CHAPTER 20

1.1K 35 5
                                    

Hiroji's POV

I lost someone, I never had. Yet it hurts, just as bad. Losing Ze feels like hell. Hindi ko man lang nasabi sakaniya kung gaano ko siya ka mahal.

Kung paano ko siya tignan kesa sa iba, paano ko siya nakikita sa karamihan. Kung paano ako kasaya makita lang siya.

Bakit siya pa, bakit napaka unfair ng mundo?

"Ze, mahal kita. Matagal na," umiiyak kong sabi habang nakatitig sa lockscreen ko. Ang ganda niya talaga ngumiti. Sana makikita pa kitang muli kahit sa panaginip na lang.

"Mr. Cosmov. P'wede na po kayo pumasok," sabi ng police na nakabantay sa selda. Sumunod naman ako at umupo kaharap ang isa sa mga barkada ni Mikey.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Alam mo naman kung ano ang pinunta ko dito, Jerek." Sumeryoso naman ang kaniyang mukha sa narinig na parang inaasahan nga niya ako dito.

"Kung tungkol ito sa nangyari, wala akong alam," matigas nitong sabi.

"Hindi ako magsusumbong sa mga police kung 'yan ang kinakatakot mo. Nandito ako para malaman ang totoo. Gusto mo bang mabulok na lang dito tapos nagpapakasaya sa buhay ang totoong may sala?"

Hindi ito umimik kaya alam kong malapit ko na itong mapaamin. Kaunting tulak na lang at makakapaghiganti na ako.

"Gusto kong bumawi at kailangan ko malaman ang totoo, Jerek. Kaya sana tulungan mo ako, ito lang hiling ko sayo." Tinignan muna niya ako ng seryoso bago nagsalita.

"Siya ang may gawa ng lahat. Naipit lang kami kaya wala kaming magagawa. Ang ama niya rin ang may hawak sa buong police kaya ang hirap kalabanin," saad nito.

Hindi ako nagsalita at iniisip ang lahat ng nalaman ko.

"Si Mikey nga talaga?" Tumango ito kaya napakamao ako dahil sa nararamdaman kong galit kay Mikey. Ang kapal niya para nanatiling buhay pa rin.

Walang batas ang kabayaran sa ginawa niya kay Ze. Buhay niya ang kinuha kaya dapat lang din na buhay ang kababayaran.

Tumayo ako kaya gulat na tumingin sa'kin si Jerek.

"Ano ang iniisip mo? Sabihin mo sa'kin kung ako ang gagawin mo," tanong nito at halata sa kaniyang mukha ang takot sa gagawin ko.

"Maniningil ng bayad." Agad naman akong umalis. Kung ano ang kaparusahan sa gagawin ko ay wala akong pagsisihan sapagkat wala na rin naman si Ze, ano pang silbi ng magandang buhay kong wala na siya.

Pumunta ako kung nasaan 'yong lamay ni Ze. Pagkarating ko wala masyadong tao kaya agad akong napansin ng ina nito.

"Ikaw ba 'yong palaging kinikuwento ni Ze samin na gusto niya?" Tanong nito.

Nasaktan naman ako sa narinig. Sa gusto ko mang sabihin na ako 'yon, hindi ko rin kayang magsinungaling dahil alam ko naman na kahit isang beses 'di ako tinignan ni Ze kagaya ng pagtitig niya palagi kay Keshaun. Kung paano kuminang at ngumiti ang labi niya kapag kasama niya ito.

"Hindi po pero gusto ko ang anak ninyo," pag amin ko. Sana marinig po pa ito Ze.

"Ah ganoon ba iho? Pasensya na." Paumanhin nito.

"Okay lang po tita." Ngumiti naman ito.

"Sige, puntahan mo na si Ze at paniguradong miss mo na siya," nalulungkot nitong sabi. Masakit ngunit ngumiti ako dito at nagpaalam ng pumunta kay Ze.

Bawat hakbang palapit sakaniya ay katumbas ng araw-araw na sakit sa katotohanang wala na nga ito. Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang papalapit sakaniya. Hinding-hindi ko matanggap Ze. Patawad naging duwag ako pagdating sa'yo.

PLAYING HER GAMEWhere stories live. Discover now