Chapter four

45 3 4
                                    

Nalaglag siya sa may mga tambakan ko dito ng mga lumang bagay bagay. Hays, isa- isa kong tinanggal yun. Alam ko lumusot yun dito eh. Kinuha ko yung parang basket, baka nandun.

Tinanggal ko yung mga laman nun tapos chineck ko, nakakita ako nang cute na wallet, kinuha ko yun tapos tinignan yung laman baka may pera, hehe..

Pero wala naman talaga, actually puro papel lang siya. Pinatong ko muna yung wallet sa may table kasi may tumatawag, 'FAYE GANDA' nakasulat sa screen, bakit ba nalilimutan kong palitan to?!

"Excited na ko!!" bungad niya.

"Hello din." Letche di talaga marunong bumati to, may tumatawag  kaya sa kanya?

"Nako! Di ka ba excited? Lahat nga ng tinawagan ko excited tapos nagpopost pa sila nang picture nung susuotin nila sa FB tapos blah blah blah blah blah" ewan ko, di ko na din maintindihan yung sinasabi niya, tumatango lang ako as if nakikita niya *rolleyes*

Okay, baliw na ako.

"UY! Nandyan ka pa ba? Yung necklace ba bagay sa gown tsaka sa dress mo? Suotin mo ah para malaman nung iba na bestfriend kita!" ah, sh*t.

"Ah.. eh.. oo naman, ako rin naman pumili nun eh tska ano.. umh, maganda pa rin ako kahit wala yun no, hehe" sabi ko, ay malas talaga kahit kailan.

"Basta suotin mo yun para lalong maganda at siguraduhin mo lang na maganda ka bukas para mapansin ka ni Joeli tapos mapapansin na din ako ni Mikael" naiimagine ko siyang nagtwitwinkle ang mata.

Pagkatapos nun, binaba ko na, bahala sya di sya nakakatulong para mahanap yung letcheng necklace na yun.

Nagtext sya 'Langya to! Dyan ka na nga, basta ah! Magbebeauty rest na ko, ikaw rin! Night!!'

Hinanap ko na yung necklace tapos after 123456 years ay nahanap ko na din siya, inayos ko na lang ulit yung mga tambak, bukas ipapatanggal ko na ito para walang nang hahanapan at aayusin.

Naglinis muna ako ng katawan tapos nagbeauty rest na rin gaya nang sinabi ni Faye

Pagkagising ko, 10 am na din para full charge talaga. Tumunog yung CP ko

'ONE MESSAGE RECEIVE

          FAYE- TOT'

O dibebs!? Napalitan ko na kagabi dahil di ako makatulog, siguro yun talaga dapat ang gagawin ko kasi pagkatapos kong baguhin yun nakatulog na ako eh.

So yun, inopen ko na 'Uy! Itext mo ko pag on the way ka na ah' nireplyan ko nang OK at dahil maganda naman yung gising ko ay may smiley :)

Kumain at naligo ako tapos nanuod ng TV ang una kong mga ginawa, mayang 6:30 pm pa naman yun eh.

Tapos mga bandang 4pm, dumating na yung pinadalang sugo ni mommy para mag- ayos sa akin. Napakadami nilang (yup! Madami sila) ginawa sa akin, mula ulo hanggang talampakan, grabe, di ko madescribe basta ang alam ko feeling ko ikakasal ako dahil dito.

Mga bandang 5:30 natapos na yung ka-ekekan na ginawa nila sa aking katawan at dumating naman ang buo kong pamilya, aba di ako sinama ah.

"Ang ganda mo na lalo, sabi na nga ba magaling tong mga to eh" sabi ni mommy na proud, ngumiti naman yung mga sugo niya

Sabi pa nila na umalis lang pala sila kasi gusto nilang gayahin yung mga nasa palabas na magugulat sila sa transfomation na gagawin sa pangit, tsk, pauso talaga! Ang ganda ko kaya since birth *swayngbuhok*

Dahil dinaldal nila ako, garalgal tuloy ako ngayon sa pagbibihis pero tinulungan naman nila ako parang ikakasal lang nga eh, yung binibihisan yung ikakasal kasi malaki yung damit nila, napanuod ko yun sa pinsan ko nung kinasal siya dati, malamang alangang ngayon?! Letche!!

*PROM NIGHT*

Hinatid ako ni ate gamit yung 'baby chevy' niya (di pa rin ako makagetover dito, tsk tsk)

"Text mo ko kapag uuwi ka na ah" sabi ni ate

"Sige, thanks!" tapos umalis na sya. Grabe kanina sa bahay, ang drama nila parang ilang oras lang akong mawawala eh.

Tinext ko na si Faye at nakita ko naman siya agad at ang taray ng suot niya. She's wearing a long gown na color red na tube na may crystal belt na flowing yung pababa, aahh basta.

"Owaa! Is that you? You're so pretty" salubong niya sakin, di talaga marunong bumati

"Ang OA lang te?! Ikaw nga dyan ang dapat ini- 'Is that you' eh"

"Oh my gosh, thanks" sabi niya sabay tingin sa suot niya

"Bakit? Pinuri ba kita?" @.@ hinampas niya ako sa braso pero mahina lang, nako try lang niya, uuwi sya nang di oras.

"Kainis to. Tara na nga, mag-iistart na oh!" ahaha, pikon talaga.

Hinila niya ako, naka- killer heels kaya ako. Jombagin ko to later

On the way to our table ay hinahanap nang mga magaganda kong mata si Joeli at jackpot, umiwas siya nang tingin ahaha, ang ganda ko no *EHEM*

Pagkaupo namin, another mins and nagstart na rin, nag-introduction chu chu tapos yung cotillion, nakasuot na nga pala ako nang pangsayaw kaya tumayo na kami tapos sumayaw na malamang. Successful naman yung sayaw kaya nagchange clothes kami before yung mealtime, sa backstage lang yan.

Kain kain tapos nag- intro ulit tapos sayawan na. Slow muna tapos yung pang party tapos inanounce na ung prom night queens and kings.

Queen ako ng senior at ang cool nun tapos yung king ko ay yung playboy nang next section ata, ah ewan ko sa kanila. Nagdance kami sa gitna kasama yung sa juniors tapos party na ulit.

Napapangiti ako na nacoconcious kasi ramdam ko na may patingin tingin sa akin at alam ko kung kanino iyon. Ganda ko kasi eh, bakit ba ayaw niya akong isayaw? Di pa rin ba niya ako nagugustuhan?

"OMG, sister!!" si Faye na di manlang bumati muna "Naisayaw na ako ni Rico my labss, ahaha!!"

"Sinong Rico nanaman yan?" papalit palit talaga to

"Tangeksi! Si Mikael Rico!" sabay batok

"Letche, pasalamat ka di na gulo yung buhok ko!"

"Thank you!" nang-aasar nanaman to pero, sino daw? Mikael Rico? Uhm? O.O

"Si Mikael?! Yung bestfriend ni Joeli? Di nga?"

"Yah yah!! Kinuha nya rin yung number ko *///*"

"Ay? Ang landi! Layas na nga!!"

"Bitter te? Don't worry, I make hanap hanap nang di torpe" abnormal talaga

Paulit- ulit na lang ang nangyayari dito. Pero sobrang saya naman kaso mas sasaya sana kung sinayaw niya ako pero wala... titig lang siya nang titig, akala niya naman di ko nararamdaman.

Lagi ko nga ring tinititigan yung sarili ko kasi baka di na kumpleto (hehe, corny) pero okay lang yan, baka ganyan naman talaga. Masakit din yung paa ko sa dami nang nagsayaw sa akin

Magwa- one na din nung natapos yung prom, ang saya lang kasi madaling araw na, haha.

"Uy, Sabby! Di ka ba sa amin matutulog? Sayang naman..." si Faye na di marunong mag- hi ang nag- uy sa akin.

"Baka magalit kasi si ate kapag wala ako dito, sige na! Ayan na yung mommy mo oh" sabay turo sa mercedez na cute.

Nag- babye na ako sa kanila pati sila sa akin. Umupo muna ako sa may bench malapit sa main gate.

Nag- aayos na janitor tska nagsisiyahan na mga teachers at ilang estudyante na nakikipagkulitan at nagpipicture taking ang natira dito kasama ko.

Tinext ko na din si ate pero di sya nagrereply, baka nakatulog na yun. Ah shit! Wala pa naman akong pantawag, tsk tsk.

Basta itetext ko lang sya para maramdaman niya.

AYY, pano na ako?!

SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon