HIDING A SIDE

35 17 0
                                    

CHAPTER TEN: HIDING A SIDE

" i feel so much lighter like a feather "
- sabrina carpenter (feather)

"Anyare sa'yo?"

Inirapan ko agad si Keira at pinunasan ang bibig ko pagkatapos kong ubusin yung chocolate na ibibenta niya sa cafe niya sa susunod na linggo.

"Anyare? Ganda ko lang nangyare. Baket? Selos ka?" paganda ko pang sabi.

"Glowing ka, gaga."

"Halata ba?"

Glowing talaga kasi lumelevel up ang love life ko. Punong-puno ng saya yung buong katawan ko, ang bilis din ng pintig ng puso ko tapos natural na natural na yung blush sa pisngi ko, 'di yan makeup.

"So... ano na kayo ni Ryland?" tanong niya at inofferan pa 'ko ng Iced Matcha na best seller ngayon sa cafe niya.

"Friends."

"Sinong niloloko mo, ha? Ano ba? Halikan na? Jugjugan?"

"Wala pa. Halik yes pero for now... ligaw."

Natigilan siya sa sinabi ko tapos tingin sa'kin na para bang gusto niyang itanong sa'kin kung nababaliw na ba 'ko.

"Ligaw? So what? Nililigawan mo na siya? Naks, tsk, go girl! Sige.. do what you can do, 2023 naman na rin eh."

"Hoy, hindi ako nanliligaw, putek ka. 'Di pa 'ko gano'n kadesperada 'no!" I said and tucked my hair behind my ear.

Natigilan ulit siya pero may kasamang laglag ng panga na rin.

"No!"

"Yes, he... likes me!" bulong kong pasigaw sa kanya.

"Ryland. Ryland is courting you na? Wow, ang galing ha? Bilis niyang mahulog sa'yo, your charms are still there, galing mo pa rin."

Kinikilig nanaman ako tuloy.

'Di pa rin ako makapaniwala na gusto ako ni Ryland, as in gusto niya talaga ako.

We kissed too, mouth-to-mouth at 'di sa pisngi, it was the best date and best night I've ever spent with man without having to have sex, yes!

This is why it's so different when it's Ryland, he's making me experience things that I've never experienced with anyone else, siya lang, si Ryland lang.

I personally think na baka siya na ang the one ko, okay maybe I am overthinking and this is too fast, okay?

'Di gano'n, kung ano-anong pinagiisip ko nanaman.

"Of course. Matagal na 'kong magaling. Pero... 'di ko naman charms, ano lang... yung totoong ako, yung totoong... Megan Reid."

Ako naman inirapan niya at mahinang hinampas ang balikat ko, kinikilig din 'tong Nakamoto na 'to, feel ko, ramdam ko.

"Totoong Megan Reid? 'Lam niya ba galing mong magtwerk pagnakakainom ka, ha?"

"Di pa... pero malalaman niya... pag kami na."

Tilian kaming dalawa pagkatapos, hinampas ko siya tas tingin sa mga tao sa paligid na'min, andito pa rin kami sa loob ng cafe niya 'no, baka isipin nilang nababaliw na kami rito.

"Landi mo."

"Landi talaga niya."

Oh shit!

KISS ME ✔️Where stories live. Discover now