CHAPTER ONE

11 1 0
                                    

JACK'S POV

Hayysstt!!!! (na may kasamang buntong hininga) Grabe! Talaga kapag anak ka ng Presidente ng bansa mo magiging famous ka talaga dati akala ko mayaman nalang talaga kami pero tignan mo ngayon nadagdagan pa ang blessings na dumarating sa buhay namin

Siguro talagang itinadhana talaga sakin ang ganitong pamumuhay ang pagiging mayaman at sikat at higit sa lahat ang pagiging gwapo ang hirap man tanggapin pero nasasakin na ang lahat yung akala mong Daniel Padilla pero mas higit pako dun

Ang wala lang sa'kin ay Jowa kailan kaya darating ang tamang babae sa buhay ko pero kung makakahanap man ako sana yung totoong mahal ako hindi lang dahil sa kayamanan at kapogian ko

"By the Way!" Ako ay fresh 20 years old dahil kaka-Birthday ko lang noong January

"Tama nanga" sambit ko sa sarili ko dahil kung ano-ano nanamang naiisip ko

Ako ay naghanda na ng susuotin para sa gaganapin mamayang Party ng Mommy ko dahil for sure maraming bisita mamayang gabi and alam mo na para maging maayos ang dating natin mamaya malay mo sa Party ni Mommy ako makahanap ng The One diba

Pagkatapos kong maghanda ng susuotin ay dumiretso nako sa Comfort Room upang maligo...............

Makalipas lang ang ilang minuto ay tapos nakong maligo at nakapag bihis narin ako alam mo na kailangan mag ayos ng maaga by the way 4:45 na ng Hapon pero mamayang 7:00PM pa start ng Party pero ang aga ko naligo kasi para maagang fresh at makapag ayos kailangan igop tayo mamaya

Kakatapos ko nga lang maghanda ( 4:45PM) ay tinignan ko muna ang aking phone and tinignan ko ang text and call baka kasi may mga na-missed ako then sunod kong tinignan yung Messenger ko and ayun nanga nagmessage na yung kaibigan ako at niyayaya akong gumala pero sabagay naman maaga pa

MESSENGER CONVERSATION:

"Pre! Ano free kaba? Gala muna tayo hanggang 6pm lang naman"

"Pre! Sige gala muna tayo kasi mamaya pa namang 7pm start ng Party" reply ko ng may galak

"Sige dun parin tayo magkita sa Coffee Shop na favourite natin"

Ako yung tipong kahit anak ng Presidente basta gusto ko gumala walang makakapigil kahit pagbawalan pa gagawa ako ng paraan para makatakas sa bahay

Matapos kaming makapag plano ng kaibigan kong si Lade ng mabilisan ay agad akong bumaba ng kwarto upang makapunta na sakanya ngunit sa aking inaasahan napalingon ang aking mommy at tinawag ako dahilan para mapalingon ako sakanya

"Jake!" sigaw ng Mommy ko nama'y halong galit na akala mo lagi nalang galit sakin

"What?!" sagot ko naman ng pasigaw

"I've told you that you can't go right now" bigkas ng aking Mommy

Galit man ang aking Mommy ay nagpatuloy parin ako sa aking lakad kasama si Lade sapagkat minsan na lamang kami nito magkita kapag hindi ito busy sakanyang Trabaho

Dumiretso na ako sa Coffee Shop na pinag-usapan namin at nakita ko na nga sya doon at akoy lumapit sakanya upang makapag simula narin kami ng Conversation........

Sa haba ng Conversation namin dahil sa pagke-kwento niya narin ng tungkol sakanyang buhay at pagta-trabaho ay hindi kona namalayan ang pagtakbo ng oras kaya huli ko na ng malaman na 7:42P.M na marahil ay kanina pang 7pm nagstart ang Party kaya't agad akong nagpaalam na kay Lade na uuwi na upang makahabol sa Party...

Matapos lang ang ilang minuto ay naka-uwi nako ng saktong 8:00P.M dahil narin sa Traffic kaya't nagmadali narin akong pumunta doon sa malapit sa aming garden dahil duon ginanap ang Party ng aking Mommy at buti nalang naging busy narin siya dahil sa dami nitong bisita kaya siguro ay hindi narin ako naalala inisip isip ko saking sarili

"Sino ang makakalimot sa ganitong ka-gwapong muka na pinaghahabulan ng mga babae"

Pero gayun paman salamat at hindi niya ako naalala ngayon dahil sa pagka abala niya sa mga bisita

Kaya agad narin akong dumiretso sa taas para makapagpahinga na sa kwarto dahil hindi ko din naman kilala mga bisita kaya hindi ko na sila obligasyon para kilalanin pa

At ako'y humiga na sa aking kama kahit hindi pa nakabihis dahil narin sa sobrang pagod kaya minabuti ko munang mahiga at magnilay-nilay

Habang ako'y nakahiga naisipan kong sumilip sa bintana at nais korin namang alamin kung ano na ang nangyayari sa baba kaya naisipan kong silipin sa bintana dahil madudungaw lang naman ito sa bintana ko dahil malapit lang ang aking kwarto dito

Pagdungaw ko may agad akong napansin na babaeng naka kulay Asul ang suot naka Gown na akala mo sya yung may Party kinabog pa yung Mommy ko

"pero infairness ang Ganda niya bumagay sakanya" Sabi ko sa sarili ko habang tinititigan siya

Hindi naman agad akong nahuhulog sa babae lalo na kung hindi ko pa gaanong kakilala syempre may standard ako sa gusto ko

"Gusto ko sa babae ay yung medyo maliit lang pero mas matangkad ako,yung sexy at higit sa lahat maganda kasi sayang naman kapogian ko kung magjojowa ako ng pangit"

Matapos nga niyan ay bumababa ako upang makipagkilala sakanya dahil baka sigawan at pagalitan nanaman ako ng Mommy ko kapag hindi niya'ko nakita sa baba

Love LicenseWhere stories live. Discover now