CHAPTER 01

112 8 1
                                    

JACK SPADE QUEENZHEART

Dahan-dahan akong naglalakad papasok mula sa naglalakihang gate ng mansion ng mga Ruiz, mabuti na lang talaga madaling patulugin ang mga bantay nila kaya mabilis na akong nagtungo sa harapan ng mansion na ito. Pagkatapak ko pa lang sa harap ng pinto ay hindi na ako nagulat nang makita ko na mula sa apat na sulok nito ay may maliliit na itim na mga bagay ang nakalagay dito na pagkakaalam ko ay isang uri ng mga door security devices.

"Hmm kaya pala madali lang pasukin ang gate nila dahil may nakalagay pala sa pinto, tsk.", mahinang saad ko sa aking sarili habang mabilis kong pinag-aralan ang pagkaka-structure ng pintuan na mabilis ko rin na inalam kung anong klase ng security device ito at kung paano ko ma-disable ang mga ito.

Mula sa aking pagsusuri ay agad kong nalaman na isa pala itong uri ng buzzing device, yeah buzzing device ang tawag sa mga pinto na may kandadong nag-iingay kapag sapilitang binubuksan at hindi ginagamitan ng susi or mga identity features para mabuksan. Nakakainis ang mga ganitong uri ng pinto, ang sarap pasabugin lalo na 'yung mga tunog na nililikha rito. Mas matitiis ko pang pakinggan magdamag ang bunganga ni Damon, ang bestfriend ko.

Para hindi makalikha ng kahit na anumang tunog ay agad kong hinanda ang mga barahang aking gagamitin. Mula sa aking kanang kamay ay agad kong binuklat na parang pamaypay ang aking mga baraha, pinili ko ang apat na ace of cards at agad ko itong dinikit sa apat na sulok ng pinto kung saan nakalagay ang mga device.

Maya-maya lang agad ng bumukas ang pinto na nagpangiti sa akin ng sobra. Kahit kailan talaga hindi pa rin pumapalya ang mga barahang ito, well these cards is very unique and different because it is made of some kind of metal na kasing nipis ng papel na parang ginagamit sa normal na mga baraha.

Sa bawat barahang ito ay may mga nakalagay na sobrang maliliit na chips na may iba't ibang kakayahang taglay. Halimbawa na lang sa apat na ace of cards kung saan ang mga chips na nakalagay doon ay may kakayahang i-shutdown pansamantala ang kahit anong kagamitan na ginagamitan ng kuryente o mga makina na tumatagal lamang ng sampung minuto.

Pagpasok ko pa lang sa loob ay agad na akong namangha sa mga dekorasyon na makikita sa mansion. Mula sa mga naggagandahang furniture hanggang sa mga nakadisplay na mga rare at mamahaling paintings. May nakita pa akong mamahaling chandelier na nakasabit sa sentro ng mansion kung saan makikita naman sa baba ang dalawang naglalakihang hagdanan mula sa kanan at kaliwa.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras upang mamangha uli sa aking nakikita at agad na ako nagpunta sa tunay na pakay ko sa mansion na ito. Ang 10 million jewelry set which contains a necklace, earrings, and bracelet na may black diamond na nakalagay sa bawat isa.

Agad kong tinahak ang pinakamalapit na hagdanan sa akin which is the left side, hindi naman agad ako nagtagal at narating ko na ang second floor. Mula rito makikita ang magkakahilerang pinto, meron sa kanan at kaliwa. Siguro kung pipityuging magnanakaw lang ako baka inisa-isa ko pa ang bawat pinto para malaman lang kung saan nakalagay ang mga alahas, pero dahil hindi naman ako tulad nila ay agad kong kinuha ang isa uli sa aking mga baraha ang five of diamonds.

This card had an ability to detect golds and silvers na laging ginagamit sa paggawa ng mga alahas. Agad akong nag-tap ng dalawang beses sa likod ng baraha upang ito ay magsimulang mag-activate. Pagkagana pa lang nito agad naman na umilaw ang limang diamonds nito na napag-paisip agad sa akin dahil kapag umilaw ang limang diamonds na 'yun ibig sabihin sobrang lapit ko lang sa aking hinahanap.

Agad naman naglikot ang mga mata ko at napagtanto na hindi pa rin pa pala ako umaalis sa aking kinatatayuan which is sa bukana ng hagdanan na aking tinahak papunta rito sa second floor. Mabilis naman na may nag-snap na idea sa akin at agad na tinahak uli ang kaliwang hagdanan, then I started to move a few steps pababa hanggang makita ko uli ang isang stair na may parang gasgas sa gilid.

MASTER ILLUSIONISTWhere stories live. Discover now