PaoDer 6: The Blame is on Me

266 13 15
                                    


Hindi ko alam kung anong nangyari kay Sand at ganito ang inaasta n'ya. Nagdala nga ng bento box pero umalis agad. Ang mas nakapagtataka pa eh pang tatlong tao ang inihanda n'ya. Malakas akong kumain kaya alam ko na sinadya n'yang ganun karami at sigurado rin ako na intended n'yang sabay kaming kumain. Ngayon hindi ko maintindihan kung bakit bigla lang s'yang nawala.

Teka.

Hindi kaya. Hindi kaya nakita n'ya kanina si Eclaire? Aish! Ano na naman kaya ang inisip nun?! Matawagan nga.

Walang sumasagot.

Matawagan nga ulit. Baka busy lang.

Wala pa rin.

Matapos ang hindi-ko-na-mabilang-kung-ilang-beses na tawag ko, sumagot din s'ya sa wakas! "Sand?! Sand?! San ka? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko?! Uy. Bakit hindi mo ako tinawag nung inihatid mo yung bento?"

"Hmm. Nowhere," bored n'yang tugon.

"Sand, naman. Nasaan ka? Pupuntahan kita."

"I'm busy."

"May problema ba?"

"Wala." Heto na naman ang kasinungalingan n'yang halatang-halata. Common na style ito ng mga babae.

"Meron. Nasaan ka? Pag-usapan natin."

"I'm busy. Resume flirting with that bitch of yours." Minsan nakakainis itong tono ni Sand na parang bored at walang pakialam. Isa ito sa mga pinakakinaiinisan kong ugali n'ya pero kaya kong tiisin. Pakakasalan ko na nga eh. 

"Ha? Teka? Ano bang pinagsasabi mo? Magpapaliwanag ako." Mukhang nakita nga n'ya si Eclaire kanina. Anak ng putakte naman! Sa dinami-raming pagkakataon, bakit ngayon pa?!

"Nothing. Anyway, I have to go. I have a date with someone way better than you. Bye bye, Hubby. Wifey's going to play a little."

"Sand!" At binabaan n'ya ako ng telepono. Teka, anong ibig n'yang sabihin dun sa sinabi n'yang 'wifey's going to play a little'. Tangna. Mukhang maghahanap pa to ng ibang lalake ah.

Pero hindi naman ganun ang pagkakakilala ko kay Sand. Sa tingin ko nasabi n'ya lang yun dahil sag alit s'ya.

Sinubukan ko ulit na tumawag kaya lang hindi ko na s'ya ma-contact. Takte talaga! Nasaan na ba tong syota ko?! Sinubukan kong gamitin ang GPS pero walang nangyari. Ayoko rin namang tawagan si Kuya Kei dahil siguradong hihingi s'ya ng  isang mahabang explanation.  Baka malintikan ako. At mukhang malilintikan nga talaga ako nito.

Takte naman. Teka. Baka nasa condo lang s'ya.

Agad akong umalis sa site at nagmadaling nagdrive papunta sa condo. Sana nandun s'ya. Kailangan kong makapagpaliwanag. Mali ang iniisip n'ya. Aish! Bakit ba agad s'yang nagtatampo at hindi ako tinatanong muna. Minsan parang bata umasta si Sand. Pero siguro kailangan ko rin s'yang intindihin dahil ako ang una n'yang nakarelasyon. Matalino s'ya pero hindi ako kampanteng kaya n'yang i-handle ang mga sitwasyon na ganito. Mukhang kailangan kong habaan ang pasensya ko.

Sana maabutan ko s'ya sa bahay.

Iniliko ko ang sasakyan sa isang kanto para mag-short-cut kaya lang, hindi ko inaasahan na may makakasalubong rin pala akong sasakyan. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sinubukan kong ikabig sa gilid ang sasakyan kaya lang...

Kaya lang...



Sand:

Parang kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may hindi tama.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Ricky, yung parang British na Aussie na nakipagkilala sa akin sa coffee shop. Apparently, s'ya ng may-ari at napansin n'yang umiiyak ako sabay yakap sa teddy bear. Nilibre pa n'ya ako ng isang slice ng blueberry cheesecake at choco frappe na hindi ko alam ang exact name.

#PaoDer: A Rollercoaster Ride to LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora