17.

3.2K 83 3
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

LATE NA NG magising ako hindi ko namalayan na 10am na ng umaga napasarap yata ang tulog ko.

Pagkalabas ko sa aking silid nagtungo ako sa kusina nakita ko naman si lola na nagluluto.

"Ulam po natin yan nay?" Tanong ko rito.

"Sa mga magsasaka ito hija. Pero kung gusto mo magtatabi ako para sayo." Ani ni lola habang hinahalo niya ang niluluto.

Liminga linga ako napagtanto ko na wala sila tatay at Xiquil bakit kaya?

1 week na ding andito si Xiquil at panay ang pagtratrabaho niya kasama si lolo At 1 week ko na rin siyang hindi masyadong pinapansin, kung sasagot man ako sa kanya ay tipid lamang, ano siya gold? Duh maghirap ka muna Xiquil.

Minsan nag-aararo siya at nagtatanim ng palay, nagtataka nga ako kasi ayaw nun sa putik at nagrereklamo pa nga siya dati kapag nakakatapak tapos ngayon parang wala lang sa kanya ang matapakan at madumihan ng putik medyo naging tanned skin na rin siya.

"Nay? Asaan sila tatay?" Tanong ko kay lola.

"Anjan sila sa may likod ni Xiquil hija inaani na nila ang mga pananim na kamatis at iba pa."

"Ah sige po nay." Ayon lamang ang aking nasabi.

Pumunta ako sa likod imbes na makita kong namimitas ng kamatis si Xiquil nagsisibak ito ng kahoy?!

Nakahubad lang ito kaya kitang kita ang 8 packs abs niya. May narinig naman akong munting tili sa gilid at nakita ko ang mga kababaihan na nakatingin kay Xiquil.

At ito namang si Xiquil panay ang ngiti sa mga babae kaya maslalo tuloy silang timili. Tsk sakit sa tenga ng mga tili ah.

Lumingon sa banda ko si Xiquil at bago pa magtama ang aming mga mata tumalikod ako at agad na umalis.

Edi maglandian kayo ng mga babae mo ukinana wala akong paki.

Imbes na pumunta ako sa loob ng bahay dumiretsyo ako palabas hanggang sa makapunta ako sa kalsada.

Pinagmamasdan ko ang mga palay, puno at kung ano pang pwedeng makita.

"Oh vie andito ka pala." Napalingon ako sa aking gilid ng makita ko si aleng Lotie.

"Naglalakad lakad lang po ako." Pagrarason ko kahit hindi naman talaga.

"Oh siya mag-iingat ka rito mauuna muna ako ah baka hinahanap na ako ng mga anak ko." Ani nito.

"Sige po, mag-iingat rin po kayo aleng lotie."

Nagpalipas ako ng ilang minuto room saka ko naisipang bumalik sa bahay pagkapasok ko nakita kong nakahain na ang mga pagkain sa lamesa.

"Oh sakto ang dating mo tawagin mo na sila at kakain na." Ani ni lola.

"Sige po nay."

Naglakad ako sa gilid ng bahay papunta sa likod para tawagin na silang kumain habang papalapit ako sa bandang likod naririnig ko parin ang mga tilian ng mga kababaihan.

Tsk, hindi ba sila marunong manahimik ang sakit kaya sa tenga.

Tumayo ako ng tuwid saka ako nagsalita para ayain na sila tatay na kumain.

"Tay! pasok na po muna kayo kakain na raw sabi ni nanay!" Nakita kong napatingin sa akin si Xiquil pero hindi ko siya tinaponan ng tingin tumalikod na rin ako saka nagsimulang maglakad.

Narinig ko naman ang mga kunting bulungan ng mga babae roon.

Nawala rin ang mga ngiti nila sa kanilang labi ng magsalita ako kanina.

Lumingon pa sa akin si Xiquil bago ayusin ang mga nasibak niyang kahoy pero inirapan ko lang siya.

Hindi ko na sila hinintay pa at pumasok na ako sa loob at umupo sa tabi ni lola.

Hindi rin nagtagal ay pumasok na rin sila lolo at Xiquil umupo sa tapat ni lola si lolo at umupo rin sa tapat ko si mokong.

Tahimik kaming kumain ng lunch. Ang tunog lang ng kubyertos ang aming naririnig.

As usual si Xiquil ang naghugas may natira pang hugasin sa lamesa kaya kinuha ko ito at nagtungo sa lababo kung saan naghuhugas si Xiquil.

Pagkalapag ko ng aking dala ay aalis na sana ako ngunit nagsalita siya.

"Your grumpy miss ma'am, sayo lang ang katawan ko huwag kana magselos sa mga yun." Pagtukoy niya sa mga babaeng nagtitilian kanina.

"Hindi ako nagseselos at bakit naman ako magseselos? You can have every girl that you want pero hindi mo ako basta basta makukuha." Hindi ko na siya hinintay na magsalita agad akong naglakad papunta sa sala kung na saan si lola na nanonood ng tv.

Saan niya naman nakuha na nagseselos ako? Kahit na magtalik pa sila sa harapan ko wala akong paki.

Tsk. Kung ano ano tuloy naiisip ko.

May naramdaman akong nagvavibrate sa aking bulsa kaya kinuha ko ang aking cellphone nakita ko namang tumatawag si mama kaya agad ko itong sinagot.

"Ma, kamusta?" Tanong ko sa kabilang linya.

[Ok lang naman kami, kayo ba diyan ng mga lolo at lola mo? At kamusta naman si Xiquil bilang trabahador ng lolo mo?] Sunod sunod na tanong ni mama sa kabilang linya.

"Ok lang naman po kami ma, ewan ko dun hindi ko naman alam na magiging trabahador siya ni lolo sa bukid at pati sa taniman ng mga gulay." Boring kong sagot kay mama.

[Alam mo bang bago makapunta jan si Xiquil ay nagpaalam siya sa amin na liligawan ka niya pero bago namin sabihin sa kanya ang address ay medyo pinahirapan muna namin sya.] ani ni mama.

"Ano pong pinagawa niyo sa kanya?" Tanong ko rito.

[Marami anak tatlong araw rin siyang andito nun, pinagawa namin siya ng mga gawawing bahay, halos ang linis nga ng bahay at cr dito eh tapos pinaglaba niya ang kuya mo hindi siya nagreklamo dahil para daw mapuntahan ka niya, pinamalengke din namin siya sa dirty market hindi naman siya nagreklamo ang sabi pa nga niya ay nageenjoy siya sa kanyang ginagawa, pinagluluto niya rin kami ng umagahan, tanghalian at haponan.] Pagkwekwento ni mama sa kabilang linya.

Nakita ko naman si Xiquil na papalapit rito sa sala nakita kong may sugat ito sa kanyang likod at medyo dumudugo.

[Anak anjan ka pa ba? Ipakamusta mo na lang ako kay mama at papa ah, Sige na papatayin ko na dahil baka masunog ang aking niluluto.] Ani ni mama.

"Sige po ma ingat po kayo jan." Pagkatapos kong sabihin yun ako na mismo ang nagbaba ng tawag.

Tumayo ako papunta kay Xiquil na nakatayo na ngayon sa harap ng pintuan ng aking silid.

"May sugat ka sa likod." Sabi ko rito nakatitig lang siya sa akin habang pinupunasan niya ang kanyang pawis.

Binuksan ko ang aking silid hinawakan ko ang kamay niya at hinala siya papasok sa aking kwarto hinayaan kong nakabukas ang pinto para hindi magisip ng kung ano sila lola.

Pinaupo ko siya sa dulo ng aking kama, nakatitig lamang ito sa akin mukhang hindi niya rin alam kung ano ang ginagawa ko.

Pumunta ako sa cabinet kung na saan ang first aid kit.

Pagkakuha ko nito ay agad akong pumunta sa kanya para malinisan na ang kanyang sugat.

Habang ginagamot ko ang kanyang sugat nakita ko ang kanyang bibig na umawang.

Napapadaing siya kapag napapadiin ang bulak na may alcohol, kumuha uli ako ng bagong bulak at nilagyan ng betadine saka ko dinampi dampi sa kanyang sugat.

Bigla siyang gumalaw at napadaing ng malakas ng nadiinan ko ang pagdampi.

Numiwi ako i mouthed "sorry." He just nodded.

Pagkatapos ko siyang gamutin ay bigla itong tumayo akala ko ay aalis na siya pero nagkamali ako dahil tumitig ito sa akin at nagsalita.

"Thank you Ravie." Ngumiti ito sa akin saka naglakad palabas ng aking silid hindi man lang niya ako pinagsalita, tsk.

•Vote is highly appreciated.
Thank you!

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now