Naniniwala ako sa mga signs
Yun yung tipong palatandaan na sya na yung soulmate mo
Yung parang magsasabi sayo kung tama o mali yung gagawin mo
Na tutulong sayo sa mga oras na nagdadalawang isip ka
Na parang magbabanggit ka ng impossibleng tasks o bagay tapos yung tadhana na ang bahala kung mangyayari ba o hindi
Tapos kapag nangyari, tuloy ang plano o kaya kayo na ni crush ang nakatadhana
At kapag naman hindi, eh baka para di sayo o "better luck next time" ika nga
Yun ang akin, mahilig kasing akong gumawa ng ganun lalo na sa mahihirap na desisyon
Gaya nang kapag tinatamad akong gawin yung isang bagay pero kailangan and I'm like 'do I really need to do it?' then sasabihin na lang 'if I see a blue bird, I'll do it' parang mga ganun.
Pwede ding sa LOVE
Like 'if lumingon sya, aamin na ako' or 'kapag nakakita ako ng berdeng buhok, magkakatuluyan kami'
Effective naman sya kahit papano, pero maraming nag-aasume kapag nangyari
Kaya ako, pinapaulit- ulit ko hanggang sa makuntento na ako
Kapag gumagawa ako, kasunod palagi nyang mga yan ang mga salitang
"LET FATE WILL DO"
![](https://img.wattpad.com/cover/4251127-288-k198267.jpg)
STAI LEGGENDO
Sign
Teen FictionTHIS IS A SHORT STORY: Naniniwala ka ba sa Sign na kapag nakakita ka nang ganyan mangyayari yung gusto mo? Ako, oo, eto nga yung sign ko na naging bahagi nang kahapon ko kaya naging ganto ako ngayon. Gusto mo din ba maging totoo yung iyo, simple, ma...