V

78 10 7
                                    


[ SIZE ]


"Mas malaki yong akin 'no!" sabi ni elyse, isa sa mga kaklase ko.

"talaga ba? Ano bang Size nyan?" tanong naman ni Donna.

"34!" proud nitong sagot.

"Ow... 38 ako, eh" inosenteng sagot nito pero halatang nagyayabang lang naman ito.

Napanguso naman si Elyse sa isa.

Yabang! Ede ikaw na malaki ang dibdib! Pake ko. Duh. Sampal ko pa sayo yan eh.

sabay kanta ng ' bitch na peke, ang dami mong dada isampal ko kaya ang suso mo sa iyong muka'.

Syempre suso nya isasampal ko sakanya hindi kasi keri ng dibdib ko yon. Baby pa kasi sila.

Tho. hindi ko rin naman talaga alam bust size ko hehe sinusukat pala yon basta nabubuhay lang ako.

"Kaliano" sambit ng isa sa mga nurse. Lumapit naman si Elyse doon.

"34-30-35"

Woah malaki na yon para sa akin! Baka mamaya 20 lang pala tong akin uuwi talaga akong luhaan.

"Limero," tawag ng nurse at pumasok na si Donna. Umusod ako ng konti dahil ako na rin ang susunod nakita kong si Ate Caiomhe ang nagsusukat at ang nurse ang naglilista.

"38-29-38"

Woah... Ede sya na! Ganda ka beh?

Napataas ang kilay ng nurse sa sinabi ni ate Caiomhe. Nilingon sya ni ate Caiomhe at walang emosyong inulit ito.

"37-29-38, nurse jada." Lumabas na nakangiti si Donna. Ipinagmamalaki ang malaki nyang dibdib!

"Lavigne"

Nagflip hair pa ito ng magtama ang paningin namin. Napanguso nanan ako doon nang lumingon ako ay nakataas ang kilay sa akin ni Ate Caiomhe.

Pilit na ngiti naman ang binalik ko sa kanya at pumasok na.

"Fix your postures. Raise hand on the side," masungit na saad nito sa akin.

Nakakaintimidate ka naman doc!

"30-29-35," sabi nito sa nurse at kagat kagat ang labi na parang nagpipigil ng ngiti ng makitang ngumuso ako sa narinig ko.

Hmp! Atleast hindi 29 ang bust size.

" It's fine. Triangle body shape is not bad at all, Amaris. You have nice hips," pagaalo nito sa akin pero mas lalo lang ako napanguso lalo pa at tumawa ng mahina ang nurse na kasama nya.

Pinagtutulungan nila ako!

Lumabas na ako bago ko pa sila masakal.

Dediretso na sana ako sa cafeteria dahil nagugutom na ako ng biglang may baliw na sumulpot sa harap ko.

"Hi!" ayan nanaman yong ngiti nyang parang tanga.

"Anong kailangan mo, Matthaios?" masungit na tanong ko dito.

"Bakit ang sungit mo? Gutom ka no!"

Pano nya nalaman na gutom ako?

"Oo, gutom nga ako. Pano mo nalaman?" baka manghuhula sya.

"May apat akong nakakatandang kapatid na babae at nagsusungit sila kapag gutom, inaantok or may period sila. Pero madalas kapag may period sila pagkain lang din ang katapat," mahabang paliwanag nito habang nakangiti.

Woah! Simple lang naman talaga hindi ko maintindihan bat hirap ang ilang lalaki dyan.

"May apat kang kapatid na babae? Hindi ba stressful yon para sa isang lalaki. You know, girls are quite unpredictable HAHAHA."

Love You, Sinfully. (Love You Series: Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon