Chapter 5

11 3 0
                                    

I suddenly felt the urge to cry, buti na lamang at magaling akong magpigil. Nasanay siguro sa bahay, I'll cry this all out later. Sa ngayon, sasauluhin ko muna lahat ng ekspresyon sa mukha nila habang sinusuri ang gawa ko.

Frilly called Pat and told her to bring Grey's- our Cindy- dress.

"Wait! Sandalee!" Pat shouted back as she ran towards us channelling her inner Batangueña.

Nang makarating siya sa baba ng stage ay kaagad na nanamlay ako. The dress was midnight blue and what I did was lighter than it should be.

"Ow," napamaang si Frilly nang makita ang pagkakaiba ng kulay. "It's still pretty, kailangan lang nating magkaroon ng illusion na parang iisa ang dress at ang paligid niya, dark."

I nodded, I understand what she was saying. Ang scene kasi na kailangan iyon ay 'yong scene na pakiramdam ni Cindy ay invisible siya wherein fact she was shining bright, like the stars in the night.

Tinuro ni Pat si Pyra. "Pasama ka kay Pie. Tanong kayo kung kaya pa 'yan maremedyuhan, makapal na 'yong paint eh."

"Where to?"

"Art Club."

After debating with Pyra, pumayag naman siya na samahan ako bukas sa building ng juniors at seniors para makapagtanong sa members ng Art Club. She was irritated by our Math Teacher who talked to her ealier, ayon, nadamay ako. Kuya Troy was in that specific building daw kaya naman paniguradong mawawala na naman siya sa katinuan.

As if my brother was that handsome.

"Hoy, bilis, Aly!" ani Pyra na kinalampag pa ang katabing locker.

We're asked to go home early para makapagpahinga raw ang iba sa sunod-sunod na practice bukas. Dwayne, one of our props designers, succeed on mimicking my design- of course, mixing an even greater amount of black, dahil my work wasn't that great. He already did two backdrops, finishing touches na lang and it would be so perfect.

"Grabe, galing mo talaga. I didn't know you could paint like that. Pati si George ay pinuri ka," she said, wala na sa akin ang atensyon.

I pulled my Mathematics Textbook out and closed my locker's door shut.

"Pinuri nga, e he said naman na I shouldn't waste it and do some repainting! Ang kapal na noong nailagay ko, Pyra. How is that possible?"

Nagkibit-balikat lamang siya sa tanong ko.

I rolled my eyes before linking my arms with hers. "Pyra naman, ang sabi niya sa'kin, we could sabotage a backdrop since generous amount ang binigay ni Mom."

"May after party pa raw, oh, anong malay mo, baka mas makasave tayo for foods!"

Hindi na lamang ako sumagot pa at hinila na rin siya para mas madali kaming makarating sa gate. Kuya Hunz said their class was dismissed early daw dahil sa sunod-sunod na pag-e-excuse ng mga estudyante, nainis na kaya ang ginawa ay wala na silang pasok din all day, pupunta na lang sa respective clubs, which Kuya Hunz do not have.

Sumabay na raw kami ni Pyra sa kaniya dahil sakto at wala na siyang ibang pupuntahan pa.

"Kuyang Guard! Una na po kami ha? Maagang uwian!" bati at pamaalam ni Pyra kay Manong Guard na nginitian ko na lamang.

As we turn to exit, dinig na dinig na agad namin ang pagbusina ni Kuya.

"Wait!" I said and dragged Pyra towards Kuya Hunz' Bentley.

"How's school?" bungad niya samin nang makasakay kami.

I fixed my posture and faced him. "Good, ikaw ba, Kuya? How's school? I rarely see you here."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unlikely HerreraWhere stories live. Discover now