CHAPTER 9: THE ANNOYING JACOB

213 12 0
                                    

SAM POVS
 
Pagkauwi ko pa lang niyakap na ako agad ni Jim. Sobra ngang higpit halos hindi na ako makahinga.
 
“Saan ka pumunta?” Bumungad na tanong ng kapatid ko.
 
“Dyan lang sa may bridge.” Sagot ko agad. Pero nakakunot noo ako sa kanya. Ang aura nya kasi kakaiba ngayon.
 
“Talaga? Eh bakit ang tagal mo?” Parang galit pa ang tono nya.
 
“Ahh nagkita kasi kami ni annoying Jacob.” And I sigh heavily.
 
“Annoying ano ahahahah!” Bigla sya natawa na hindi ko alam.
 
“ Annoying naman talaga sya.”
 
‘Totoo naman annoying sya!’
 
“So, nagkita kayo? Edi.. nag date kayo? Ayiee!”
 
Para syang ewan kiligin hindi bagay.
 
“Ha! Ewan ko sayo! Hindi noh!” Angal ko agad sa kanya. Kahit kailan napaka ano nya! Nakakairita kaya ang lalaki na yun nung nilibre ako ng corndog.
 
“Weh? Nakuu.. kapag kayo nagkatuluyan na dalawa magse-celebrate ako!” Masaya pa sya. Minsan nakakainis rin sya maging supportive eh.
 
“Hayyst! Ewan ko sayo!”
 
Magkatuluyan ka dyan!
 
Umalis na ako maglakad sa pikon ko sa kanya. Pagkapasok ko sa kwarto binuksan ko agad ang phone ko at bumungad sa akin ang wallpaper ko na bridge kanina. Maganda kasi ang pakakakuha ko. Napaisip tuloy ako bigla. Ano kaya koneksyon ng cherry blossom tree na ito kay Jim?
 
 
FLASHBACK..
 
SAM AND JACOB’S CORNDOG TRIP
 
 
“Balak mo ba libutin lang ako sa paligid ng food court!?” Irita ko kay Jacob. Hindi sya nakakapikon ahh! Akala ko ba may alam syang spot ng bilihan!? Hayyst! He’s so annoying!
 
“Saglit lang kasi hinahanap ko si manong!” sagot nya sa akin habang humahaba na ang leeg nya kakahanap sa manong na yan.
 
“Oh! Found him!”
 
And he hold my hand tightly. Nauna sya tumakbo at ako naman napasunod lang sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi man lang nya napapansin hawak na nya ang kamay ko.
 
“Waaah! Manong nag iba ka na pala ng pwesto?” tanong ni Jacob.
 
Bumitaw na ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko kaya napatingin sya sa akin na may pagtataka.
 
I Hate him!
 
“So annoying.” Mahina ko salita at hindi na sya tinignan.
 
“Weird mo. By the way, 4 corndogs, please?”
 
 
JIM POVS
 
Naglalakad ako papunta sa bridge malapit na ang katapusan ng snow. Sayang naman at hindi ko na sya makikita ulit.
 
Nakatingin lang ako sa cherry blossom. Natatakpan na ng snow ang mga dahon ng tree pero ang ganda nya pa rin tignan. Habang pinagmamasdan ko ang puno nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko.
 
“Nagulat ba kita?” Tanong nya.
 
“Ahahahah! Hindi naman.”
 
Ngumiti sya sa akin at niyakap nya lamang ako habang nakatingin na kami pareho sa puno.
 
“Jim? Sa tingin mo kaya sabihin na natin sa parents natin ang tungkol sa atin?”
 
Sa sinabi nya na yun kaya napatingin ako sa kanya habang hindi natatanggal ang yakap nya sa akin. Sa tingin ko sa mga mata nya seryoso talaga sya.
 
“Hm.. maganda ang idea na yun.” Sang ayon ko na rin. Sa totoo lang mabuti na rin malaman ng pamilya namin ang tungkol sa isa’t isa.
 
“Pupunta ako sa bahay nyo bukas, okay lang sayo?” He asked me first. I nodded.
 
“Okay, I’ll tell them.” I answered and smile a little.
 
 
KINABUKASAN
 
Nasa kusina silang lahat para kumuha ng almusal nila. Kinakabahan nga ako dahil alam ko ayaw pa rin ni lola na magpakita ako kay Louis.
 
“Uhm.. may sasabihin po ako.” Eventhough my heart wants to burst out I still manage to put some strength to tell them.
 
“Ano yun sweetie?”
 
When lola asked first nakaramdam na ako agad ng kaba. I sighed heavily.
 
“Please.. just listen to me.” Pag uumpisa ko.
 
“Okay? Ano ba yun?” dad asked.
 
“Oo nga nak?” Mom too.
 
“Kami na po ni Louis at pupunta po sya dito ngayon.”
 
And a moment of silence. Mabilis ko lang sinabi sa kanila yun.
 
“What!? I told you na wag ka na magpapakita sa kanya!” She raised her voice. I didn’t expect it.
 
“But lola I love him!”
 
Napatahimik sya bigla.
 
“ Inuulit nyo lang ang hindi dapat! Hindi kayo magkikita simula ngayon. Aalis na rin naman kayo diba? After ng winter? “ Saad nya kaya nataranta ako at tinignan si mom.
 
“Mom?” I asked her.
 
“Sweetie.. we’ve talked –“
 
Hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin nya. Ibig sabihin kasi sang ayon sya kay lola.
 
“Mom, I love him and lola.. bakit ba ayaw nyo sa kanya?” Tanong ko sa kanya pero napatiklop lang ang bibig nya at sinamaan ako ng tingin.
 
“Basta! Ayoko sya makita.” She said and walk away.
 
 
LOUIS POVS
 
“Mom? Pupunta ang boyfriend ko bukas dito.” Bungad ko agad kay mom na nanonood ng television habang kumakain kami.
 
“Woooh.. sino yang bf mo ah?” She said na masaya ang tono.
 
“Oo nga sino yan nak?” Dad excitedly ask.
 
“ Si Jim po.”
 
“Ha? Who’s Jim?”
 
‘Hindi ko ba nakwento si Jim sa kanila?’
 
“Si Jim Loren po.” Sagot ko na may ngiti pa.
 
“Loren? You mean the rich family Loren?” Mom asked na may paninigurado pa.
 
“Opo as in Loren Family. “ I smiled pero silang dalawa parang hindi masaya lalo na si mom.
 
“Nak, sigurado ka na ba sa kanya?” Tanong ni mom.
 
“Oo naman po. Bakit mom?” Nagtataka ko naman tanong.
 
“Nothing.. uhm.. papasok muna ako sa kwarto ko.” Saad nya.
 
Umalis sya at iniwan kami sa hapag kainan. Bakit naman sya ganun?
 
 

HAVE WE MET BEFORE (Yoonmin au) (COMPLETED)Where stories live. Discover now