Hey Miss

Kasalukuyan akong naglalakad, papunta ako sa Library dahil may kailangan akong libro na makakatulong sa Activity na pinapagawa sa amin. Pang dagdag info din yun noh haha

"Hi Miss! Ava right?" napahinto ako sa paglalakad at napalingon ako sa nagsalita

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko yung grupo ng mga basketball player na nasa gilid ng hallway. If I am not mistaken, Yung lalaki na ipinakilala ni Vie ang tumawag sakin, his name is Peter I think?

Mga 6 basketball players yata sila don at lahat sila ay napatingin since tinawag nga ako nung Peter, kaya agad naman akong ngumiti at kumaway sa kanila

"Wews kala ko suplada!"

"Cute niya pare"

"Sino yan pre? pakilala mo naman ako!"


Dinig kong bulong ng mga kasama niyang players at kita ko pa ang palihim nilang pagsisikuhan sa isang tabi. Agad namang lumapit si Peter at sumunod naman ang mga kasama niya.

"Mga pre si Ava, Ava si-"

Naputol ang sasabihin niya ng may biglang magbato ng bola sa banda namin kaya agad kaming napatingin sa pinanggalingan non

Agad kong nasalubong ang kanyang malamig na tingin at kitang kita ang nakakunot na kilay na parang galit sa kung saan




"Bro what the f-ck!?" bulalas ng isang natamaan ng bola sa likod

Hindi ko magawang pagtuunan ng pansin ang nagsalita dahil nakapako ang tingin ko sa lalaking may malamig na tingin na hindi ko namalayang nakalapit na sa aking harapan.

Kumalabog ang dibdib ko at hindi ko magawang gumalaw kasi nasa harapan ko siya na parang siya lang ang tanging nakikita ko

Natauhan lang ako ng dampian niya ng likod ng kanyang palad ang aking noo na parang may chinicheck na kung ano roon



"Hey miss! Are you sick?" malamig na tanong niya kaya wala sa sariling napailing ako

"N-no, I a-am not!" utal na sabi ko, 'punyeta Ava bat nauutal ka!!

"You look pale, you sure you're really okay?" malamig man ang kanyang pananalita ay mararamdaman mo na may halo itong pag aalala na halatang ayaw ipakita

"Yes, I am okay. Maybe I am just tired" sagot ko na nagkibit balikat pa

"Ok Let's go!" Malamig na sabi niya pero agad namula ang pisngi ko ng lingunin pa ko nito saglit bago magpatuloy sa paglalakad

Nang mahimasmasan ako mula sa pagkakatulala ay napagdesisyunan ko na pumunta na sa library at ituloy ang aking ginagawa









Natapos na naman ang isang buong araw na puro ganun lang dahil paulit ulit na lang lagi ang nangyayari at ginagawa ko sa araw araw









Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa banyo para makapag linis ng sarili at makapag pahinga na ng maaga sa pag aakala na mabilis ako makakatulog pero nagkamali ako.

"You look pale, are you sure you're really okay?"


Pumasok na naman sa isip ko ung nangyari kanina 'Omygod Ava ano ba?!

Nagpaulit ulit lang magdamag yung scene na yon kanina hanggang sa makatulog ako











"Hoy! ikaw na babae ka!!" halos mabilaukan ako sa kinakain kong fishball sa gulat ng biglang may sumigaw sa gilid ko

"Ano na naman ba yon ha?!" sagot ko sa hayop na si Ivan

"Kala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin nung nakaraan ha!! Sinabihan mo akong pangit, ang gwapo ko kaya. Ang sama mo Ava, bad ka!!" pagrarants niya pa sa harap ko habang nakanguso. 'Kala mo naman bagay sa kaniya mag pout!!

"Kwento mo sa pagong!!" sagot ko matapos ko siyang abutan ng fishball. 'My treat kawawa naman eh hahaha

"Wow ano to ha? suhol?" nakasimangot na sabi niya pa. 'Napakaarte talaga neto

"Oo para manahimik ka na!!" pabalang na sagot ko saka ako nagpatuloy sa pagkain ng fishball









Definitelynotyoursss

When I'm with you [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora