#PaoDer 13: Prince

218 11 21
                                    

Paolo:

Isang linggo matapos kong itanong kay Sand kung gusto ba n'ya ng bata sa bahay, dumating ang batang inaasahan namin.

"Prince! Eclaire! Dito!" tawag ko nang makita ko na silang mag-ina sa airport. Nakatayo si Sand sa gilid ko at kumakain ng pepero.

"Tito Paolo!" malakas na tawag ni Prince habang excited na tumatakbo papunta sa akin.

Matangkad kung ikukumpara sa mga kaedad n'ya si Prince. Gwapo katulad ko. Haha. Maraming paiiyaking babae to paglaki. Sa bagay, nagmana talaga s'ya kay Eclaire. Maganda lahi namin eh.

Hindi ko kelan man nakilala kung sino man ang tatay ni Prince. Ang alam ko lang ay namatay ito noong pinagbubuntis palang ni Eclaire ang pamangkin ko. Hindi sila kasal kaya naman apelyido ni Eclaire ang dinadala ni Prince. Dahil nga nagmana itong gwapong pamangkin ko sa nanay n'ya, medyo magkamukha kami. Yun nga lang mas maputi si Prince. Medyo moreno nga naman kasi ako. Tall, dark and handsome ako eh. haha

Agad kong kinarga si Prince nang makalapit siya. "Hey there, young man. How's the trip?" Medyo tagilid ang tagalog nitong pamangkin ko kaya naman kailangan kong mag-english.

"It's cool, Tito. I slept throughout the flight. Hello, Tito Sand! You're so pretty!"

Nakita kong nagulat si Sand dahil sa papuri ni Prince. Kahit ako ay gulat din.

"Why thank you, Prince. Would you like some pepero?" alok ni Sand nang nakangiti.

"Oh boy! I sure love pepero, Tito Sand. Thanks!" masigla naman si Prince nang tinanggap n'ya ang isang stick ng pepero.

Dalawang luggage lang ang dala ni Eclaire. Si Sand ang nagdala nung isa kaya naman wala akong dala-dala kaya ang ginawa ko nalang ay binuhat ko nalang si Prince sa likod ko. Natuwa lang ako dito sa bag n'ya na spongebob. Bagay na bagay sa dilaw n'yang polo shirt at brown na shorts. Para tuloy nagko-cosplay as Spongebob si Prince. Alam kong mahilig si Sand sa mga Spongebob na bagay pero hindi n'ya lang mapakita.

Naririnig kong nagke-kwentuhan sa likod ko sina Sand at Eclaire. Parang narinig ko rin na may dala s'yang mga make up para kay Sand. Hindi naman kailangan ni Sand yun kasi kahit walang make up eh ang ganda na n'ya. Nagpadala rin daw ng mga damit si Ermats para kay Sand. Mukhang itutuloy nga n'ya yung plano n'yang kunin si Sand bilang model ng bago n'yang line ng mga androgenous na mga damit. Meron kaya rin akong pasalubong? Gusto ko nung pinakabagong Air Jordan. Wala pa kasi nun sa Pinas. Ipagyayabang ko kina Krieger at Aison. Haha.

"Tito Paolo, your wife is really pretty and nice," biglang singit ni Prince habang nakayakap sa leeg ko para hindi s'ya mahulog.

Nagulat ako sa ginamit n'yang term kaya napatanong ako. "Wife?"

"Yes. Tito Sand is your wife, right, Tito Paolo? Is he really a boy?" inusente ang pagkakatanong ni prince kaya naman ay napatawa ako bago sumagot.

"Erm. Yeah. He's the prettiest guy I've ever seen. Don't you find it weird?"

"Weird? What's weird, Tito Paolo?"

"That my wife is a guy too?" Medyo ingat ako sa pagtatanong kasi naman ayokong parang ako pa ang nagpapadumi sa utak ni Prince. Kaya lang nagulat ako sa sagot n'ya satanong ko.

"Nope. I don't think so, Tito Paolo. Everyone can love whoever he wanted to love."

Humanga ako sa lawak ng pag-iisip ni Prince. Hindi ko alam kung dahil ito sa pagpapalaki sa kanya, sa lipunan na kinalakihan n'ya or dahil ganito na talaga s'ya pero gusto ko ang pag-iisip n'ya. Sana lahat ganito mag-isip. Kung naging katulad ng pananaaw ni Prince ang pananaw ng iba, hindi na kailangan ni Sand na itago ang relasyon namin. Si Sand lang naman kasi ang may ayaw na ipakita na talaga namin ang relasyon namin eh. Kung ako ang tatanungin, wala akong pakialam kung ano man ang sabihin ng iba. Ipagsisigawan ko pa na boyfriend ko si Sand. Alam nga ng marami sa mga katrabaho ko ang tungkol sa amin ni Sand. Ang problema: si Sand ang natatakot na baka daw mag-iba ang tingin ng mga katrabaho ko sa akin kasi nga panglalaking trabaho ang pagiging engineer. Nako! Kung alam lang ni Sand na marami sa mga katrabaho ko ang nagsasabing maganda s'ya at mas nagkaka-interes pa sa kanya kapag nalalamang isa s'yang doctor. Mga loko. Kailangan ko talagang bakuran si Sand. Mahirap nang masulot pa to sa akin. Haha

#PaoDer: A Rollercoaster Ride to LoveWhere stories live. Discover now