CHAPTER IV

0 1 0
                                    

I woke up at exactly 6:30 in the morning. I did my simple morning routine. A little bit of stretching followed by a quick bath.

As usual, I cooked processed foods na lang like hotdog and ham kasi iyan lang naman ang madaling lutuin for breakfast. Kahit naman hindi breakfast, iyan pa rin ang niluluto ko all the time.

Matapos ang aking agahan ay agad ko namang hinugasan ang aking mga pinagkainan. Alas syete na nang maisipan kong magbihis na dahil alas-otso ang duty ko sa convenience store.

Kamalas-malasan pa kasi ang traffic na kahit maaga pa lang. Ang mga negosyante kasi ng mga sasakyan, ayan panay produce ng mga sasakyan, bagong model tapos eto namang mga tao, nae-engganyo bumili kaya eto, sobrang traffic na sa daan. At isa pa, sobrang init, dagdag pa ‘yong air pollution na iyan. Nakaka-omg.

Nakabusangot akong bumaba mula sa jeep, agang-aga, ang stressful na. Walang gana kong tinulak ang glass door at bumungad naman sa akin ang manager kong puno ng pagtataka ang buong mukha.

“Oh, what’s with that face, Sab? Agang-aga, nakabusangot ka.” may halong pang-aasar ang pagkasaad niya.

Lumapit ako sa fridge at kumuha ng isang malamig na bottled water, “I-deduct mo na lang ito, Ate. Anyway, kaya ako nakabusangot kasi naman, ang stressful ng umagang ito. Naabutan ako ng traffic tapos ang init pa.”

May narinig akong tawa sa likod ko at nang aking lingunin, nakita ko ang isang lalaki na medyo payat at matangkad, moreno. Tinaasan ko naman ito ng kulay, “Oh, ano?!” pagsusungit ko.

“Ay Sab, nga pala...” pumagitna ang manager ko sa aming dalawa at ngumiti, “this is my younger brother, Johann (Yohan). Gusto niya raw mamasukan dito kasi bored siya. He will be my assistant manager.”

“Ay hala...” nag-bow muna ako tila puno ng hiya ang buong mukha ko. “sorry po Sir sa pagtataray ko po sa inyo.”

“Ang cute.” pagpuna niya sa ginawa ko kaya’t mas lalo akong nahiya. “Don’t call me Sir, magka-edad lang ata tayo. Just call me Johann.”

“Sige po, Sir— este sige, Johann.” ngumiti na lang ako para itago ang hiyang nararamdaman ko.

“Ay Johann, I almost forgot, this is Sabrina, staff ko. ‘Yong girl na kini-kuwento ko sa iyo sometimes.” pagpakilala sa akin ni Ate Estella sa kapatid niya.

Hala, so kini-kuwento niya ako rito? Jusmeyo. Curious tuloy ako kung ano ‘yong pinagsasabi ni Ate sa kaniya about sa’kin. Positive ba? Or baka negative?

“Nice to meet you, Sab.” nilahad niya ang kaniyang kamay na siya namang tinanggap ko. “Same to you, Johann.”

“Punta na kayo sa mga pwesto niyo at may mga costumers nang papasok sa store.” anunsiyo ni Ate kaya’t naupo na ako may pwesto ko. “Johann, diyan ka muna sa tabi ni Sab. Assist her muna.”

“Alright, Ate.” pagsang-ayon niya at umupo sa mataas na upuan na katabi lang ng inuupuan ko.

An old lady went near me and gave me a list, lista ng mga bibilhin niya. “Nay, diyan po muna kayo ha at kukunin ko po muna ang bibilhin niyo.”

Ngumiti lang ang matanda at tumango. Kumuha muna ako ng tray at pumunta ako sa ikaapat na shelf. I tried to reach a pack of diaper na nasa pinakataas ng shelf ngunit hindi ko talaga abot. I was about to get a stool para patungan ko pero I saw Johann beside me and took the pack of diaper with no hassle.

“Here. You need to take a cherifer para tumangkad ka, Sab!” he laughed at his joke habang ngiti lang ang itinugon ko, isang pekeng ngiti.

“You know what, dapat sumali ka sa comedy training center para mas mag-improve ka pa sa mga jokes mo.” pagbabara ko kaya’t nagkatitigan kami, mata sa mata.

STRANGERS WITH MEMORIES (ON GOING)Where stories live. Discover now