Meet Aya

394 14 0
                                    


JUSTIN'S POV

Kanina pa ako dito sa restaurant nila Aya at kanina ko pa din hinihintay si Issay.

Nakaorder na nga ako ng pagkain eh.

At wala pa din sya.

Umayos ako ng upo at tumingin sa orasan ko.

"Nasan na kaya yung babaeng yon? Baka in-indian ako non ah? Nako lagot sakin yon." sabi ko.

Sumubo pa nga ako ng inorder kong pagkain.

Tapos napasulyap ako sa paparating.

Napatayo pa ako sa upuan ako at...

Napatanggal pa ako sa suot kong shades.

"Oh? Bat ganyan ka makatingin? Nako, aminin. Nagagandahan ka sakin no?" sabi ni Issay.

Nakagreen dress sya at talaga namang ang ganda nya ngayon.

Parang hindi sya yung Issay na pinakilala sakin ni Nick.

Well, I made her transformed into that.

Umayos naman ako ng upo at...

"Pasalamat ka nga at inayos kita eh." sabi ko dito.

Umupo naman sya ng maayos.

"Teka nga pala, bat ba ang tagal mo huh? Kanina pa ako naghihintay sayo dito ah." I said.

"Aba.. Hoy! Hindi ako nakapasok ngayon sa trabaho ko kaya babayaran mo ang pinasok ko ngayong araw." she said.

"Hay nako.." Sabi ko na lang.

"Teka, sakin ba to?" tanong nya.

Nakita ko syang kumuha ng pagkain na inorder ko at sinubo ng buong buo.

"Huy, baka mabulunan ka. Ano ka ba? Grabe ka kumain ah?" sabi ko.

"Ano ka ba? Eh masarap eh.. Hmm.." nguya nya.

Sakto naman na paglingon ko sa kabilang side ay nakita kong bumungad ang mukha ni Aya na kasama ang mga kabusiness partners nya.

Hinatak ko naman ang kamay ni Issay at sabay sabing..

"Anjan na si Aya. Akin na yang kamay mo." I said.

"Saan? Aray naman.." she said.

"Ano ka ba? Akin na yang kamay mo. Dapat sweet tayo.." sabi ko.

"Aray! Anong sweet? Eh hinahatak mo na yung braso ko. Kulang na lang matanggal yang kamay ko eh." She said.

Hay, ang daming arte!

"Ayan na sya.." sabi ko.

Umayos naman na sya at lumapit sakin.

Tapos kunwari sinusubuan ako.

"Ahm, just go and find your spot, sir. I'm just gonna fix something." narinig kong sabi ni Aya ng nasa malapit na sya samin.

Tapos...

"Justin.." tawag nya sakin.

Kunwari naman napatigil kami sa sweet effect namin.

"Aya.. Hi.." sabi ko.

"Oh, hi.. Would you like to introduce me to your new friend.." sabi ni Aya sakin.

"Oh, yeah. Come here. Sit. Aya, I want you to meet Issay, my new girlfriend." sabi ko na kinagulat nya.

"New girlfriend?" gulat na tanong ni Aya sakin tapos tumingin pa kay Issay.

"Yes. She's my new girlfriend.. Ahm, babe, si Aya nga pala. Yung kinekwento ko sayong ex ko?" kunwari sabi ko kay Issay.

Ngumiti naman si Issay tapos naglahad ng kamay.

"Hi.." ngiti nyang sabi dito.

Pero hindi sya pinansin ni Aya.

In short, hindi nakipagkamay sakanya.

"Ay!" biglang napaclap ng isa si Issay at mejo lumapit kay Aya tapos nagsalita. "Ahm, you know what, Justin told me that so many things about you. Ahm, he/she told me that you are pretty but you're much prettier pala in person. He/ She, ahm, she told me pa na you are so much rich. It's true pala. You are so many rich." sabi ni Issay na kinayuko ko bigla.

Si Aya naman ay mejo napangiti na parang nagulat din.

Oh God!

Tapos...

"Why? Am I joke?" tanong ni Issay bigla na kinangiti naman ni Aya lalo at..

"No, darling.. You're not." tapos tumayo sya at.. "So, it's nice seeing you here with your new girlfriend. Infairness, bagay kayo. Ahm, order lang kayo ah? My treat.." sabi ni Aya at umalis na.

Nagulat naman ako kasi sinipulan sya ni Issay.

Tapos...

"Sexy.." ngiti nitong sabi.

Hay nako!

Tapos...

"Marunong naman palang magtagalog yon, pinahirapan pa akong mag ingles. Dumugo tuloy ilong ko sakanya." sabi nito na nag ayos ng sarili at.. "Oh, jan ka muna ah? Punta lang ako saglit ng restroom." sabi nito.

At umalis na nga sya.

Napayuko tuloy ako at napapikit.

Nakakahiya.

Ahhh! Justin! Anong ginawa mo?!? sabi ko sa sarili ko.

Nakakahiya talaga.

Hay nako.

Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang mangyayari.

After a while ay bumalik na si Issay from restroom tapos...

"Oh, bat ganyan itsura mo? Teka, kakainin mo pa ba to? Kung hindi, akin na lang to. Sayang to. Masarap pa naman.." she said na kinain nga ang natitirang pagkain na inorder ko.

Pinanood ko na lang sya.

"Hindi ka ba kakain?" tanong nya.

I just shook my head.

"Bakit? Ayaw mo?" tanong nya ulit.

"Sige na. Sayo na yan. Ubusin mo na. Baka kulang pa sayo eh." sabi ko.

Ngumiti naman sya at...

"Thank you.." she said na pang aasar.

Hay nakoooooo!

- - - - - - - - - - -

Vote.

Comment.

Ahahaha :D

Natawa ako sa english ni Issay, hahahaha :D.

Goodluck sa pagpapanggap nyo. :).

It's Just only a DEALWhere stories live. Discover now