CHAPTER 10

52 7 0
                                    

KNAVE CLOVER QUEENZHEART

"Kuya! Eto kaya?", na-eexcite kong saad kay kuya habang turo-turo ang isang chocolate cake na may cute na disensyo na sa tingin ko ay mukhang masarap din. Nakadisplay ito sa lalagyanang salamin kasama ang iba pang cake na may naggandahang disenyo at mukha ring masarap. Dalawang kamay na nakabulsang lumapit naman si kuya sa aking kinatatayuan at nang makalapit na siya ay nagtataka namang tiningnan ang cake na tinuturo ko.

Maya-maya ay ang nagtatakang ekspresyon sa kanyang mukha ay napalitan ng galak at nagningning ang mga mata na tumingin sa'kin. "Chocolate cake? Sige ba ayan na lang! Ang cute pa ng design at mukhang masarap pa.", nagagalak na saad ni kuya sa'kin.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganyan ang reaksyon ni kuya, well favorite kasi namin ang chocolate cake lalo na kung dark chocolate o 'di kaya ay kung puro-purong ang chocolate na nakalagay.

Kaya kami naririto ngayon sa cake shop na ito ay dahil pupunta kami sa hideout ngayon araw kung saan pansamantalang tumutuloy sila Jah at Fritzy—tawag ko kay Almiro 'yung alalay ni Madam Valyen, tsaka Almiro Fritz Javier 'yung complete name na pinakilala niya sa amin after namin siya mapuntahan sa pansamantalang pinag-iwanan sa kanya ni Jah para hindi siya mapahamak at madamay sa pakikipaglaban namin sa mga tauhan ni Madam Valyen.

Gusto naming dalawa ni kuya na dalhan sila ng pagkain para sa pagbisita namin ngayon sa kanila sa hideout. Kaya naglalakad-lakad kami imbis na magbisikleta dahil sa totoo lang wala pa kaming maisip na pagkain na puwedeng ibigay sa kanila hehe, kaya umaasa kami na may madadaanan kaming food shop.

Ngunit tila minalas kami ngayong araw dahil karamihan sa mga shop na nagtitinda ng mga pagkain ay maaagang nagsarado. Muntik na nga kami sumuko at warm hugs na lang sana bibigay namin sa kanila.

Ngunit tila pinagbigyan kami ng tadhana dahil sa paglalakad-lakad pa namin ay may nakita kaming bukas na cake shop. "Clov, nasaan nga pala si Damon? Akala ko ba sasabay 'yung asungot na 'yon?", napatingin naman ako kay kuya na nasa counter at binabayaran na 'yung cake na napili namin.

"Ah pinauna ko na si Mon, kuya.", simpleng saad ko sa kanya habang sumusunod sa kanya palabas ng cake shop, "Hmm okay.", maikling tugon lang ni kuya sa'kin habang sabay na namin tinatahak ang direksyon ng pupuntahan namin.

Makalipas ang ilang minuto ay mabilis lang kaming nakarating ni kuya sa hideout at tahimik lang kaming pumapasok sa loob. Mula sa pinto ng mansion na ito ay aakalain mong isang ordinayong pinto lang ito na simpleng binubuksan upang makapasok.

Ngunit nagkakamali kayo dahil ang pinto na ito ay may nakalagay na security features, partikular na ang face recognition at ang eye scanner. Agad na tinapat ni kuya ang kanyang mukha sa scanner na nakatago sa may gilid ng pinto at pagkatapos ay sunod naman niyang ini-scan ay ang kanyang mga mata kaya mas lalo niyang nilapit ang kanyang mukha sa scanner.

Maya-maya pa ay may lumabas na maliit na kulay orange na ilaw sa scanner na nangangahulugan na na-recognize na si kuya. Agad naman na nagbukas ang pinto ng hideout kaya dali-dali na rin kaming pumasok. Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad na uling nagsara ang pinto.

Nagtungo naman agad kami sa may sala ng mansion na ito. Habang naglalakad ako ay napagmamasdan ko ang loob ng mansion na ito na puno ng mga makabagong kagamitan na karamihan ay puro ginagamit sa tuwing aalis kami gab-gabi.

Kung nakakatakot ang labas ng mansion ay kabaliktaran naman sa loob dahil kung ano kinatakot ng labas ay 'yun naman ang kinaganda at kinaaliwalas ng loob. Agad naman akong napatigil sa pagkalalakad ng may mapansin ako kaya sinabihan ko muna si kuya na mauna na muna siya. "Kuya, mauna ka muna may checheck lang ako rito.", saad ko habang naglalakad papunta sa isang sulok, "Sige.", narinig ko pang saad ni kuya bago nagdiretso sa may sala.

MASTER ILLUSIONISTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang