HIS 50

16.2K 430 59
                                    

Saintess Ivory Doll Agathangelou

10 years later

Maingat kong binuklat ang librong binabasa ko nang malakas na bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Nakataas ang kilay na tumingin ako sa pumasok.

"Mommy!" Mikelle exclaimed before running towards me. Mabilis itong umakyat ng kama bago umupo sa aking hita. He immediately embrace me using his small hands and nuzzled his head on the crook of my neck. Natatawang linagay ko ang librong binabasa sa side table bago ito yinakap.

"What is it, honey?" Masuyo kong tanong habang sinusuklay ang buhok nito.

My heart won't stop fluttering whenever Mikelle is around. Para akong na sa langit tuwing yinayakap ako ng maliit nitong braso.

"Let's eat outside, Mommy," anito habang pinaglalaruan ang aking maikling buhok. Tumaas naman ang kilay ko dahil isang himala ang pagyayaya nito sa labas.

"And why? I remember that you hate going outside." Mahaba ang labing tumingin ito sa akin bago ako hinalikan sa labi.

My son is really sweet.

"Men jag vill äta Lolas kontor," (But I want to eat in Lola's office) usal nito sa kaniyang malambing na boses. Deretsyo akong tumingin sa kaniyang asul na mga mata at nakita ang pagkislap nito.

"Jag tror att din Lola är upptagen, Mikelle. Vi kan inte bara pråma in hennes kontor," (I think your Lola is busy, Mikelle. We cannot just barge inside of her office) sagot ko na nagpakunot ng noo niya.

He really looks like him. From his frowning forehead, and blue eyes, down to his proud nose and pouting lips. An exact copy of the man I hate the most.

"She'll make time if it is me, Mommy," turan nito na nagpalaki ng mga mata ko. Hindi ko mapigilang malakas na tumawa bago pinisil ang matambok nitong pisnge.

"You spoiled brat!" Aniko. Ngumise naman ito na nagpatigil sa akin. Lahat na lang ng gawin ng anak ko kuhang kuha niya mula sa kaniyang ama. Wala man lang itong namana sa akin.

"Mommy, let's go please." Mikelle tugged me while pouting. Napailing na lang ako bago sumusukong tumango. Wala talaga akong laban sa batang ito.

"Fine, Yvo. Ikaw talaga."

"YES!" He excitedly said before kissing my forehead. Masaya itong tumayo bago nagtatakbo palabas ng aking kwarto.

"Thank you, Mommy!"

Napangite na lang ako bago kinuha ang aking cellphone. Nagtext lang ako sa Lola ni Mikelle na pupunta kami sa opisina niya para naman hindi ito mabigla.

Tumayo na din ako sa kama para makapag palit ng damit. Pinili ko lang ang pinaka komportable kong damit bago kinuha ang susi ng kotseng gagamitin ko.

"Mikelle are you done?" Tanong ko habang kumakatok sa kwarto nito.

Narinig ko naman ang ilang kalabog sa loob bago bumukas ang pinto. My eyebrows lift when I saw his things scattered around.

"Yvo," hindi makapaniwalang ani ko dahil kakalinis ko lang kahapon. Tumaas lang ang kilay nito bago humawak sa kamay ko.

"Let's just go, Mommy. I'm famished." Napasimangot na lang ako bago kami bumaba.

Binilinan ko lang ang mga kasambahay namin bago ako dumeretsyo sa kotse. Sinakay ko si Mikelle sa passenger seat bago kinabitan ng seatbelt. Ayaw kasi nitong umupo sa backseat dahil gusto niya daw akong katabi palagi.

Shades of Erotica 3: His Forbidden Property (R-18)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon