Chapter 6

294 11 3
                                    

Aiden's POV

"Hey!" He greeted ng medyo malapit na sya samin at napalingon naman sa likuran sina Ivan and Xandra sa kanya.

"Nasan si Gee?" Tanong ni Ivan habang hinahanap si Gee. Bigla kasing may sumulpot na babae at mabilis na hinila si Gee kanina nung saktong lumingon si Ivan at Xandra sa kanya. Parang si Cess pa nga yung babae e.

"May humilang babae e." Sagot ko habang hinahanap sila kung san na sila nagpunta. Ang bilis nilang mawala e.

"Asus! Natitrip kana naman e."

"Seryoso!" Sagot.

"Sinong babae ang humila?" Tanong nya.

"Hindi ko sure pero parang si Cess." Sagot ko na inililibot parin ang paningin ko.

"Xandra, sino nga pala yung dapat kasama mo?" Pag iiba ni Ivan ng topic bago uminom ng wine.

"Si Drake."

*cough cough cough* / "HA????" Nasamid si Ivan dahil sa sagot ni Xandra at ako naman nagulat. Si Gee? Panong?

Teka? Anong meron sa kanila ni Gee?

"Anong meron sa inyo ni Gee?" Curious na tanong ko.

"Huh?" napakunot noo sya.

"Ang ibig kong sabihin anong relasyon meron sa inyo ni Gee?"

"Wala!" Nakakunot noo parin sya.

"E bakit mo siya hinahanap?" Tanong naman ni Ivan

"Huh? Si Drake ang hinahanap ko hindi yung Gee na sinasabi nyo."

What? Di nya alam na si Gee at Drake ay iisa? Nagtinginan nalang kami ni Ivan. Kung sabagay kami lang nila Ivan ang tumatawag sa kanyang Gee kaya di nya siguro alam na Gee ang ibang name nya.

"Si Gee at Drake iisa lang." Sabi ko.

"Ganon ba? Hindi ko alam e hehe!"

Ang cute nya. Pucha na Gee yan akalain mo binigyan ng pagkakataon na makakilala lng ganito kagandang dalagita.

"Hi Babe." Nagulat ako ng biglang may humawak sa mga braso ko. At mas lalo akong nagulat nung tiningnan ko kung sino yung humawak sa mga braso ko.

"Kristine?" Lintik yan di ako makakadiskarte kay Xandra.

"Buti naman naalala mo pa ko. Halika dun tayo mag usap." Hinila nya ko bigla kaya di ko na nagawang magpaalam kina Ivan at Xandra.

"What do you want?" Naiinis kong tanong sa kanya. Nandito na kami sa may maliit na garden ng mansion.

"You."

"Tss." Wala ako sa mood makipagflirt sa babaeng to.

"Babe naman."

"Balik na ko sa loob." Lalakad na ko ng pigilan nya ko.

Bwisit na babae to.

Ivan's POV

Bwisit na Aiden yun, basta babae ang bilis.

"Xandra, gusto mo kumaen?" Kumakaen na kasi ang lahat. E busog pa naman kami ni Aiden kaya di lang kami kumakaen. Puro wine ang nilalaklak namin. Tapos na kasi kanina pa bago pa kami dumating ni Aiden yung mga announcement at kung anu-ano pang pinagsasasabi tuwing engagement party. Sinadya talaga namin mag-palate. 6:00 pm kasi ang start ng party ang kaso 6:00pm lang din kami umalis ni Aiden ng mansion. Magkapitbahay kasi kami nitong si Aiden e. 30mins. din ang byahe kaya 6:30 narin kami nakarating. Ska katulad ng sinabi ko kanina, ayaw namin maabutan ang pinakaboring na part ng party which is yung mga speech speech na yan. Ganon kaming lima. Ugali na namin yan. Sila Eason at Dylan 7:00 pm lang dumating. Nandon sila sa veranda ngayon nagpapahangin. Si Gee din daw nandito na sabi ni Aiden kaso mukhang nantitrip lang si Aiden kasi pag lingon namin ni Xandra wala naman. Pero parang narinig ko din yung boses nya kanina.

Playing Casanova (Completed)Where stories live. Discover now