Kabanata 21

5K 81 9
                                    

Kinagabihan mas lalong nanginig ang buo kong katawan sa sobrang lamig. Pinatay nya rin ang aircon pero hindi pa rin nawawala.

"Anong gusto mong kainin?"nilagay nya ang palad sa nuo ko pero inalis nya rin agad ng mapaso ang kamay nya."I will take you to hospital,  Coreen"tatayo na sana sya ng hawakan ko ang braso nya.

"Wag"mahina kong bulong, nabitawan ko ang braso nya sa sobrang panghihina ko. Takot ako sa mga malalaking gamot na pinapainom nila lalo na 'yong tinutusok sa kamay.

"But...ang taas ng lagnat mo,"kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya lalo na ang boses nya.

"Please"pagmamakaawa ko, hindi ko talaga kayang uminom ng malalaking gamot.

Bumuntong hininga sya, he look flustered.

Pinunasan nya ulit ang mukha ko pababa sa braso ko. Matatawa talaga ako ngayon kung hindi lang may sakit ako.

Suot nya ang Over size T-shirt ko na may print na Barbie, napansin nyang nakatingin ako doon kaya sinamaan nya agad ako ng tingin.

Namula ang pisngi nya, mukhang hiyang hiya sya damit nya ngayon. Hawak ko lang talaga ang telepono ko, mapupuno talaga ng picture nya, si Barbie pa talaga ang print.

"Stop looking Coreen. It's your fault"tumayo sya at tinalikuran ako dala ang maliit na bowl na may lamang bimpo at tubig.

Imagine C.E.O of Ried company nagsuot lang ng Barbie shirt.

Nagtaklob ulit ako, dalawang kumot na ang nakapatong sa akin hindi pa rin mawala ang lamig ng katawan ko.

Hindi ko namalayan nakatulog ako naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin sa kalagitnaan ng gabi, hindi ko nagawang imulat ang mata ko.

" I miss this kind of night"isang halik ang dumapo sa nuo ko.

Nakatulog ulit ako, wala akong ginawa buong araw kundi matulog, nahihirapan akong magmulat ng mata sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Tumama ang sikat ng araw sa mukha ko, pagmulat ko ng mata naabutan kong natutulog ng mahimbing sa tabi ko si Edward.

Hinarap ko sya. Hindi ko mabilang kung ilan oras akong nakatingin sa maamo nyang mukha.

Ang kapal ng pilik mata nya, sobrang haba rin, bagay na bagay sa medyo Brown nyang kilay. Ang mga mata nyang kulay abo. have a long nose, damn! his lips ang pula kahit wala naman nakalagay.

Napansin kong dahan dahan syang nagmulat ng mata kaya mabilis akong tumalikod at pinikit ang mata.

Naramdaman ko ang pagbangon nya.

"Wake up, alam kong gising ka na"paos nyang sabi.

Tumayo sya at pumunta ng harap ko, nagulat ako ng ipatong nya ulit ang kamay nya sa nuo ko, kaya napamulat agad ako ng mata.

"Hindi ka na mainit pero kailangan mo pa rin magpahinga-"

Biglang pumasok sa isip kung kasal pala ngayon ni Shain. Inalis ko ang kumot ko tatayo na sana ako ng pinigilan nya ako.

Hinawakan nya ako sa balikat at pinahiga ulit.

"Kasal nila Shain,"malungkot ko syang tiningnan.

"I know, dito ka lang matutuloy ang kasal nila kahit wala ka"

Nainis ako sa sinabi nya, kaya nga ako nagstay dito sa pilipinas para maka attend ng kasal nila, ilan araw na lang din babalik na ako.

Pagtalikod nya tyaka ako bumangon at naglakad. Papasok na sana ako ng Bathroom ng tawagin nya ako kaya napatigil ako.

"Coreen"sigaw nya.

Nabitawan ko ang doorknob sa sobrang gulat ko sa pagsigaw nya.

"Subukan mong pumunta, ititigil ko ang kasal ng dalawa"

Masama ko syang tiningan, halos mag liyab na ang galit sa dibdib ko, he just smirked, parang pinapahiwatig nyang kaya nya talagang gawin ang bagay na 'yon.

"Hindi mo pwedeng gawin ang bagay na 'yon Edward, kasal nila ang masisira-"

"Just choose. Magpapahinga ka o titigil ko ang kasal ng dalawa"naglakad sya papalapit sa akin.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, buti na lang hindi nya suot ang barbie kong hindi baka matawa lang ako.

"Edward..anong ginagawa..mo?"kinakabahan kong tanong ng patuloy syang lumapit sa akin, wala akong maatrasan dahil tumama na ang likod ko sa pinto ng bathroom.

Amoy na amoy ko ang hininga, sisigaw ba ako dahil ang bango ng hininga nya kahit kakagising lang, pero hindi pwede dapat magalit ako.

"Choose, Coreen"pangungumbinsi nya.

Mas lalo nyang pinaglapit ang mukha namin dalawa, halos mawalan na ako ng panghinga sa sobrang lapit ng katawan namin.

Bumaba ang tingin nya sa labi ko.

Imbes na itulak ko sya kusang pumikit ang mga mata ko at naghihintay ng paglapit ng mga labi namin.

Nabalik ako ng realidad biglang tumunog ang telepono nya malapit sa amin.

"F*ck it!"mura nya.

Tinalikuran nya ako at kinuha ang telepono nya, bahagya syang lumayo at sinagot ang tawag.

Mabilis akong pumasok ng bathroom, habol habol ko ang hininga.

Binuksan ko ang gripo at binasa ng tubig ang buong mukha ko, papasok lang naman ako kanina para maghilamos pero hindi ko nagawa dahil sa pag pigil nya.

Nagskin care routine lang ako pagkatapos lumabas din ako ng bathroom, pagbalik ko ng kwarto naabutan kong nakahanda na ang pagkain.

"Kumain ka na. Kailangan ako ng Anak ko ngayon, siguraduhin mo lang hindi ka pupunta dahil itutuloy ko ang binabalak ko"pagbabanta nya ulit.

Mabilis syang lumabas ng apartment ko pinanood ko lang sya hanggan sa marinig ko na ang busina ng sasakyan.

Hindi ko tuloy maiwasan kabahan dahil hindi maganda ang inasta ngayon ni Edward, he look nervous.

Baka may nangyari sa anak nya, kawawa naman ang batang 'yon ng dahil sa akin hindi nya nakasama ang daddy nya.

Kinain ko na lang ang luto sa akin ni Edward. May maliit din gamot na kasama kaya uminom na rin ako. maganda na rin naman ang pakiramdam ko.

Salamat sa Doctor kong napuyat kagabi sa pag-aalaga sa akin.

Narealized kong napaka busy nyang tao pero pagdating sa mga taong mahalaga sa kanya binibigyan nya talaga ng oras.

Maaga akong naligo, nahagip ng mata ko ang barbie na suot ni Edward kabagi, hindi ko tuloy maiwasan matawa.

"Sorry, Edward"para na akong baliw sa ginagawa ko, marami talaga akong damit na walang print na barbie pero ang binigay ko sa kanya meron barbie.

Sinubukan ko lang talaga asarin sya kagabi.

"Coreen, asan ka?"narinig kong boses ni Jeremy.

Agad agad kong binalik ang damit sa walk-in-closet.

"Nandito"pasigaw na sagot ko para marinig nya.






Heartless Love (Montenegro Series 1)Where stories live. Discover now