03

1.9K 138 354
                                    

Chapter 3: Stay Alive

Monica Hernandez.

I was waiting for the creature to bite me not until I heard a gunshot. Agad na bumagsak sa sahig ang umatake sa'kin. Napatulala ako sa kawalan. Ang nanghihina kong braso ay bumagsak sa sahig.

"Another one. Mind-control. Clear."

Hindi agad ako nakatayo. The situation earlier drained the shit out of me. Nararamdaman ko sa katawan ko ang lagkit ng dugo na nanggagaling doon sa lalaki.

Napatitig ako sa katawan niyang bumagsak sa tabi ko. Hindi ko alam pero sa oras na makita ko ang mukha niya, otomatikong gumalaw ang katawan ko para tumayo. My jaw dropped when I saw him lying on the ground. Dead.

"Hey. Move."

Napaigtad ako nang makaramdam ng kamay sa balikat ko. My reflex was too fast. He winced when I twisted his arm, almost breaking his bones.

"Aah! Pota!" ngiwi niya.

"Sino ka?" tanong ko.

Ngayon ko lang nabawi lahat ng umatras na tapang sa'kin kanina. Nawala na ang panginginig sa kalamnan ko. Ang tanging gusto ko na lang ngayon ay mabigyang sagot lahat ng tanong ko.

Mas lalo kong inikot ang kamay niya. Sapat lang para mas madagdagan ang sakit sa braso niya.

"Aray ko! Gago!" daing niya.

"Sino ka?!" pag-ulit ko sa tanong.

He's holding a gun. Rifle. It somewhat reminds me of the twin yesterday. May nabubuo nang konklusyon sa isip ko pero gusto ko pa rin masiguro. This guy knew about the creature who attacked me.

"Jax R-Ramirez— Aray! Wala akong facebook kaya hindi ka pwede magfriend request!" walang kwentang sagot niya.

"Why are you here?!" tanong ko ulit, hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.

"Kasali ako sa Roborats— Ang sakit naman gago! Bato ka ba?!"

Pinakawalan ko ang kamay niya at mabilis na inagaw ang rifle para itutok sa kanya. Tumaas ang kamay niya habang may nakakalokong ngisi sa labi.

"Wait, baby. Relax," he smirked his assholest smirk.

"Ano yung Roborats?! Bakit may ganito rito?" I pointed at the creature who looked like a... zombie.

"Baby, put the gun down. I'll explain later," he said in a soft tone. Pero hindi pa rin nawawala ang mapaglarong ngiti.

I scoffed. "Baby-hin mo mukha mo."

He bit his lower lip, chuckling. "Lagi ko naman bine-baby ang mukha ko. You know, kapag mga ganitong mukha pinoprotektahan talaga."

Napangiwi ako nang hawakan niya ang mukha, nakataas ang dalawang kilay at kagat ang pang-ibabang labi. Earlier, I was certain that there's really something weird in this city. Pero dahil sa akto ng lalaking kaharap ko, naiisip ko na baka mga tao na mismo na nakatira rito sa siyudad ang mga weirdo.

Nevertheless, I didn't put the gun down. Nanatili iyong nakatutok sa kanya hanggang sa may isang babae na sumipot. She's wearing an unusual outfit. Crop top, white shorts, and leg harness. May nakasuksok na dalawang baril sa magkabilang hita. Based from what I can see, dalawang calibre 45. She has a sharp gaze.

When she saw me pointing the gun at the guy, mabilis niyang hinugot ang dalawang calibre 45  at itinutok sa akin.

"Who's this?" tanong niya sa lalaki.

"May utang sa'kin," the guy replied.

"Huh?"

"I saved her life, Jen."

SILAKBOWhere stories live. Discover now