Chapter 1

23 1 0
                                    

"Maraming salamat sa lahat ng alaala na iyong ibinigay at sa pagmamahal na ipinadama mo sa'kin. You made me feel things- You are the best thing that has ever happened to me. I hope you will be happier than ever, and I hope that you'll live your life to the fullest. Sana, sa susunod ikaw pa rin... Hanggang sa susunod na habang buhay na lamang. Salamat at paalam, Ciara."


Three years before


Ciara's POV

"Ciara!" My dad calls for me from downstairs

"Pababa na ako, dad!" I walked out of my room while fixing my messy hair, after grabbing my bag that's sitting beside my table.

Malapit na pala akong ma-late, ayokong masaraduhan ng gate kaya minadali ko na lang pag-aayos sa sarili ko. I went downstairs and put my shoes on pagkatapos.

"Hindi ka na ba kakain, nak?"

"Hindi na po, Ma. Male-late na kasi ako kapag hindi ko binilisan eh." I replied to my mom because I'm in a hurry.

"Sige, mag-baon ka na lang ng tinapay mo para kahit papaano ay may kakainin ka on your way to the school." She said.

I took the plastic bag with sandwich and went straight to the car. I took a sip from my coffee, and nag make-up ako ng kaunti habang nasa kotse. Inayos ko na rin 'yung buhok ko dahil medyo magulo pa.

After 15 minutes, nakarating na kami sa school. Finally. The gate was about to be closed by the guard kaya hindi ko na kinain pa 'yung sandwich ko, bumaba na agad ako sa kotse. Luckily, nakita ako ni kuya kaya nakapasok ako.

Buti na lang kapapasok lang din sa gate ng bestfriend ko, si Naomi kaya tumakbo na ako papunta sakaniya. Ang swerte ko today ha.

Lumingon siya at ngumiti. Alam niya na ako 'yung tumatakbo kasi kabisado na niya 'yung tumutunog na keychain sa bag ko sa tuwing nagagalaw ito.

"Bestie!" Sabi niya at sabay yakap sa akin.

"Good Morning, Yumi! Buti naabutan kita, I realized na wala akong kasabay pumasok sa room kung hindi kita nakita" I replied and laughed.

"Hi Ciara!"

"Hello Naomi!"

Binati kami ng schoolmates namin since medyo kilala kami sa school. Ako kasi 'yung president sa room namin, and at the same time ako rin ang president sa Supreme Student Government (SSG) at auditor naman 'yung kaibigan ko.

"Hello guys!"

"Good Morning!"

Bati namin sa kanila. After nun, naglakad na ulit kami and just as we were walking, may nakita akong lalaki na pumasok sa front ng room namin, and unfamiliar yung face niya. Maybe a new student? I'm not really sure.

"Uy bes, sino 'yung guy na pumasok sa room natin? Hindi ko siya kilala pero ang pogi niya." Pabirong sabi ni Naomi sa'kin sabay tawa.

"Sira! Baka transferee siya or may kailangan lang sa room kaya siya pumasok dun." Sagot ko sa kaniya at sabay tawa.

"Hayaan mo na siya" Dagdag ko.

We decided na dumaan sa likod ng room, and so pumasok na kami. Napagtanto namin na andito na pala 'yung prof naming medyo masungit. Halos lagi kasi siyang pumapasok 10 minutes pagtapos mag-ring ng bell, kaya hindi namin inaasahan na andito na pala siya. Buti na lang, hindi kami pinagalitan at hinayaan lang kaming pumasok at makaupo sa loob.

Sa Hindi Pag-AlalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon