ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇ

13 1 0
                                    

Sa pagitan ng bawat salitang binibigkas ng Judge upang itali ang dalawa, imbis na tuwa ang maramdaman niya ay naging mistulang tinik ito na bumabaon sa kaniyang dibdib

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Sa pagitan ng bawat salitang binibigkas ng Judge upang itali ang dalawa, imbis na tuwa ang maramdaman niya ay naging mistulang tinik ito na bumabaon sa kaniyang dibdib. Dapat maging masaya siya dahil pumayag na magpakasal ang lalaking pinakamamahal niya. Ngunit sa tuwing titignan niya ang mukha nito. Wala siyang makita kung hindi poot at matinding pagkasuklam.

Hindi niya ito masisisi dahil alam niyang labag ito sa kalooban niya. Harap-harapang pinaparamdam sa kaniya ang disgusto at pagkamuhi sa pamamagitan ng mga mata nito.

Nagbaba siya ng tingin. Pinipiga ang puso niya at para bang may mabigat na bagay na dumadagan sa kaniyang dibdib.

"You may now kiss the bride." atas ng Judge.

Tumingala siya upang salubungin ang walang buhay na mga mata nito. Matatalim na titig ang ipinukol ng lalaki saka marahang inokupa ang maliit na puwang sa kanilang dalawa.

Dahan-dahan siyang pumikit at hinintay na maglapat ang kanilang labi. Ngunit nadismaya siya nang maramdaman ang malamig niyang labi sa pisngi nito.

Siyam na taon siyang nawala at hindi nagparamdam. Paano nga ba sila napunta sa ganitong sitwasyon na kung saan sila ay sapilitang itinali sa isa't isa.

Nanikip ang kaniyang dibdib pagkatapos humiwalay ito sa kaniya. Halos hindi niya makuhang pagmasdan pa ang lalaki dahil sa intensidad na pagtingin nito sa kaniya.

Umuwi sila sa bahay na isa sa pagmamay-ari ng lolo ng asawa niya. Dito sila magsasamang dalawa nang matagal at alam niyang hindi iyon pabor sa lalaki ngunit wala itong magagawa.

Binagsak nito ang bagahe sa sementadong sahig. Sa isang masukal na silid na puno ng alikabok at gamit siya dinala ng asawa. Nagtataka siyang tumingin dito. "Bakit tayo narito?"

"From now on, this will be your room."

bahagya siyang nabigla at inobserba ang magiging kwarto niya. Napansin nito ang pagdugtong ng kaniyang kilay. "What? Any problem with your room?"

Tinignan niya ito at saka ngumiti. "Wala naman. Akala ko kasi tabi tayong matutulog sa iisang kwarto since mag-asawa na tayo."

Inismiran siya nito. "Kasal lang tayo sa papel. But it doesn't mean anything for me. You're just a stranger who ruined my life."

Tila may bumaon na punyal sa puso niya habang tinatapunan siya nito ng matatalim na titig. "I was part of your life. You just lost your memory."

"Was." diin nito. "Siguro kaya kita nakalimutan dahil hindi ka naman importante sa buhay ko. I was contented living with my girlfriend but you entered again and destroyed my life. All my plans with her was gone. Kaya huwag kang maging kampante dahil sa papel na 'yan. You're just a liability."

Pagkatapos ay inisang-hakbang nito ang labas ng pinto at iniwan siyang may bigat sa dibdib.

Muntik niyang makalimutang isa pala siyang bayad sa malaking pagkakautang ng kaniyang mga magulang sa pamilya ng asawa niya. Kahit may parte sa kaniya ang pagtutol sa ganitong sitwasyon, pumayag siyang magpakasal nang marinig ang totoong kalagayan nito.

Forgotten LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt