya,kaya isa isa na silang nagsi tayuan at pumunta ulit sa mga pwesto nila,kinuha ko naman yung mga lubid na dinala ko kanina na tatlo.




"Ano po ba kuya Luane ang gagawin natin?"tanong ni Blake sakin kaya humarap na ko sa kanila at ibinigay sa kanila yung lubid





"Ngayon ay tuturuan ko kayong gumawa ng patibong,dahil sinabi niyo nga na kasama iyon sa gaganaping paligsahan at hindi natin alam kung sino ang masasalang sa level na 'yon kaya naman kailangan niyong lahat na matutunan ito para kahit sino sa atin ay may idea na kapag sila ang naipasok sa level na 'yon"aniya ko sa kanila na ikinatango nila




The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now