Chapter 20

512 10 0
                                    

CHAPTER 20

DIA

SABI nga nila, pagkatapos mong magsaya may lungkot na kapalit. Kagaya ng panahon, minsan maganda, minsan naman masama. Dalawang linggo na ang lumipas. Umalis na si Niko papunta sa Canada kahapon. Sinamahan ko siya sa airport and I regretted it. I hate seeing him go away from me. Umiiyak tuloy ako buong byahe pauwi sa bahay. Isang linggo siya sa Toronto para ayusin ang requirements niya para sa pagpasok niya sa school na kaniyang gusto. I feel so sad and empty.

Nandito ako sa school kasi nag-umpisa na ang klase para sa bagong semester. Malapit na ang graduation namin sa senior highschool. Hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na kurso sa college.

My punishment in library has been lifted. Natapos ko na kasi ang twenty hours duty na kailangan kong kumpletuhin. Kasi noon kapag walang klase o walang professor, nag-d-duty ako. Masaya kasing kasama si Niko roon kahit na hindi kami nag-uusap.

Minsan natutulala na lang ako. Puwede naman mag-aral dito si Niko, ah? He's very smart. Alam ko na malayo ang mararating niya kahit na rito siya mag-aral. Bakit gusto niya pang lumayo at papiliin ako? Hindi gano'n kadali ang magdesisyon

Naka-schedule sa susunod na araw ang operation ni Mama para tanggalin ang tumor sa pancreas niya. Kinakabahan ako at ilang araw na rin akong balisa kakaisip doon.

Hindi ko man aminin sa sarili ko pero, her body is getting weaker each day. Hindi na kaya ng medication niya kaya kailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. I'm very worried and anxious.

Kasalukuyan akong nasa student plaza at kausap sila Lara tungkol sa mga ginawa namin noong semestral break. Pumunta raw sila Kelsie sa Universal Studios sa Japan kasama ang kanyang boyfriend. Si Lara naman ay pumunta sa kabundukan at nag-hiking. Kinuwento ko sa kanila ang trip namin ni Niko sa Tagaytay.

Natigil ang tawanan namin nang may lumapit sa gilid. Napatingin ako kay Anya na nakatitig sa akin.

"Let's talk." She said.

"Anong sasabihin mo?" tanong ko.

Tumingin siya sa paligid. "Not here."

Nagpaalam ako kila Kelsie. Nakakunot naman ang mga noo nila kasi hindi nila kilala si Anya.

Sumunod ako sa kanya sa building ng nursing building kung saan kokonti ang mga estudyante. Tumayo kami sa taas ng hagdan sa tapat ng bintana.

"Anong sasabihin mo? Make it quick. Pupunta na ako sa susunod kong klase." Humalukipkip ako.

Hinarap niya ako. "Totoo ba na ikaw ang fiancée ni Niko? I want to confirm it," tanong niya.

"Ako nga." Pag-amin ko. Wala na akong pakialam kung malaman ng lahat na fiancé ko si Niko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Suminghap siya na para bang nakumpirma ko ang kanyang iniisip.

"YOU ARE RUINING HIS FUTURE." She blurted out.

My eyebrows furrowed. "Huh? What are you talking about?"

"My Dad offered him to study abroad! Pero ano ang sabi niya? Hindi siya pupunta kapag hindi sumama ang fiancée niya!"

Natigilan ako. Ang tinutukoy ni Niko na tutulong sa kanya ay ang Daddy ni Anya? Hindi niya 'yon binanggit sa akin.

"What?"

"My Dad own a law firm. The governor asked my father to help his only son. My Dad agreed because he saw his potential and promised to help him to become a successful lawyer. Kuya Niko is very smart and ambitious. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa 'yo kung bakit ayaw niyang umalis dito sa Pilipinas nang hindi ka kasama." Umirap sa akin si Anya. "Narinig ko ang usapan nila ni Daddy bago siya umalis. Nagdadalawang isip siyang pumasok sa Toronto at dito na lang mag-aral sa Pinas. Dahil sa 'yo."

I'd Be A Fool Not To Love You (published)Where stories live. Discover now