Mistress 32

1.5K 22 3
                                    

M I N E

Sobrang bilis ng oras halos hindi ko na namalayang pagmamay-ari na ako ni Froy. Pagmamay-ari na ako ng isang mayamang negosyante ng bansa.

Im already agreed to be his slave.

His woman to warmth his cold bed.

His Angel, while he's a demon.

Gano'n kabilis akong nakuha ni Froy La Dymon. Sa isang kisip mata lang hawak na niya ang buhay ko, ang katawan ko, ang puso't isip ko. Lahat sa akin ay pagmamay-ari na niya.

I remembered what happened last time that I agreed to be his slave. May pinirmahan akong papel no'n. Hindi ko alam kung para saan ang papel na binigay niya sa akin para pirmahan ko.

He told me to signed those papers. Ni hindi ko man lang nabasa ng maayos ang papel na binigay niya sa sobrang sabik niya sa akin.

Pagkatapos kong pirmahan 'yon ay kaagad niya akong inangkin, ng paulit ulit na para bang ayaw na niya akong bitawan. Para saan ang papel na 'yon.

Is it about our slave-master thingy?

I scanned the whole room. Nasa loob ako ng mismong silid kung saan niya ako dinala. Not on his condo unit, not in his suite but in his own house.

Sariling Mansion na pagmamay-ari niya. Gano'n siya kayaman. Hindi nakakapagtaka iyon. Ceo siya ng La Dymon Empire kung saan pagmamay ari ng buong La Dymon Clan.

Base from the social media, he's one of the most youngest Ceo in metro manila and also a well-known bachelor in town. Lahat ng kababaihang nakapaligid sa kanya ay walang ibang gusto kundi ang maangkin ang katulad niya.

Froy La Dymon is a cold type of person. Kaya pala unang kita ko palang sa kanya ng gabing yon ay puro matitipid ang mga sagot niya sa akin. Kasing mahal pala ng ginto ang salita niya.

Geez! Nakakalula ang mayayamang tulad niya.

Ibig kong tumili sa gulat ng bigla bigla nalang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Pumasok si Froy na magkasalubong ang mga kilay. Ano na naman kayang problema ng demonyong ito?

"Bakit ang tagal mong lumabas?" Reklamo sa kanya ng binata ng pasadahan siya nito ng tingin. Tumaas baba ang matalim na mata sa kanya ng binata. "I ordered you to wear something not to take a rest"

Nais kong sampalin ang sarili ng marinig ang reklamo nito. Muntik ko ng makalimutang inutusan pala ako nitong magbihis kanina. Binigay niya mismo sa akin ang dress na suot suot ko ngayon. Mas mukha iyong damit ng maid. Sa sobrang ikli non ay halos makita na yata ang pwetan ko.

"P-pasensiya na. T-tumawag pa kasi ako kay Mama kaya ako natagalan"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong malaman niyang nagsisinungaling ako. Sa klase kasi ng tingin ni Froy sakin ay para niya akong binabasa. Para niyang binabasa ang mga salitang nasa mga mata ko.

Imbis na sagutin ako ay lumabas ito ng silid. Napasimangot naman ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga napakasungit ng isang yon. Nagwo-walk out nalang basta basta. Saka palaging mainitin ang ulo kahit wala naman akong ginagawang masama.

Pinaglihi yata siya sa yelo dahil sa sobrang lamig niyang tao. Sobra pa siya sa babaeng nireregla kung makasungit araw araw.

"Let's go, Angel!"

Sigaw mula sa labas ng silid ang siyang nagpatigil sakin sa malalim na pag-iisip.

Mabilis na sinundan ko siya palabas. Nasa hagdan na pala siya ang bilis naman niyang maglakad. Maliliit ang mga hakbang na sinundan ko ito pababa. Nasa likuran niya lang ako kaya amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango.

The CEO's MistressWhere stories live. Discover now