36.

2.1K 50 8
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

LUMABAS ako ng bahay para tawagin si viya.

Hindi parin ako makapaniwala na may nangyari sa amin sa falls kahapon.

Dahil sa pagod ko ay maaga akong nakatulog kagabi pagkatapos naming kumain.

"Oh ate nagd-day dream ka ba?" Tanong ni viya.

Umiling ako sa kanya at iginaya siya papasok sa bahay.

"Kain na tayo." Saad ni Xiquil habang tinatanggal ang apron niya.

"Wow mukhang masarap luto mo kuya." Mapang-asar na saad ni viya.

"Kailan ba hindi naging masarap luto ko?" Tanong niya kay viya.

"Nung asukal nailagay mo sa tinola kuya at hindi asin." Saad nito at tumawa bago umupo.

Pinaghila ako ng upuan ni Xiquil.

"Thanks." Ngumiti ito sa akin.

Sa buong hapag nag-aasaran lang si viya at Xiquil.

Ako na rin ang naghugas at si Xiquil ang nagpakain kay xi.

"Tomorrow morning na tayo aalis?" Tanong niya.

"Yes."

"Sinabi mo na ba kay viya?"

"Sasabihin pa lang biglaan din kasi ang pagpapauwi ni mama eh." Sagot ko at tumango na lang ito.

Nang matapos ako sa paghuhugas pumunta ako sa sala para manood.

Nang may mapanood akong ice cream gusto ko tuloy magpabili.

Kaya naman pinilit ko si Xiquil at napilit ko nga.

Nang makarating kami sa bayan bumili kami ng chocolate ice cream my favorite!

"Thank you." I kissed his cheek at mukhang nagulat pa ito kaya naman napahagikgik ako.

"I will give everything for you, love ." Saad nito at hinalikan ako sa noo.

"Ang sweet niyo naman po sir at ma'am." Saad ng nagtitinda dito sa ice cream shop.

"Ganito lang po talaga kami maglambingan ng asawa ko." Saad ni Xiquil.

"Sana makahanap rin po ako ng taong magmamahal sa akin." Saad ulit ng tindero.

"You will, soon just focus in your priorities first." Saad ko at nagpaalam na dahil gusto ko ng kainin ang ice cream.

Pagkarating namin sa bahay excited akong lumabas sa kotse at ng akmang tatakbo na ako pagkatapos ako pagbuksan ni Xiquil muntik na akong matumba.

"Careful, wife." Aniya at hinapit ako sa bewang para mapalapit ako sa kanya.

Pero bago pa niya ako mailapit sa kanya agad akong tumakbo papasok sa bahay.

Binuksan ko agad ang ice cream at nang titikman ko na ay biglang may nagsalita sa aking likod.

"Ang kulit talaga." I pouted at him because he eats my ice cream.

He leaned to give me a soft kiss. Ako mismo ang humiwalay sa halik namin dahil baka kung ano pa mangyari.

Kagaya ng nababasa ko sa wattpad maslalo sa PSmen.

Mabilis lang naman yun kaya natakas na naman ako sa kanya dala dala ko sa sala ang ice cream.

Habang nanonood ako hindi ko man lang namalayan na katabi ko na si Xiquil at kinakain ang ice cream na nasa kutsara ko.

Nakafocus kasi ako sa pinapanood ko tapos siya naman tamang amoy at halik sa aking balikat at leeg.

"Xiquil stop!" Naiinis kong saad he just hmmed at me.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now