Kabanata 18

4.9K 97 23
                                    

"Mommy...look"tinuro nya ang isang headband na kulay green. pilit nyang inaabot.

Pinagtitingan na kami ng ibang tao sa sobrang kulit ni Hiro, akala nila mag-ina kami. Kahit anong pilit kong wag akong tawagin mommy hindi pa rin nakikinig.

Liningon ko si Edward nasa likod namin, he look bored. nakakaboring talaga dahil nasa pambata lang kami.

Nakabulsa ang dalawang kamay nya, naglakad sya at nilampasan kami, kinuha nya ang headband na tinuturo ni Hiro.

"Looks cute"tinapat nya sa akin.

Kumalabog ang dibdib ko ng isuot nya sa akin at sinuri kong bagay ba sa akin.

Bumaba ang tingin ko ng kalabitin ako ni Hiro, kinindatan nya ako. Nagulat na lang ako ng hatakihin sya ni Edward patalikod.

"Don't flirt, Hiro. she's mine"mahinang bulong ni Edward pero hindi ko narinig.

Nagtaka ako ng ngumuso ang bata.

"What happened?"yumuko ako at pinagpantay ang tingin namin dalawa.

"Nothing, tara na!"imbes na bata ang sumagot si Edward.

Nagbayad lang sya bago kami pumunta ng mga sasakyan pambata, pinasakay nya si Hiro sa kotse, hindi ko maiwasang mapangiti sa sobrang saya ng bata.

I didn't expect na worth it din pala ang pag-iwan ko sa kanya, hindi nya man ipakita na mahalaga ang bata sa kanya pero ramdam kong mahal na mahal nya ito.

Nakatayo kaming dalawa sa sa gilid para bantayan ang bata.

"kailan mong ilayo ang sarili sa anak ko"

Gulat kong liningon si Edward, akala ko nagbibiro lang sya kung hindi ko lang nakita kung gaano sya kaseryoso ngayon.

"You're not her mom, wag mong ipilit ang sarili mong mapilitan lang pakisamahan ang bata dahil gusto nya"liningon nya si Hiro na masayang naglalaro.

Mapait akong ngumiti. Tama naman sya kung hindi lang ako pinilit ng bata wala sa plano kong samahan sila, naawa lang ako kaya ko ginagawa to.

Pero iba pa rin ang pakiramdam kapag sya na ang nagsalita, lahat ng naramdaman ko noon nakabuntis sya biglang bumalik sa akin, pabigat na pabigat ang nararamdaman ko.

"Tama ka naman, i'm not her mom at hindi ko pinipilit na magustuhan ako ng bata"inalis ko ang headband sa kamay ko, tinapon ko 'yon sa dibdib nya.

"Don't bother me anymore Edward, Hindi ko ugaling makisama sa taong manloloko"

Tumulo ang luha ko, this is the last time i will cry because of him. Hindi ako papayag na palagi na lang ako talo.

Lalapitan nya sana ako ng umatras ako.

"Coreen, makinig ka muna-"

"How? papaikotin muna naman ako sa mga matatamis mong salita, damn! Edward ang dali mong maka move on"

Pinunasan ko ang luha ko, Akala ko ba wala na at hindi ko na babalikan ang dati. for almost 8 years sinanay ko ang sarili kong mabuhay mag isa na wala sya dahil buong buhay ko hindi ako nasanay na wala sya sa tabi ko.

Wala akong pake alam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao sa pagsisigawan namin dalawa.

Bumuntong hininga sya.

"How could i move on so easily, when i choose to let you go not because i wanted to but because i have to.."

Napatigil ako, parang pinipiraso ang puso ko sa sobrang sakit. Pumikit ako.

Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad.

"Mommy!"narinig kong tawag ng bata sa akin.

Patuloy lang ang paglalakad ko, bawat hampas ng hangin tumatama sa katawan ko hindi ko na iniinda.

Pinigilan ko ang sariling wag umiyak ulit, pag uwi ko ng apartment ko nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko hanggan sa makatulog ako sa sobrang pagod ko.

Pag gising ko napanganga ako sa sobrang kalat ng buong kwarto ko at mga bote ng alak na nagkalat sa buong gilid.

"Tang*ina! whaaaa"sigaw ko habang nagwawalis, tinapon ko nag walis sa sobrang inis ko.

"Pu*ang ina ka!"pinagtatapon ko ang mga unan ko, napahiya ako dahil sa bwesit na Edward na 'yon.

Hindi ako papayag na palagi kang panalo, gaganti ako. Makikita mo ang ganti ng isang Coreen, niloko at sinaktan ng paulit ulit. Kung kailangan kong maging masama gagawin ko.

Tinuloy ko na lang ang paglilinis at nagluto na rin ng makakain, nalimutan ko na kumain kagabi.

Ngayon araw ang dating ni Jeremy magkikita pa kami pag mamaya.

Naligo na ako at nagpalit ng damit tumawag na kasi sya sa akin.

"Susunduin kita, jan ka lang"nakita kong pumasok sya sa sasakyan.

"Patayin ko na ang tawag baka may masamang mangyari sayo kapag kausap kita habang nagdridrive"

"Sige, hintayin mo ako"

Pinatay ko ang tawag, tumingin mo na ako sa salamin at sinuri kung maayos ba ang itsura ko.

Ilan minuto lang ako naghintay dumating na agad si Jeremy, sinalubong nya ako ng isang yakap.

"Coreen, isang linggo lang tayo hindi nagkita, namiss na agad kita"hinigpitan nya ang pagyakap sa akin kaya hinampas ko sya.

"Nasasakal ako"sabay tawa ko.

Mukhang isang taon hindi nya ako nakita.

"Well, nakakamiss talaga ako"kinindatan ko sya bago pumasok ng sasakyan.

Umikot sya ng sasakyan bago pumasok, binuhay nya agad ang makina.

Inaaya ko syang pumunta ng quiapo at doon kakain, natatakam kasi ako sa kwek kwek yata tawag doon sa may itlog sa gitna tapos orange sa labas.

"You meet him?"liningon nya ako.

Nag-iba ang timpla ng mukha ko, nawala bigla ang ngiti ko.

Ginawa kong laruan ang slim ng bag ko.

"Oo"sagot ko.

"What do you feel about him?"

Tumitingin lang sya sa akin tuwing nagsasalita at binabalik din agad ang tingin sa daan.

"Nothing"nagkibit balikat ako.

Sana hindi nya mahalata, kakaiyak ko lang sa bwesit na lalaking 'yon.

Pinarada nya ang sasakyan sa parking lot. Hindi ko na hinintay na buksan nya ang pinto ng sasakyan, kusa na lang ako bumaba.

Mas lalong dumami ang tao kumpara noon.

"Let's go"hinawakan nya pulpusan ko

Sabay kaming naglalakad, his protecting me.

Nasa unahan ko sya at nagbibigay ng daan sa akin, mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko upang hindi nya ako mabitawan.

Ginagamit nya ang katawan nya para hindi ako masiko ng mga taong kasabay namin dumadaan.

"Are you okay?"tanong nya.

Pumunta ng likod si Jeremy, hindi na masyado masikip gaya kanina.

Tumigil kami ng sa paglalakd ng nasa tabi na kami ng nagbebenta ng orange sa labas. Nalimutan ko na agad ang pangalan kaka research ko lang kanina.

"Ang wallet ko?"bigla akong kinabahan ng bukas ang dala kong slim bag.

"Ramdamin mo ang mga tao sa paligid mo"pinasok nya ang wallet ko sa dala kong slim bag.

Kung paano nya nakuha 'yon hindi ko alam, unang beses na pumunta ako dito nakuha nya rin ang iba kong mga gamit.

"Mag kano ang orange ang labas kuya?"tinuro ko ang tinutukoy ko.

Kumunot ang nuo ko ng sumabog ng tawa si Jeremy at kuyang nagbebenta.

Heartless Love (Montenegro Series 1)Where stories live. Discover now