Five years later

"Hi sissy"

Napalingon ako sa nagsalita at agad kong nakita si Theo na malaki ang ngiti sa labi habang may pakaway kaway pa

"Hi Theo" bati ko ng makalapit siya

Natawa ako ng makita ko ang paglukot ng mukha niya sa tinawag ko sa kanya. Theo Valdez ang name niya pero ayaw niyang tinatawag siyang ganon dahil Thea daw dapat. Yes, tama kayo ng iniisip, siya ay isang binabae.

Si Theo ay I mean Thea ay nakilala ko rito sa France nung nag aaral pa ako. I am 3rd year college that time when he's transferee, he transferred to our school kasi trip niya lang daw, ako agad ang nilapitan niya dahil mukha naman daw akong mabait. And he's a Filipino too at nagkaroon daw kasi ng emergency sa business nila dito that's why he's here with his family.

"I have a chika for you" galak na galak pang sabi niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay

Kasalukuyan kaming nandito sa faculty room at naghihintay ng oras na magsimula ang klase and since maaga pa naman ay may oras pa kaming mag chikahan. We're both teacher now pero magkaiba kami ng major subject na hawak, I am Mathematics teacher while he's a English teacher.

"Oh what is it?" parang walang gana kong tugon sa kanya

"Nabalitaan ko lang naman na nag top pala sa board exam ang ex mo"
Napataas ang kilay ko sa kanya habang siya naman ay mas lumapit pa habang ngingisi ngisi pa.

It's been 5 years since I left the Philippines. Tanging sila Vie lang ang nakakaalam kung nasaan ako dahil sila lang naman ang sinabihan ko kung saan ako pupunta. Sinabihan ko sila na huwag nilang sabihin sa kahit kanina kung nasaan ako and that's include him.

Ayaw ko ng makibalita pa sa kanya, dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin. It's been 5 years at sa loob ng 5 year na yon ay punong puno ako ng insecurities. Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung pangit ba ako? kung anong kulang sa akin at bakit niya ako niloko ng ganon. Masakit pa but I know that I already moved on

"Huy sissy? ano na?" napahinto ako sa pag iisip ng kalabitin ako ni Theo

"Ano yon?"

"Wala ka man lang bang sasabihin matapos kong ibalita sayi na nag top pala sa board ang ex mo hihihi" bungisngis pa ang maharot sa gilid ko kaya inirapan ko siya

"Wala naman akong pake sa kaniya l, hayaan mo siya. Pakialam ko naman!" maldita kong sabi

Bumuntong hininga siya at sumeryoso ng konti. Simula nung nalaman niya ang tungkol kay Lawrence ay hindi na siya mapakali kung ano anong balita ang dinadala niya sa akin, hindi ko alam kung saan niya nasasagap yon. Crush niya daw si Lawrence at gusto niya rin daw itong ma meet kung may panahon. Ewan ko ba sa taong to

"Talaga? Wala ka ng pakialam?" taas kilay na tanong niya
"Oo nga!"

"Pero what if pinakinggan mo yung reason niya, maybe meron siyang reason about don sa nakita mo" seryosong sabi niya kaya naman napahinga ako ng malalim

Kinwento ko kasi sa kanya ang lahat dahil hindi na siya iba sa akin. Kapatid na ang turing ko rito kay Theo, sa kanya ko nilalabas lahat ng hinanakit ko kaya alam niya  ang tungkol sa nangyari sa amin ni Lawrence

Gwapo si Theo, malaki din ang katawan kaya hindi nahahalata na babae din siya tulad ko. Ako lang kasi ang nakakaalam na babae siya. Lahat ng kasama namin dito ay iniisip na may something kami pero wala dahil para lang talaga kaming magkapatid. Mas malambot pang kumilos sa akin to lalo na kapag kami lang dalawa ang magkasama. Kilala narin siya ni Mommy kaya hindi na sila nag aalala dahil mabuting tao naman ang sinasamahan ko.

"Sarado ang utak ko sa mga paliwanag niya that time" umiwas ako ng tingin dahil bumabalik na naman ang sakit

"Ilang buwan ba kayo non?" tanong niya pa, Chismosa talaga

"1 month" sagot ko naman

"Tapos ganyan ka ngayon? Do you love him that much?" tanong niya pa kaya naman napatango ako "Alam mo sayang kayo, hindi man lang kayo umabot ng taon" kunwari pang nanghihinayang na sabi niya napairap ako sa sinabi niya at inis na tumingin sa kaniya bago sumagot

"Sayang pala, Edi ikaw magtuloy!"










Definitelynotyoursss

When I'm with you [COMPLETED]Where stories live. Discover now