Characters and Role: Shane's POV

9 1 0
                                    

Ako nga pala si Shane Gomez bunso na anak ng aking magulang ako ay simpleng babae hindi pala-kaibigan,hindi gaanong gala kung hindi naman importante

Ako ay hindi mayaman,ako ay nagsusumikap mag-trabaho upang mapag-aral ko ang aking sarili at para matulungan ko din ang aking tatay at kuya dahil sila ang nagta-trabaho samin at ang aking Nanay naman ay nasa bahay lamang at siya ang nag-aasikaso samin sa mga gawain sa bahay.

Ang Pangalan ng aking Nanay ay Melinda Gomez at ang aking Tatay naman ay si Felipe Gomez at ang aking kuya na si Mark Gomez

Ang aking Kuya ay nahinto na sa pag-aaral dahil sa hindi na kaya ng budget gawa narin ng kahirapan sa buhay ngunit ang kahirapan namin ay hindi naging hadlang sakanya kahit na nahinto siya sa Pag-aaral ay patuloy parin siyang nag susumikap,nagta-trabaho siya at nag-iipon upang makapag-aral muli at nagbibigay siya ng ibang pangangailangan ng Pamilya gaya ng Pambili ng Pagkain at sa iba pang bayarin.

Pumunta naman tayo sa Pamilyang mayaman na nakilala ko,kung paano ko nakilala abangan!

Ang Pamilyang Salvador,Si Jack Salvador anak ng isang Presidente ng Pilipinas.Siya ay Mabuting tao sa paningin niya,nahulog ako sakanya nagkakilala kami sa maayos na paraan ngunit paano kaya tatakbo ang buhay namin kung malaman namin ang lihim ng pamilya namin?

Dianne Salvador naman ang Pangalan ng kanyang Ina sa pangalan palang akala mong mangangain na diba'?

At mas nakakatakot naman ang Ama nito dahil may kapangyarihan ito sa bansa siya ay si President Mike Salvador,Aysst nako kung malalaman niyo ang ugali nitong tatay niya ngayon baka hindi niyo na tapusin 'tong kwento kong to!

Abangan ang iba't-ibang Characters and Role nila sa kwentong ito

Love LicenseWhere stories live. Discover now