Chapter 00

4 0 0
                                    

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.

Tanging tunog lang sa pagtitipa ng keyboard sa laptop ang maririnig sa buong sala. Kanina pa kasi siya abala sa paghahanap ng bagong trabaho sa mga online site. Ngunit hirap siyang makahanap ng trabaho dahil kino-consider niya ang layo ng lugar at sapat na sahod.

Sa kasamaang palad, isa siya sa mga taong natanggal sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Biglang nagbawas ang maliit na kompanyang pinasukan niya. Unti-unti na kasi silang nalulugi kaya naisip nilang magtanggal ng mga trabahador.

"Ate." Lumapit ang kapatid niya na handa na sa pagpasok ng school. Tinaas lang niya ang kilay bilang tugon. "May contribution po kami na 150 pesos sa room."

"Huh? Para saan?" doon siya napalingon.

"Sabi ni ma'am para raw yon sa pagbili ng bagong electric fan. Isa lang kasi ang meron sa amin tapos pinag-aagawan pa."

"Ga'non ba. Kelan ba deadline?"

"Ngayon po."

Bahagya siyang nagulat sa narinig. "Ngayon?! Bakit hindi mo sa akin sinabi ahead of time?!"

"Nakalimutan ko po, sorry."

Malalim siyang bumuntong-hininga at saka binunot ang pitaka sa bulsa niya. Kumuha siya ng 150 pesos at ibinigay sa kapatid. "Salamat ate!"

Pumihit ito patalikod at saka nagpatuloy sa pag-alis. Ngunit agad niya itong tinawag nang may makalimutang itanong. "Sandali Siobhan!" huminto naman ito.

"Kumain ka na ba ng breakfast?"

Umiling siya. "Nagdala lang po ako ng tinapay na may palamang peanut butter. Doon nalang ako kakain sa school. Sige ate baka ma-late pa ako. Bye!"

Tumango na lang siya at hinayaan siyang umalis.

8 years old na ang kapatid niya at nag-aaral sa ikalimang baitang ng elementarya. Medyo malapit lang naman ang school niya sakanila. Hindi niya na ito hinahatid-sundo dahil big boy na raw siya.

Nagpatuloy siya sa paghahanap ng trabaho dahil tatlong linggo na siyang walang stable na income. Since marunong siyang mag-make up at maghairstyle, may mga taong lumalapit sa kaniya upang ayusan sila ng buhok at mukha. Doon siya nagkakaroon ng kaunting pera pambili ng pangangailangan nilang dalawang magkapatid.

Siyam na taon na rin silang ulila magmula nang yumao ang kanilang mga magulang. Hindi naabutan ni Siohban ang mama nila dahil namatay ito pagpanganak sa kaniya. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanila lalo na sa papa nila. Upang mapawi ang pangungulila sa asawa naging kanlungan niya ang alcohol at sigarilyo na siyang sumira sa kaniyang kalusugan.

Pagkaraan ng ilang buwan pagkatapos yumao ng kanilang ina, sumunod naman ang ama nila.

Sa kabila ng dinanas nila, minabuti niyang maging malakas at magpatuloy sa pag-aaral. Dinala niya ang kapatid sa manila at doon niya napagdesisyunang manirahan. Naisip niyang makipagsapalaran sa lugar na ito at nagbabakasaling makahanap ng magandang trabaho pagkatapos grumaduate. Sa probinsya kasi nila malayo ang University at iba pang mga paaralan.

Pagpatak ng alas nuwebe naghanda na siya upang pumunta sa bahay ng Pamilyang Thomas. Debut kasi ngayon ng anak ni Mrs. Alona at kinuha siya nito na ayusan si Norjannah na siyang magbi-birthday. Magsisimula ang party mamayang four o'clock pa pero mas mabuti ng maaga niyang matapos ayusan ito para marami pa siyang oras na makapag-prepare.

Nag-doorbell siya sa harap ng gate nila at hinintay na may bumukas dito. Isa sa mga maid nila ang nagpapasok sa kaniya at sinabing kanina pa raw siya hinihintay nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon