Chapter 3

8 1 0
                                    

"Naging sariwa muli ang mga sakit na naramdaman ko-- at nagbukas muli ang sugat na pilit kong pagalingin at wakasan."

CW // Depression

Ciara's POV

Lumipas ang maraming araw-- mas lalo pa kaming naging close, at nakilala ko pa siya lalo dahil dito. Naging tandayan namin ang isa't isa, at nakakapagsabi rin kami ng mga problema namin sa isa't isa. Just like what always friends do.

Isang gabi, napa-isip ako tungkol kay Theo. I've found out na walang nag-stay na mga "kaibigan" niya simula nung bata pa lang siya. Lagi siyang na-oout of place or iniiwan siya ng mga ito kaya siya na lang lagi ang natitira. Thus, may gut feeling ako na wala siyang napagsasabihan ng mga problema since wala siyang sinuman dati, it must be hard for him... Na wala siyang ibang kasama sa ups and downs niya, kahit na bata pa lamang siya.

May sinabi rin siya sa'kin one time na okay lang din naman daw sa kaniya kahit wala siyang naging kaibigan noong bata pa lang siya kasi doon niya raw natutunan kung paano tumayo sa sarili niyang paa. Natuto siyang gumawa ng paraan upang mawala 'yung mga nadarama niya dati. Naiyak ako... I really felt bad for him. Hindi ko maisip kung gaano kalungkot at kasakit ang naramdaman niya back then, and how hard it is for him to find solutions for the problems that he faced all by himself-- because he kept it to himself. If there would be a chance na babalik ang oras at magkakaroon ako ng chance upang maging kasama niya nung bata pa lamang siya, I would do everything para makuha iyon.

Kahapon, nag-open up sa'kin si Theo. Habang nakaupo kami sa tabing-ilog at kumakain, binitawan niya ang mga salitang hindi ko inaasahang dudurog ng puso ko.

"Alam mo, Ciara, ikaw 'yung unang kaibigan ko na napagsabihan ko ng mga problema ko... I'm really thankful na nakilala kita kasi ipinadama mo sa'kin na kahit lalaki ako, I can feel what I feel, and express what's on my mind. Sa mundo kasi natin ngayon, it felt like being sad, or even depressed at times, is like commiting a crime. So, thank you so so much..."

Nung una, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, at kung ano ang isasagot ko sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko na naitago ang aking mga luha nung nakita ko na tumulo rin ang kaniyang mga luha.

"Oh, I'm sorry. Nasira ko ata 'yung mood." He apologized, but he don't need to.

"Don't be, Theo. If I can cry, you can cry, too." Sabi ko sa kaniya at sabay yakap nang mahigpit. Niyakap niya ako pabalik, and I felt the warmth of his hug. It seemed na he needed this hug... na kailangan niya ito noon pa. Sobrang higpit ng yakap niya sa'kin, para bang inaasam niya ang yakap galing sa isang tao na pinagkakatiwalaan niya. We hugged for a minute and then he said something that I also didn't expect.

"Is it okay if I lean on you whenever I feel like this? You're the first person na I feel safe with." He teared up more.

"You can, Theo. Don't hesitate to approach me when things feel heavy... I'm here for you." I replied, wiping his tears.

I want to protect him at all costs, the world did him wrong, and I want it to stop already.

It's almost August, at sobrang lapit na ng kaarawan ni Theo, at gusto kong magbigay ng regalo sa kaniya. I feel like he deserves everything. Sakto at foundation day namin 'yung araw na 'yon, and as the president of the student council, I thought of an idea na makatutulong hindi lamang kay Theo, but definitely to other students as well.

Kinabukasan, nakipag-meeting ako sa mga SSG members sa room na aming ginagamit sa tuwing kami ay nag-uusap. Pati na rin kay Naomi, na isa rin sa public information officers (PIO) sa club, upang humingi ng suggestions.

Sa Hindi Pag-AlalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon